CL#25.3.

17.5K 378 90
                                    

CL#25.3.

Mabilis ang patakbo ni Lance. Sinusubukan ko iyong pantayan, subalit hindi ko kaya. Ano ba namang laban ko sa isang international car racer, diba? Bakit ko pa susubukan na habulin siya kung imposible naman na maabutan ko siya? Pero sabi nga ni Mace sa That Thing Called Tadhana, "Bakit mo ipapaubaya sa hangin,  sa tadhana, sa isang bagay na hindi mo naman nakikita. Kung mahal mo, habulin mo. Wag mong hintayin na may magtulak sa kanya pabalik sayo. Hatakin mo. Hanggat kaya mo, wag kang bibitaw."

Iyon ang dahilan, mahal ko e.

Sapat na 'yun para sumugal ako sa imposible. Sapat na 'yun para maniwala ako na kung hindi ko siya kayang harangan para magtagpo kami, ay siya mismo ang kusang titigil para maabutan ko siya. Mahal ako niyan! Nagpapakipot lang 'yang lalaking 'yan. Galit lang siya pero mahal ako niyan.

Kaya ganoon na lang ang lawak ng ngiti ko nang mapansin ko na unti-unting bumabagal ang patakbo ni Lance.

See? Tinutulungan niya akong maabot ang imposible!

Akala ko ay pinagbibigyan niya talaga ako, pero nang makaabot kami sa intersection at muli siyang humarurot palayo ay nalaman ko kung anong pakay niya. Ang maipit ako sa red light. Sabado ngayon pero kokonti ang mga sasakyan sa daan kaya sinamantala ko iyon at hindi tumigil kahit na umilaw na ang pulang traffic sign.

Isa iyong malaking pagkakamali. Ganoon pala kapag nasa bingit ka ng aksidente, ano? Parang nag-slow motion lahat, pero yung adrenaline rush mo ang taas-taas. Parang nakita ko yung future. Na-visualize ko na tatamaan ako ng kotse sa crossroad. Sumisigaw yung utak ko ng "Brake! Brake!". Ngunit para akong naestatwa. Para akong Globe o Smart network kapag Holiday season, delay ang message. And when I finally stepped on the brake, it was already too late. Halos tumilapon ako palabas nang maramdaman ko ang impact ng pulang Civic sa nguso ng kotse ko. Pumaling ng 45 degrees ang sasakyan ko at nabasag ang salamin sa gilid ko. Para akong rubber doll na nagpagewang-gewang hanggang sa humandusay ako sa upuan sa tabi ng driver's seat. My head smashed somewhere and I couldn't open my eyes. Umiikot ang paningin ko. Siguro ay dahil sa adrenaline pero wala akong maramdamang sakit. Ang tanging alam ko lang ay may tumutulong likido sa ulo at kaliwang bahagi ng katawan ko.

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Naririnig ko na ang commotion sa kalsada. Akala ko ay nagde-deliryo lang ako nang madinig ko ang boses ni Lance. "C-chantel!" His voice cracked. Gusto ko siyang tingnan pero ang bigat-bigat ng mga mata ko. Nadinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kotse ko. "G-god.. Chantel, can you hear me?" Hinawakan niya ang kamay ko at halos murahin ko siya dahil unti-unting bumalik ang sensasyon ko. "U-ugh", I groaned. Hindi ko alam kung saan ang pinakamasakit. Yung ulo ko, yung katawan ko ba.. There was a dull ache within, hindi ko matukoy kung saan. Basta iyon ang nangingibabaw sa lahat. Bumuhos ang luha ko sa sobrang sakit na nararamdaman. "M-make the pain go a-away.." I struggled before I had a coughing fit. Pati ang pag-ubo ko ay masakit.

"H-hold on, baby." His voice was distant. May mga sinabi pa siya pero hindi ko na maintindihan. Sinubukan kong imulat ang mata ko at nakita ko siyang kinakausap ako. Panic was written on his face but I couldn't hear him. Slowly, the pain stopped. And I didn't know what happened next.

Una kong naramdaman ang sakit sa ulo ko. Hanggang sa kumalat ito sa buong katawan ko. Para akong nabugbog ng isang gang. I feel sore everywhere, but my head hurts the most. Hahawakan ko sana ito pero may mabigat na nakapatong sa kamay ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, and there I saw him. Dalawang kamay niya ang nakahawak sa kaliwang kamay ko, at nakapatong pa ang ulo niya dito. Ngingiti na sana ako kung hindi lang umatake ang sakit sa tagiliran ko. "Aww." Kinalas ko ang kamay ni Lance para hawakan ang tagiliran ko. May mga bandage iyon.

Chasing Lance |PUBLISHED UNDER VIVAPSICOM|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon