Chapter 5

20 7 4
                                    

Nakaharap si Sage sa isang malaking whiteboard nap uno ng sulat nang makarating si Yohan sa station nila. Makikita sa mukha ni Yohan ang galit at pagkalito.

Tinignan lang ito ni Sage at kinuha ang kape na tinimpla niya kanina. Binigyan niya rin ng kape si Yohan at tinanggap niya naman ito. Umupo si Yohan sa upuan ni Mackenzie, hawak ang kape na binigay ni Sage at ang isang kamay naman nito ang mahigpit ang hawak sa files. Niluwagan niya ang tie na suot niya, at hindi man lang pinansin o binati si Sage na kanina pa nakatingin sa kanya.

"Well, hello, Detective Mendoza." Sage says, raising an eyebrow, puzzled at Yohan's sudden change of personality.

"Good morning din po, sir" Sambit ni Yohan at tinignan si Sage. Mukha pa ring haggard si Yohan dahil sa mga bagay na kanyang iniisip, kasama na ang tangkot, lungkot, at galit na kanyang nararamdaman.

Walang sinabi si Sage, tinignan lang niya ito at humigop na ng kape sa kanyang baso. Sumulat na muli sa whiteboard si Sage. Sinusulat nito ang timeline ng kaso.

Nagulat si Sage kahapon sa pag-iinsist ni Yohan sa pagtatrabaho ng kasong ito. Masyadong determinado si Yohan sa pagresolba ng kasong ito at sa pagkamit ng hustisya. Hindi man lang niya inisip na katrabaho niya ang isa sa mga kahihiyan ng mga pulisya. Hindi maintindihan ni Sage kung bakit hindi nagrereklamo si Yohan na siya ang katrabaho nito. At sa halip ay nagawa pa nitong kumuha ng lead at siya pa ang lumapit kay Sage in the first place.

"Sir" tawag ni Yohan kay Sage. Tinignan naman ito si Sage. "The last time you worked this case, did you feel like you were in danger?"

Nagtaka si Sage sa tanong ni Yohan. Pakiramdam niya ay may mali sa tanong ni Yohan, parang may kahulugan ang tanong na 'yon. "What do you mean?"

Napabugtong hininga si Yohan "Pakiramdam ko ay may sumusunod s'akin"

"I knew it." Sage runs his hand through his hair, "Well, you're not alone."

Tinignan ni Yohan si Sage. "Ikaw din?"

"May nakita akong wire-tap sa kwarto ko kaninang umaga. Kaya ko sinabi sayo na pumunta ka rito ng umaga." Sambit ni Sage at kumuha ng upuan at umupo rito. "That, and your new lead. Wanna tell me about it?"

Sa mahigpit na hawak nito sa files ni Teagan, sa pag-scan ng mga files na ito kahit hindi niya ito tinitignan, at ang kunot sa noo nito. Alam ni Sage nag-aalala pa rin si Yohan. At dahil doon ay 'di rin mapakali si Sage.

"It helps if you don't think of it," Sage said. "And try to sleep with a gun under your pillow."

Napairap si Yohan "Thanks, sir, that makes me feel so much better."

Sa ilang minuto, naramdaman ni Sage ang awkwardness. Tumayo nalang ito at nagtimpla ulit ng kape. Inalok niya rin si Yohan ngunit tumanggi ito. Expected na niya na mayroong mga magmamasid sa kanila. Nangyari na ito dati – mga wire taps at mga pagsunod rin sa kanila.

"Pwede akong pumunta sa inyo kung gusto mo" Sage offers. " I will if there is any recording equipment. So that you'll not be worried if you're being watched."

Nabuhayan si Yohan sa sinabi niya. "You'd do that?"

Sage shrugs. "Hindi naman ako busy."

"Thank you, sir."

"I feel old when you call me that," Sage sighs. "Just call me Sage."

"Pero rookie pa lang ako, sir."

"Pinaparamdaman mo s'akin na para na akong 50 years old" Sage snorts "Come on, I'm giving you permission to drop honorifics. Take it."

Yohan frowns. "Sage" he tries, and then makes a face. "I don't like it. Makes me feel weird. Disrespectful."

The Cold CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon