VII- TRABAHO LANG

3.9K 90 5
                                    

Nahirapan ang Forensic Department sa ilang imbestigasyong isinasagawa nila. Mabuti at naalala nila na si Lemuela ay may mas malawak na kaalaman sa larangang ito kaya hiniling nila na makausap ang babae.

“Sir, baka puwede si Ma’am Lemuela”

“Baron, mga eksperto kayo sa ganyan. Bakit kailangan pa ninyo si Lemuela?”

“Sir, kailangan din namin ng mas advance technique sa ganitong ….”

“Hello, Sweetheart. Anong oras ka dadaan dito?”

“I am here, Sweetheart”  Sabay bukas ng pinto, hawak ang cellphone nito.

“Wow! Lalong gumaganda si Ma’am a. Iba na talaga kapag heneral  ang asawa”

“Mahirap na baka masilaw sa ibang dalaga”

“Hayan na naman po tayo” Sinalubong niya ang asawa at hinalikan.

“O hayan, Baron. Suwerte mo at nandito si Lemuela.”

“Sir baka puwede ko po siyang isama sa Forensic Depertment”

                                                         

Na-miss ni Lemuela ang trabaho sa Forensic Department. Luma na ang mga gamit pero mapapakinabangan pa rin. Magagaling naman ang mga staff ng Forensic Department. Alam ko yun dahil dun ako galing.

Hinintay na lang ni Justice si Lemuela para sabay na silang umuwi.

“So, saan ang punta natin?” tanong ni Justice.

“Bakit? May pupuntahan ba tayo?”

“Gusto mo bang kumain muna tayo? Hindi ka ba napagod?”

“Saan?”

“Sa kasusundo sa akin tuwing hapon”

“Hindi kita sinusundo… From now on, I’ll make sure to see you everyday” Lumapit ako sa kanya sa driver’s seat.

“Bakit?”

“Hindi ko ba puwedeng makita ang asawa ko tuwing hapon? Kung hindi ka makakauwi, walang problema. Uuwi akong mag-isa”

“Nagtataka lang naman”

“Okay. Madali akong kausap. Puwede namang sa master’s bedroom ako matulog at ikaw, doon sa kuwarto natin”

“Ito naman, di na mabiro” Ngumiti ako.

Ang totoo, nami-miss ko siya. Buong maghapon akong mag-isa sa bahay. Matapos naming ihatid ang mga bata, mag-isa akong uuwi at hihintayin ang pagdating nila.

“Mmm, bakit ka natahimik?” Hindi ko na siya sinagot. Umiling na lang ako.

Matapos kumain, natanggap ko ang tawag ng pangulo.

“Good evening , Your Excellency”

“Pag-uusapan namin ni Justice, Mr. President”

Ipinasa ko kay Justice ang telepono.

Tinatanong ng pangulo kung puwede pa ako sa SAF. Magpapadala daw kasi ng SAF sa Mindanao sa susunod na linggo. Nag-usap kami ni Justice.

“Masyadong mapanganib, Lemuela”

“Patag ang lugar at delikado iyon lalo na kung wala kayong matataguan”

“Hindi puwede. Hindi ka sasama sa kanila”

Ilang araw lang ang nakalipas ng mag-usap kami ng pangulo.

Bumulaga ang balita isang umaga, nagbabakbakan na sa Mindanao. Matindi ang mga footages na kuha ng mga reporter na siya din naming nakikita sa telebisyon. Hindi ko pinapanuod ang mga bata ng ganun karahas na balita. Hindi ko kayang ipaliwanag na hindi rin nagagalit.

Nagulat ako ng umuwi si Justice.

“O, bakit?” Napayakap siya sa akin.

“Kung hindi dahil sa mga anak natin, malamang wala ka na sa amin”

“Justice, huwag kang mag-isip ng ganyan. May tungkulin tayong sinumpaan at kahit kailan ay hinding hindi ko iyon nakakalimutan. Nandito pa rin ang pangakong iyon.”

“Lemuela, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag….”

“Ssshhh! Hindi pahihintulutan ng Diyos ang mga bagay na hindi bahagi ng kanyang plano”

Lalo akong nahabag kay Justice dahil sa nangyayaring bakbakan sa Paticul, Sulu at ilang kalapit ng bayan dito. May ilang mga reporter na naging hostage na rin. May mga tama ang ilang mga SAF at mga sundalong pinadala para sa misyong iyon.

Nagkakaroon ng peace talks ang pamahalaan at ang MILF para itigil na ang digmaang wala namang kapararakan. Madami lang sibilyan ang naaapektuhan. Lalo pa itong nagkakalat ng takot sa mga bata at mga residenteng wala namang kinalaman sa alitang ito.

Asawa ako ng heneral, sa lahay ng pagkakataon sa Diyos tayo magtitiwala dahil alam niya ang mas makabubuti  para sa atin. Maaaring meroon tayong kahinaan ngunit sa kabilang banda, mayroon din tayong kalakasan na nahuhugot natin sa panahon na kailangan natin ito.

THE GENERAL'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon