Chapter 8

15 7 1
                                    

"Anong naramdaman mo noong ire-open ang case?" tanong ng therapist ni Sage sa kanya.

"Wala."

"That's not what your face says, Sage. You can trust me on this, tandaan mo yan. Okay? So, what do you feel?"

What do you feel?

I feel like they rub a salt into my wound. Sagot ni Sage sa isip niya.

He should never have told her. So that his therapists will not ask about his feelings, or know his secrets as if it would help her to solve some things in her mind. He should also keep away Yohan from this case like he must do back then to Teagan. But he knew, Teagan would not leave him alone. But now...

Teagan left him.

" I felt cheated," Sage says and crossed his legs. "Kinakalimutan ko na siya, katulad ng sinabi mo. Pero hinila nila ako pabalik."

"I could write the department a letter." Sambit ng therapist niya.

" Anong sasabihin mo? I'm emotionally unfit? No thanks. I'll never let go of this case. Not now that they've given it to me again."

"sa tingin mo ba ay okay 'yon?" Sage looks at her.

"Walang okay dito."

"Yung katrabaho mo, si Yohan? Does he know about—?"

"He suspects. They all suspect."

"Should you tell him?"

"I can't" bumugtong hininga ito at sumandal sa sofa kung saan siya nakaupo.

"Why? Pwede mong maging mental support si Yohan; especially now that you've decided you're working the case at isa pa mas mabuti na wala kang sikretong tinatago sa kanya. Mahalaga ang communication at transparency sa inyong dalawa, and this will lead to lesser risks for both of you. Maybe you need him. Maybe you can help each other. Keeping secrets related to the investigation can't be helpful. Hindi mo naman siguro gustong mapahamak si Yohan 'di ba?

"No." sagot ni Sage.

Of course, he doesn't. But he can't tell Yohan everything, either. Hindi niya masabi kay Yohan ang tungkol sa mga oras na nakikipagkita si Teagan sa labas ng trabaho; hindi niya masabi kay Yohan ang tungkol sa lahat ng bangungot na dinala ng kamatayan ni Teagan sa kanya; hindi niya masabi kay Yohan ang tungkol sa maaaring isulat ni Teagan sa diary na 'yon. Sinabihan niya rin ang informatics na ipadala lang sa kanya ang mga processed image. Pero kailangan niya rin ipabasa kay Yohan ang diary. Paano? Ano ang gagawin niya?

Iniisip niya pa rin niya ang lahat ng ito kahit na umalis na siya sa office ng kanyang therapist. Ni hindi man lang niya napansin ang taong nahihitay sa reception area. Ngunit nakuha ang atensyon niya ang isang pamilyar na lalaki.

Napatigil siya. Si Yohan, si Yohan ang lalaking 'yon.

Hindi rin siya napansin ni Yohan. Tinignan lang ito ni Sage. Hindi ito nakauniporme ngayon at nakasuot lang ito ng black jeans, white shirt at denim jacket. Makikita rin sa ekspresyon nito ang pagkapagod. Ang ekspresyon na parang wala ng choice kundi pumunta rito sa opisina ni Ms. Dela Cruz.

Napaisip si Sage. Bakit? Paano? Isang federal employee si Ms. Dela Cruz. Lahat ng kanyang pasyente ay inassign sa kanya ng either judge, field doctors, o military supervisors. Field niya ito – ang mga stress, post-traumatic disorders, and other conditions that was brought by some sort of trauma that the government gives fuck about to their employees. Nandito lang naman si Sage dahil kay Mackenzie. Dahil sa pagsuhol niya sa mga nakakataas, ay naasign si Sage sa service ni Ms. Dela Cruz ng libre. Assuming that Yohan did not have his own Mackenzie, or a bunch of money to go on a therapy, what the fuck is he doing here?

The Cold CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon