CL#1.

27K 356 23
                                    

Hi! If you have a Twitter account, kindly use #ChasingLance to give some feedbacks! I'd love to read them! And you can tag me, @jLolaAlexandria. Thankies! <3

CL#1.

 

Sunday, August 4.

Today is my only free day. No. Scratch that. My only free half-day. I had a meeting with the council officers this morning. Usual agenda, the Intramurals. Being the unfortunate treasurer, medyo nakaka-stress talaga yung tinapos ko na budget proposal kagabi at pinresent kanina kaya pagkatapos na pagkatapos ng meeting dumiretso na ako sa bookstore. Candy Mag ang nabili ko since wala ako sa mood magbasa ng novels. Umupo ako sa isa sa mga benches sa plaza—na nasa tapat lang ng bookstore at ini-scan yung Mag. I was currently reading something about dating tips nung may nagkakatuwaan dun sa gazebo sa may likod ko. Pasimple akong lumingon and saw familiar faces. Guys from another department in our Univ. Mga graduating din. Kagagaling lang nila sa basketball game. Pinabayaan ko na kase wala naman akong business sa kanila. I swear I’m not eavesdropping. Nagkataon lang na malakas yung boses nila at medyo malapit talaga ako sa pwesto nila kaya nadinig ko yung usapan.

Guy 1: Ano ng balak mo dun sa chick na Freshman?

Guy 2: Oo nga. I heard kapatid daw ‘yun ni Lance Caine. Yung taga Business Management?

Guy 3: Wow. Talaga? Wala ka ng pag-asa ‘tol! HAHAHA

Guy 4: Bakit naman?

Guy 5: Over-protective daw yung si Caine sa kapatid e.

Guy 4: And?

Guy 3: And? Asa ka namang makalusot ka dun! Sa basketball pa nga lang hindi ka makalagpas dun!

Sabay tawanan nila. Naalala ko ‘yung friendly match ng college departments summer two years ago. Nanalo ‘yung team ng college namin nun for the first time. Yung tropa nina Lance yung lumaro nun e. Actually kakapasok lang ni Lance dito sa Univ nung sem na ‘yun. Galing ata siya sa International School or something. Ewan. Basta ganun. Since that game, tumaas na yung expectation sa department namin dahil kami na yung nagc-champion sa basketball every year. Kaso nag-iinarte ang dakilang MVP kaya naman kinakabahan na sina Ser Jay na baka hindi man lang kami makapasok sa Magic Four.

Tumayo ako para umalis na sana. For sure naman mag-aasaran lang ang mga lalaking yun. Knowing boys. But I suddenly stopped on my tracks when I heard their next conversation.

--

Monday, August 5

 

“OMG! Those bastards!”

“SSHHH!” Sabay-sabay na saway naming apat kay Shenika. Kinwento ko sa apat na girlfriends ko yung narinig ko sa plaza at si Shenika yung kauna-unahang nag-react. At the top of her lungs pa ha. Sa gitna ng cafeteria. :/

Raine: So? How do you plan on telling Lance Caine?

Me: Excuse me? Wala akong planong sabihin dun nuh. Mamaya isipin pa nun naggagawa lang ako ng kwento e.

Leona: Gaga! Isipin mo nga ‘yung pwede mangyari kung ‘di mo sasabihin.

Sandrine: Language Audrey.

Chasing Lance |PUBLISHED UNDER VIVAPSICOM|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon