CL#14.

15.1K 348 42
                                    

a/n:

I'll make SNS accounts for Chasing Lance cast. I'll announce their usernames next time.

Any willing operators? Yung active sana. Thank you. I need 8 operators. :) PM me.

CL#14.

"Jealous, I mean. What if I am?"

I stared at him. I think I'm going into shock. Ang bilis ng tibok ng puso ko at mabilis din ang paghinga ko. Kung hindi ako mamamatay sa aneurysm dahil sa taas ng blood pressure ko, mamamatay ako sa sobrang kilig!

Hindi ko alam kung anong isasagot kay Lance. Hindi ako makapaniwala na nagseselos siya! My God! Nakatulala ako sa kanya habang medyo nakanganga.

Nakatingin lang din siya sa akin. Nang napansin niya na hindi ako sasagot ay nagsalita siya ulit, "K-kahit sino sa'ming mga kaibigan mo ay magseselos. Even S-slade! Kakikilala mo pa lang dun sa kumag na 'yun, parang close na close na kayo agad! May pahalik-halik pa siyang nalalaman. Pupusta ako, manyak yun!"

Ngayon naman, disappointment ang ikakamatay ko.

Napatanga ako sa kanya. 'Yun naman pala ang ibig niyang sabihin. Ewan ko sa'yo Chantel. Napaka-assuming mo nitong mga nakaraang araw.

"Ganun? E bat naman kami hindi nagselos kay Yzabelle nung inaya mo agad makipagdate nung unang beses niyo magkita?"Lie. But he doesn't have to know that.

"T-talaga? Okay lang s-sa'yo? Senyo?"

"Madalas ka nabubulol nitong nakaraan. Epekto ba yan ni Yzabelle?" Inirapan ko siya.

Bahagya siyang tumawa. "I thought you're not jealous? Bakit parang inis ka kay Yza?"

Yza. May endearment pang nalalaman.

Okay. Ilang ampalaya ba kinain ko? Ang bitter ko ata.

"Don't get me wrong, Drake. I'm just not a big fan of that girl."

"Why? Di'ba stepsisters kayo?" I glared at him. Nakuha naman siya sa tingin. "Oh.." Yun lang ang sinabi niya tapos ay nag-iwas ng tingin.

Ilang minuto ang nakalipas nang tumikhim siya. "Ice cream tayo?"

"Busog pa ako." Cake at kape lang naman kinain ko pero hindi pa ako nagugutom.

"Ano bang kinain niyo ng Zeke na yun at nabusog ka?" Ayan nanaman ang pagsusungit niya. Pero pinigilan ko ang sarili ko na bigyan ng meaning iyon. Mamaya mapahiya nanaman ako.

"Sa cafe lang naman kami nagkakilala. Wala kasi siyang maupuan dahil taken na lahat ng tables." Pinaglaruan ko na lang ang stereo niya. Ayaw kasi magdrive.

"Almost, almost is never enough

We were close to being in love

If I would've known that you wanted me, the way I wanted you

Maybe we wouldn't be two worlds apart

But right here in each other's arms..."

Pinatay ko na din iyon nang magsalita si Lance. Ang senti nung kanta e.

"So he decided to share your table, at pumayag ka naman." Matabang na conclusion niya.

"Exactly." Wala sa loob na sagot ko habang isinusukat ang wayfarer ni Lance na nakita ko sa isang compartment. "Peram ng phone?"

Nagbaka-sakali lang naman ako. At nagulat ako nang inabot niya sakin ang iPhone niya. Pinagwalang-bahala ko lang iyon at nag-selfie. HAHAHA.

Bagay pala sa'kin 'to. Hingin ko kaya ke Lance? Ibibigay niya kaya?

Chasing Lance |PUBLISHED UNDER VIVAPSICOM|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon