FAQ --> Schedule of update: M-W-F (usually at night)
CL#12.
“If you wear a mask, you can fool the world. But you can’t fool your heart, nor the one who owns it.”
Ito ba? Ito ba ang ibig sabihin niya sa note niya kanina? Ang wig ko ang ‘some of your things’ na hiniram niya? Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal tinitigan. Hindi ko din alam kung anong sasabihin ko sa kanya dahil ang tanging alam ko lang ay gusto kong hablutin ang buhok niya sa sobrang inis ko.
She was standing there awkwardly because none of us uttered a word. “Uh.. Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanila, Chan?” Chan. I almost gagged. Why is she acting like this? Hindi kami close.
“Oo nga Chantel? Hindi mo ba kami ipapakilala?” Nginunguso sa’kin ni Slade si Lance na nakatitig kay Yzabelle. Oh Lord. This isn’t happening. Para siyang nasa isang trance. I wonder kung anong naiisip niya ngayon. No Lance, no. She’s not your mystery girl! It’s me! But I don’t have the courage to say that.
Damon snapped his fingers at me. Apparently, I was staring at Lance for who knows how long. “R-right. Yzabelle si Sandrine, Leona, Raine, Shenika, Damon, Chester, Matt, Slade at.. Lance.” Tulala pa din si Lance kay Yzabelle.
“Hello! I’m Yzabelle. You can call me Yza. Stepsister ako ni Chan. Her father and my mom are getting married soon.” I cringed at her words. What the fck is she on about? Ni hindi ko nga ikinukwento sa mga kaibigan ko ang nangyayari sa pamilya, tapos eto siya na inilalabas ang bagay na iyon sa kanila?!
“What?!”
“Chantel is that true?”
“Anong ibig niyang sabihin AC?”
“Why am I hearing about this just now?”
I closed my eyes and tried to steady my breathing. I swear, konting-konti na lang sasabog na ako.
“Y-yzabelle?” Napamulat ako nang magsalita si Lance. Lahat sa table namin ay natahimik din.
“Yes?” Malawak ang ngiti ni Yzabelle kay Lance. “Oh! So you’re THE Lance Caine.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Y-you know me?” Damn. Bakit nabubulol si Lance? Ganyan ang epekto sa kanya ng mystery girl niya? At hindi si Yzabelle yun! Nakakainis!
“Oo! I think I heard your name somewhere.. San nga ba? Hmm..” hinawakan niya pa ang sintido niya na para bang iniisip kung saan niya nadinig ang pangalan ni Lance. “Right! Narinig ko sa fellow dancers ko na may hinahanap ka daw na dancer? Hindi ko sure yung details ah. Tama ba?” She smiled sweetly at him.
Teka! Dancer siya?! Paano kung.. Paano kung..
BINABASA MO ANG
Chasing Lance |PUBLISHED UNDER VIVAPSICOM|
RomanceIt was all about her chasing him. Aidnn Chantel Herrera has a constant push-pull relationship with Lawrence Drakeson Caine. Nagsimula ito nang maatasan si Chantel ng coach ng basketball team na kausapin si Lance na magpa-line up para sa upcoming Int...