CL#20.
Hindi ako nakatulog nang gabing yun, well technically madaling araw na. Sino ba namang mapapakali sa kinikilos ni Lance?! Di ko pa nga naa-absorb yung pagtawag niya sa akin ng "baby girl" ay bigla naman siyang magbibitaw ng mga pamatay na lines na may kasamang halik sa noo pa! Sheez. I'm still a girl. Kahit anong pigil ko na wag bigyan ng malisya iyon ay kinikilig ako. Damn! Si Lance Caine yun. Not just some random good-looking guy.
Kaya naman nang nagsimulang sumikat ang araw ay mulat na mulat pa din ako. Way to go, Chantel! Isang taon kang sleepless. /wrist
Alas sais nang bumangon ako at pumunta sa CR. I took a shower and brushed my teeth. May maong shorts, black na blouse at undergarments sa may vanity mirror ng kwarto, kasama ito sa pinahiram na pantulog sa'kin ni Tita Chloe. May tag pa lahat ng iyon. Naalala ko na model nga pala ang mommy ni Lance noon at hanggang ngayon ay mayroon pa din itong mga sponsors. At bukod pa doon ay pag-aari nila ang Elite. Ang pinakamalaking modelling at talent agency sa Pilipinas na may sariling fashion mag. Talk about rich. Kahit saang field ata ay may connection sina Lance.
The Herrera Group is the leading Architecture and Interior Design company in the Philippines, but I never really had the chance to enjoy its glory yet. Kahit na anak ako ng isang business tycoon, hindi ako mainit sa media. Thanks to my father's PR group. Ayaw kasi ni Papa na magulo ang buhay ko habang nag-aaral.
Habang nakaupo ako at nagbu-brush ng buhok ay hindi ako mapakali. Parang may nakalimutan ako. Ngunit kahit anong pilit ko sa pag-alala ay hindi ko talaga maisip kung ano.
Nang bumaba ako bandang alas syete ay si Lance pa lang ang nasa kusina. Napuyat ata ang mag-anak kaya tulog pa hanggang ngayon.
"Wow! Kamusta naman eyebags mo?" Tumatawang bati sa'kin ni Lance. Thanks to you I didn't sleep a wink. "Di ako makatulog. Namamahay ata ako e" Palusot ko at umupo sa kitchen stool.
Umiling si Lance at kinuha yung tinapay na tinoast niya at nilagay sa island. "Juice or coffee?" Tanong niya.
"Coffee please." Nakangising sagot ko. Naalala ko kasi na nagtrabaho siya sa Cafe Ibiza nung sembreak. I wonder kung masarap coffee ni Lance. May laban kaya iyon sa coffee ni Zeke?
I froze. Zeke.
"Holy shit!" Napatayo ako at tumakbo papunta sa kotse ko para kunin ang cellphone ko. Narinig kong tinatawag ako ni Lance at naramdaman ko din ang pagsunod niya sa akin. Hinayaan ko lang siya.
Gosh. How could I forget my promise to Zeke?! Nasa condo kaya siya ngayon? Knowing him, baka 6am pa lang ay nandoon na siya.
Hindi nga ako nagkamali dahil may 5 missed calls si Zeke nang makuha ko ang cellphone ko. May mga texts din na nagtatanong kung nasan ako, etc. "Patay.."
"What's wrong with you?" Nakakunot ang noong tanong ni Lance.
Kinagat ko ang labi ko. Anong sasabihin ko kay Zeke?
And should I tell Lance? Pero wala namang reason para itago ko sa kanya?
"Si Zeke kasi.."Lalong sumimangot si Lance at humalukipkip sa harap ko. "What about him?"
Tumikhim ako. "I kind of agreed that I'll spend this day with him.."
Tahimik lang si Lance na tinitigan ako. Napalunok ako doon. "I have to go. Hinahanap niya na ako e." Dugtong ko pa.
"Stay."
"Huh?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "I said, stay."
BINABASA MO ANG
Chasing Lance |PUBLISHED UNDER VIVAPSICOM|
RomanceIt was all about her chasing him. Aidnn Chantel Herrera has a constant push-pull relationship with Lawrence Drakeson Caine. Nagsimula ito nang maatasan si Chantel ng coach ng basketball team na kausapin si Lance na magpa-line up para sa upcoming Int...