Chapter 26

1.4K 49 0
                                    

"anak..mamimiss kita! okay na lahat yong flight mo tsaka passport at visa...huhu.. maimiss kita sobra! matagal nanaman tayong hindi magkikita.."sabay yakap nya sakin.

"ma! Ang O.A nyo bukas pa ako aalis!"sabi ko habang natatawa

"Pabayain mo na ang mama mo ganyan talaga yan napaka O.A haha" sabi ni papa

"Wag nyo nga ako pagtulungan dalawa! Hmmp! nagprapractice lang ako sa gagawin ko bukas!Pero seryoso mamimiss ka talaga namin anak!" sabay yakap nya sakin at nakisama naman si papa niyakap ko na rin silang dalawa..I really love my family.

"Oh tama na ang drama at may bukas pa! haha" sabi ko habang natatawa.

"Ay oo nga no?! Haha"

nagtawanan lang kami hangang sa may tumawag kay papa at may nangyari daw sa company namin kaya umalis muna sya..si mama naman pumunta sa asawa nong busness partner ni papa sa bahay non at may paguusapan daw tungkol sa company at wala akong alam..kaya busy nanaman sila..

Magisa lang ako sa bahay ay hindi pala..kasama ko si Jeric pero mukhang tulog pa sya dahil napuyat ata kagabi at 5 in the morning na natulog dahil sa new year tyaga ha..ako nga hangang 3 lang kaya ko.. Pero dahil tulog sya wala akong kausap kaya parang ako lang ang tao dito..

Parang gusto ko lumabas kaya tumaas ako at kinatok ang pinto ni Jeric..

"Jeric?" sabi ko pero walang sumagot at tuluyan na akong nakapasok..

"Jeric...papasok na ako ah?" ng pumasok na ako nakita ko syang nakadapa sa kama nya walang damit na suot at boxer lang ang suot.. Ang isang unan nya nakapatong sa ulo nya at natatakpan ang mukha nya..
bilib rin ako sa lalakeng ito may 6 pack abs haha...

"Uy...aalis ako..lalabas lang ako baka mamayang lunch ako dumating.."sabi ko habang niyuyogyog sya para gumising..

"mmhhh?..anu ba Sharlie! Wag mo nga akong gisingin!" sabi nya habang nakapikit pa rin baliw talaga ito

"Uy! MagOo o hindi ka lang!" sabi ko ng bigla nya akong hinila palapit sa kanya at napahiga ako sa kanya and I can feel his abs...

"Uy! tangalin mo nga! Ano ba yan!"

"Mmhhh? matulog ka na lang Sharlie.." sabi nya habang naguunat unat pa..
peste inuubos nito ang pasensya ko ah!

hindi na ako nagdalawang isip at kinagat ko ang braso nyang nakapulopot sakin napasigaw sya at nagising!

"aray Sharlie! bakit ka nangangagat?!" sabi nya sakin at tuluyan ng naalis sa akin ang braso nya na nakapulopot sakin..

"Wala naman..ayaw mo kasi ako paalisin sa tabi mo kaya ginawa ko yon at..pumunta pala ako dito para magpaalam na aalis ako at baka dumating na ng lunch o baka mamayang hapon na ako dumating wala sila mama at papa kaya ikaw lang dito hindi para ipitin mo at pilitin na matulog sa tabi mo..sige babayuuu!" at lumabas na ako ng kwarto nya at bahay nagjacket ako kasi nagsnosnow pa e....

may sinag naman ng araw pero malamig pa rin at ang makikita mo talaga ay nababalutan ng snow nagtagal pa ako sa labas kasi naeenjoy ko talaga ang snow yyyiieee sana sa pilipinas meron snow na ganito..

Bigla kong naisip si Justin saan kaya ang bahay nya?? gusto ko sanang puntahan pero hindi ko naman alam kung asan.. Hay...

"miss?" nagulat ako sa tumawag sakin

"bakit po?"

"Ikaw ba si Sharlie??" ha? madami kayang Sharlie sa mundo..

"anong apilyedo?"

"e-ewan ko...basta yong kasama ni Justin.." nagtatagalog pala ito

"nagtatagalog ka?"

"Oo..barkada ako ni Justin"

"Ah nu kailangan mo?"

"Pinapapunta ka ni Justin sa bahay nya.."

"seryoso ka?"

"Oo" baka isa sya sa mga alalay nong lalakeng gusto kong patayin

"Ayoko sumama sayo bahala ka!" maglalakad na sana ako papasok ng hablutin nya ang kamay ko
tinatry kong alisin pero hindi ko talaga natatangal

"hindi naman ako kaaway e.. nakikita mo itong tattoo na ito sa may braso? Parehas kaming may ganyan ni Justin ibigsabihin magkakampi kami.." oo nga no?! nakita ko kasi kay Justin na may ganon sya.. Pero maliit lang yon kay Justin sa kanya malaki at parehas yong nakalagay..

"Oo na! E bakit hindi na lang sya anh pumunta dito?" nagshrugged lang sya

Okay okay sumama na lang ako sa kanya ilang minutes kami naglakad hangang sa makarating kami sa isang napakalaking bahay more like mansion na ito ha..

pumasok kami sa loob at puro gold ang nakikita ko kahit yong upuan gawa sa antique.. sobrang yaman naman ang may ari nito.. May malaking chandelier sa gitna ng sala at ang lawak ng sala pagdating ko doon bigla na lang nawala yong mga tao na kanina kasama ko papasok at may dumating galing pa sa taas at naglakad pababa using stairs ng makita ko kung sino yon.. Its Justin

"Justin..."

"mmhhh?" sabi nya habang nakangiti

"Sino pa ang ibang tao dito na nakatira bukod ikaw?"

"ako lang..." Huwatt?? Ang laki ng bahay nya tapos sya lang nakatira

"I told you.. Ako lang andito dahil yong mga kapatid ko nasa pilipinas at ang mga magulang ko nasa iba't ibang bansa for the company" sabay upo nya sa sala na more like gold ang makikita at ang inuupuan nya ay isang kahoy na antique..

"Bakit mo pala ako pinapunta dito? Pwede naman ikaw ang pumunta doon sa bahay.." sabi ko habang nakaupo na sa tabi nya.

"Lets just say...hindi mo pa alam ang bahay ko kaya pinapunta kita hindi katulad sa bahay namin sa pilipinas nakapunta ka na ilang beses na.." yon lang pala...

"Yon lang pala.. Niyaya mo pa ako pumunta dito." akmang tatayo na ako paalis ng hinila nya ako pabalik sa kanya."

"Dito ka muna..please..wala kasi akong kasama dito kung pwede lang sanang tumira ka dito ginawa ko na.."

Parang namula ata ako doon..gusto nya akong tumira dito?? more like husband and wife??

Erase..erase ano ba naman yan iniisip mo Sharlie..

"O sige.." Nanood lang kami nagtawanan, kumain, medyo feel at home na nga ako sabi nya okay lang daw dapat nga daw ganon e...
Hangang sa...
.
.
rrrrriiiinnnggggg.....

may tumatawag sa cellphone ko..

Kaya sinagot ko naman...

"Hello? Ma..bakit po?"

"Anak..." Napasigh sya..

"Bakit ma may problema ba sa busness natin?"

"anak...in order to fix our company dahil may nawalan ng pera sa atin..we need the help to the family of Lopez kaya...."

Kaya??

"anak..kailangan mong pakasalan isa sa mga anak ni mr.Lopez"

ang lakas ng tibok ng puso ko..kanino sa Lopez brothers?? bigla akong napatingin kay Justin na kasalukuyang nakatingin sa akin...sana si Justin na lang..

"sino sa kanila??"

"Si Ryan....Ryan Lopez"

Parang tumigil ang puso ko sa sinabi ni mama what?! That fvcking playboy NO!!

Napasigh na lang ako ayokong magreact sa sinabi ni mama kahit alam nyang tutol ako dito wala syang magagawa kung para lang sa company dahil alam kong pinaghirapan nila yon para lumago pero kung ito lang naman ang sulosyon para maayos ito...di ko na alam ang gagawin ko..

"sige ma...mamaya na lang natin ito pagusapan.." sabay end ko ng call.

"anong meron?" sabi agad ni Justin.

napasigh muna ako bago magsalita kahit hindibko kaya kailangan malaman nya ito...
.
.
.

"I'm engaged"

BasketballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon