CL#25.1.

13.3K 365 56
                                    

CL#25.1.

Humakbang ako para sundan si Lance pero may kamay na humawak sa braso ko para pigilan ako. Tiningnan ko kung sino iyon. "D-dame, let go. I need to talk to him, please." Humahagulhol na pakiusap ko sa kanya. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong pinapaalis na ni Slade ang mga bisita.
Umiling si Damon sa'kin at iginiya ako sa VIP room ng Marquis kasunod ng mga kaibigan namin. "N-no, no Damon! Kelangan kong habulin si Lance! Kelangan naming mag-usap!" Pagpupumiglas ko ngunit marahan niya akong kinaladkad papasok sa kwarto.

"Not now, Chantel. Kilala ko ang kaibigan namin. Galit siya. Hindi ka papakinggan nun ngayon."

Pinaupo nila ako sa sofa habang nagtatalo ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Lance tungkol sa paglilihim ng tunay kong pagkatao. Hindi ko nasundan ang usapan nila dahil gulong-gulo ang utak ko. Gusto kong sundan si Lance. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong sabihin na mali ang mga sinabi ni Yzabelle. Na hindi ganoon ang tunay na nangyari. Na may dahilan kung bakit ayokong malaman ng mga tao ang tungkol sa pagsasayaw ko.

"Let's go, Chantel." Nag-angat ako ng tingin kay Sandrine. Mukha syang iritado. Tiningnan ko lahat ng tao sa VIP room. Halatang kakagaling lang nila sa diskusyon at mga pawang hindi makatingin sa akin maliban kay Slade. "Look, don't push Lance. Galit iyon. Hindi makakabuti kung mag-uusap sila, okay? Nagsinungaling si Chantel. Kita nating lahat kung paano hinanap ni Lance ang mystery girl niya. Tapos ngayon malalaman niya, ano? Kasama niya lang pala, all this time? Kahit naman siguro sino magagalit kung ganon. Kahit ako." Nakayuko lang ako habang sinasabi niya ang lahat ng iyon kaya hindi ko alam kung sinong kausap niya. Pero nang humigpit ang hawak ni Sandrine sa braso ko ay napagtanto ko na sila palang dalawa ang nagtatalo.

"Wala akong plano na ipagtulakan ang kaibigan ko sa kaibigan mong kasing kitid ang utak mo. What? Kung ikaw si Lance, hindi mo din hihintayin na magpaliwanag si Chantel, ganun? Basta ka na lang magwo-walkout at itatapon lahat? Well, go! Mahal pala si Chantel, ha? Napakababaw naman ng pagmamahal niya." Dinig kong katwiran ni Sandrine. Nagtatalo ang isip ko kung sino ba ang may mas katwiran. Tama ba si Sandrine? Na hindi man lang nagawang hintayin ni Lance ang paliwanag ko? Na basta niya na lang pinaniwalaan ang sinabi ni Yzabelle? Akala ko ba mahal niya ako? Bakit.. bakit tinalikuran niya ako? Diba dapat kung mahal niya ako, siraan man ako ng libu-libong tao, mas papaniwalaan niya ako?

But then again, he's hurt. Pagbalik-baliktarin ko man ang sitwasyon, nasaktan siya. Kung ilalagay ko ang sarili ko sa pwesto niya, iisipin ko din na pinaglaruan ako. Sino bang nasa posisyon para sabihin kung tama o mali ba ang naging reaksyon ni Lance? Nasaktan siya. Pakiramdam niya ay niloko siya. Kung sa akin siguro nangyari 'yun ay aalis din ako. Baka nga nasaktan ko pa siya ng pisikal dahil sa galit ko. Maybe it was his defense mechanism. Walking out was his way of escaping the source of pain. I was the source. 

Naisip ko kung paano ako nag-react nang malaman ko na ampon ako. Hindi ba't nagwala ako sa office ng kinilala kong ama? Hindi ba't pinagsalitaan ko siya ng masama? Umiwas at hindi nakipag-usap?

Ano ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko? I need time. I need time to understand everything. I need time to forgive him. To forgive everyone who caused me pain. Everyone who betrayed me.


Alam ko time lang din ang sagot para maintindihan ako ni Lance. Time, persuasion and consistency. 

Kaya naman ganoon nga ang ginawa ko. I stopped crying. Hindi ko siya kinausap nang gabing iyon. I decided to give him time and space for one week. Pero nang ika-apat na araw na ay hindi na ako mapakali. I wanted to talk to him. I needed it. Kung hindi ay hindi ako mapapalagay. Pakiramdam ko ay mababaliw ako. 

Chasing Lance |PUBLISHED UNDER VIVAPSICOM|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon