Chapter 12

2.6K 89 0
                                    

Sharlie's pov
Andito pa rin ako sa bahay ng mga Lopez at nahihiya na ako... tumayo ako para puntahan si Justin at pasalamatan sa ginawa nya sakin hinanap ko sya sa kung saan mang sulok ng mansyon nila at natagpuan ko sya sa garden ng bahay nila na nagsisigarilyo, ang ayoko sa lahat ng lalake nagsisigarilyo naglakad na ako papalapit sa kanya at unti unti nyang nafefeel ang presensya ko kaya bigla nyang hinulog ang sigarilyo sa sahig at inapakan ito

"Bakit Sharlie?" seryoso nyang sabi

"Um..*ubo* *ubo*" bigla talaga ako napaubo dahil amoy sigarilyo sya habang nagsasalita kadiri!

"sorry.." sabi nya nagnod na lang ako

"Gusto ko pala magthank you sa ginawa mo sakin kanina..at.." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla nya ako niyakap

"just stay close to me...and you will be safe.. but dont worry your welcome" pakatapos nya non lumakas ang kabog ng dibdib ko at para bang may rollercoaster sa tyan ko.. Pakatapos non bigla nya ako binitawan at yumuko sya na may ngiti sa labi.

Si..Justin. Ngumiti?

"Uy! tingnan mo nga ako!" sabi ko at pinipilit syang tumingin sakin pero ayaw nya

"Uy sungit dali tingnan mo ako! Nakangiti ka e uuyy!"

"Stop it Sharlie" seryoso nyang sabi kaya tumigil na lang ako at nagpeace sign.

"May sasabihin sana ako sayo..." seryoso nyang sabi

"a-anu?" bakit parang ang lakas ng tibok ng puso ko nong naging seryoso sya..

"I-"

I..??

"Sharlie, tumawag sakin ang papa mo long distance pa nagaalala na sayo.." sabi ni Robert habang nakatingin ng masama kay Justin,Justin naman parang wala lang nakapoker face lang..

"Halika na iuuwi na kita sainyo.." at bigla akong hinila palayo ni Robert kay Justin,at si Justin naman nakatayo lang at hindi umaalis sa pwesto nya kumuha sya ng sigarilyo at ipinagpatuloy ito tumingin naman ako kay Robert at hilang hila nya ako , ng makarating kami sa main door ng mansyon nila pumasok kami sa loob at nabigla si Ryan ng makita nyang hawak ni Robert ang kamay ko..

"hey saan mo dadalhin si Sharlie?" tanong ni Ryan

"ihahatid ko lang si Sharlie"seryosong sabi ni Robert

"What?! No! Ako ang maghahatid sa kanya!" tutol ni Ryan

"kuya Ryan! tawag ka ni dad!" sigaw ni Jessica galing sa taas ng bahay nila

"aish!" sabi ni Ryan na para bang naiinis

"sige na Ryan tawag ka ni dad your girl is safe with me.." at tuluyan ng umalis si Ryan

Lumabas na kami ng bahay ng mga Lopez ng maabutan namin si Justin sa labas nakaupo at parang may iniisip ng makita nya kami bigla syang napatayo

"bro..hatid ko lang sya" pagpapaalam ni Robert kay Justin nagnod lang si Justin habang nakatingin sa kamay ko at kamay ni Robert at bigla na lang umalis na walang pasabi

"as expected" rinig kong bulong ni Robert

"Halika na.." sumakay kami sa kotse nya
nong una bumalot ng katahimikan hangang sa bigla syang nagsalita

"okay na ba yang sugat mo?" tanong nya

"Ah..oo ata" sabi ko

"Next time magiingat ka" sabi nya with full of concerned

"Oo thanks" hangang sa makarating kami sa bahay ko baba nasana ako ng bigla syang lumapit sakin at kiniss nya ako sa pisngi ng syang kinagulat ko. "gud nyt"
pero maya maya pa'y bumaba na ako at pinaandar na nya ang kotse paalis habang ako hawak pa rin ang pisnging hinalikan nya ans I feel..friendly

nong pumasok ako sa bahay halos mataranta na yong mayordoma namin nong makita ako

"jusko po! Anong oras na? Tawag ng tawag ang papa mo dito kung bakit wala ka pa daw.."

"manang okay lang po ako.."

"Kakain ka po ba ng dinner?"

"Oo manang pakihanda na lang aakyat na muna ako sa kwarto" nagnod sya at tuluyan ng umalis papuntang kusina.

Pagdating ko sa kwarto nagshower at nagbihis ako ng pantulog ng kukunin ko sana ang cellphone ko nakita kong lowbut ito kaya chinarge ko muna hangang sa nakita kong 23 messages 10 misscalls

Puro kay Natasha ang text kung asan na daw ako,bakit hindi daw ako nagtetext at yong 2 messages lang kay papa na sabing asan na daw ako,kung kumain na daw ako etc.
tinawagan ko muna si Natasha at sumagot sya

"Hoy babae ka san ka galing?! Halos pinagalala mo kami ng papa mo bruha ka talaga! Bat di ka man lang nagtext?!"

"Okay relax lang.. may nangyari lang kasi"

"At napunta ka sa mansyon ng mga Lopez? hay swerte mo girl!! kung ako yon hindi na ako uuwi!"

"Baliw! Sige na hang up ko na!"

"Basta bukas ah!"

"Oo na"

sabay end ko ng call..

next kong tinawagan si papa

"hello pa?"

"anak! anong nangyari sayo?halos pinagalala mo ako"

"Relax lang pa okay lang ako.."

"ay! hindi pwede dapat kasuhan ang gumawa nyan sayo!"

"Wag na pa ayoko ng gulo"

"O sige anak basta magtext ka na lang sakin kung anong kaylangan mo ah at gusto ko pasalamatan si Justin sa pagligtas nya sayo..I really owe that kid and I like him for you.."

"Pa!"

Baliw talaga si papa

"Ahahhaha joke lang sige na hang up ko na madami pa akong gagawin dito e sige bye love you anak!"

"Love you too dad!"

ng inend nya na ang call lumakas ang kabog ng dibdib ko na gusto ni papa si Justin for me.. di pwede.. Ayoko pa ngayon...

BasketballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon