Humingi ng bakasyon si Justice. Nagpunta kami ng Tagaytay upang mawala ang trauma ng mga bata.
Pagbalik, sinorpresa si Justice ng buong kapulisan ng hirangin siyang pinakabatang PNP Chief.
Lalong bumigat ang responsibilidad niya.
Nang magkaroon ng hostage-taking sa Quirino Grandstand. Isang retiradong pulis ng Bicol Province ang nanghostage ng isang Tourist Bus lulan ang 5 Koreans, 10 Chinese Nationals, 4 na French Journalists at 6 na Malaysians. Naglabas ng sentimyento ang pulis dahil sa madalas na pagka-delay ng kanyang benepisyo. Halos tatlong taon na siyang pabalik-balik ng General Headquarters ngunit palpak pa rin ang kanyang mga lakad. Malaki pala ang naging problema ng pulis kaya dahil tuliuro ito, nagawa niyang manghostage. Mali nga lang ang kanyang ginawa. Hindi na sana niya idinamay ang bus na iyon na ang tanging kagustuhan lang ay makapagliwaliw sa Maynila.
Hindi inaasahan ng lahat ang hostage-taking na iyon. Nakatanggap ng tawag si Lemuela mula sa pangulo para pamunuan ang SWAT TEAM. Siya ang itinalagang sniper.
“Lemuela, can I count on you this time?”
“Yes, your excellency” Dinig na dinig iyon ni Ice.
“Mom, where are you going?”
“Anak, tingnan mo ang mga kapatid mo. Babalik kaagad ako”
“Mom”
“Please do not open the tv. Ayokong….” Bigla akong humugot ng hininga. Niyakap ako ng aking anak.
“Mom, take good care of yourself”
“I will, my son”
Naging matagumpay ito ng mapatay ang mismong hostage taker.
Mahigpit akong niyakap ng mga anak ko pagbalik ko. Kasama ko na rin si Justine noon.
Simula ng maitalaga siyang bagong PNP Chief si Justice, limitado na lang ang uwi nito lalo na nang maging abala ito sa paghahanda sa pagdating ni Pope Francis. Red alert ang buong kapulisan sa buong bansa.
Abala si Justice para sa sunud-sunod na pagpupulong para mapanatili ang disiplina, seguridad at kaayusan. Maghu-human-barricade ang mga kapulisan sa bawat kalye o kalsadang dadaanan ng Santo Papa.
Kahit ayaw niyang gawin, naging visible si Lemuela sa opisina upang ipagdala si Justice ng pagkain o pamalit na damit.
“Sweetheart, nakakagulat ka naman”
“I prepared home cooked food. Shall we eat together? We missed you already”
“Ang sweet naman ng asawa ko”
“I should be… Baka kasi may iba nang naghahanda ng pagkain sa iyo dito” Nagkatinginan si Justice at Roman.
“Lalabas muna ako Justice”
“Sige”
Tahimik akong kumain at nakikiramdam si Justice. May tensyon na namumuo sa pagitan namin dahil sa hindi nito madalas na pag-uwi. Nakadagdag pa ang mantsa ng lipstick na nakita ko sa kwelyo ng kanyang uniporme.
“Lemuela, may problema ba?”
“Justice, do you care to go home some time? “
“Lemuela”
“May bahay kang uuwian. May mga taong naghihintay sa iyo just in case nakakalimutan mo lang”
Umiling lang ako at nanatiling nakayuko. Pinatapos niya akong kumain. Saka siya muling lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
THE GENERAL'S WIFE
Storie d'amoreTulad din ako ng iba, isang ordinaryong maybahay. Pare-pareho lang ang ating ginagawa bilang asawa at ina sa ating mga anak. Ginagawa ko rin ang ilang mga desisyon na may kinalaman sa buong kabahayan. Inaasikaso ko ang lahat ng bagay na may kinalama...