Chapter 4

21 7 2
                                    

It's always the same vague dream.

Naglalakad si Yohan sa isang pasilyo. Mayroong carpet sa ilalim ng kanyang mga paa at mga ilaw sa itaas ng kanyang ulo, at ang pasilyo ay tila pahaba ng pahaba at may saradong pintuan sa magkabilang gilid nito. Basang basa siya at mistulang galing siya sa sa ulan, tumutulo ang tubig sa mga hibla ng kanyang buhok at damit. Walang katao-tao sa paligid niya at maski tunog ng kanyang mga yapak at paghinga ay 'di marinig.

Nakaramdam siya ng kakaiba, parang may mangyayaring masama. Hinawakan niya ng mabuti ang dala-dala niyang kutsilyo at pinakiramdaman ang paligid. May naramdaman siyang mga mabibigat na hakbang papunta sa kanya at narinig niya itong bumubulong. 

Find me.

Tumakbo siya papunta kung saan niya narinig ito. Biglang dumilim ang paligid kaya't di niya makita kung sino o kung ano ito. Nakaramdam siya ng malamig na hangin sa likod niya at kasabay nito ay narinig niya ang mga malalakas na kalabog sa pader. Bigla siyang kinabahan at natakot ngunit pinili niyang magpakatatag.

Wait, tawag niya rito. Wait, don't leave.

Lumingon siya at bilang hinablot ang nasa harap niya, naramdaman niyang isa itong kamay. Basa rin ito ng ulan katulad niya, daranmadamn niyang nakasuot ito ng long sleeve ngunit di niya parin makita ang mukha nito dahil sa sobrang dilim. Naramdaman niya na naman ang mga kung ano nilalang na nakapalibot sa kanilang dalawa. Ito'y palapit ng palapit at pahigpit rin ng pahigpit ang kapit ng kamay ng taong nasa harap niya.  Nadagdagan ang takot at kaba niya, alam niya sa sarili niya na gusto niya ng tumakbo at lumayo mula rito kung nasaan siya ngayon.

Patuloy ang paglapit ng kung ano mang nilalang sa likod niya habang ang taong nasa harap niya naman ay labis ang higpit ng hawak sa kanyang braso at parang hinhila na siya. Hindi siya makagalaw, hindi rin niya maibuka ang kanyang bibig. Parang napako siya sa kanyang kinakatayuan at kahit gusto niyang gumalaw at mag-salita ay parang may kung anong bagay na nakadagan sa kanyang paa at nakabusal sa kanyang bibig. Labis na ang nararamdaman niya ang sakit sa kanyang braso at para na itong mapuputol sa pagkakahila. 

Napalunok si Yohan. Pinag-iisipan niyang mabuti ang desisyon na kanyang gagawin. Alam niyang ang nilalang na nasa kanyang likod ang sobrang lakas, sa sobrang lakas nito ay di man lang niya magawang tumingin dito. Hindi niya kanyang labanan ito. 

Huminga ng malalim si Yohan. Naramdaman niyang nanginginig ang kamay na may hawak sa kanya. Narinig niyang may bumulong sa likod niya.

"Yohan, patayin mo na ako."

Alam niyang hindi niya kaya. Masyado itong malakas. Unti- unti niyang tinaas ang kanyang kutsilyo at binaba ito ng mabilis.  Narinig niyang sumigaw ng malakas ang nasa harap niya at kasabay ito ay ang pagbukas ng ilaw. Nakita niya ang umaagos na dugo sa kanyang kamay.

Alam niya sa sarili niya na tama ang desisyon na kanyang ginawa. Mag-isa na siya, wala ng gumagambala sa kanya, at ang pinakamahalaga ligtas na siya. 

Huminga ng malalim si Yohan. Hawak-hawak niya pa rin ang duguang kutsilyo sa kanyang kamay.  Tama ang desisyon na ginawa niya. Mag-isa na siya at ligtas na siya. Ang ibig sabihin noon ay tama ang desisyon niya.

Hindi ba?

***

Nagising si Yohan sa tunog na nagmumula sa kanyang cellphone. He rolls once, trying to locate it, wincing when something hard pokes into his stomach. He opens his eyes and gets his phone underneath him, his voice is still groggy as he answers the call.

"Did I wake you?" Sage asks on the other side.

"Wha—? Ah, hindi. Ginising na nga po ako  sir eh"

The Cold CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon