Chapter 23

1.7K 58 4
                                    

nasa kotse pa rin kami at halos isang oras na rin kami nagbyabyahe hangang sa nakatulog na ako..

Pagising ko bigla akong kinilabutan sa lugar na nakita ko..
ginigising ako ni Justin ng makita ko itong lugar na ito..

Sa sementeryo.. Anong ginagawa namin dito?! Ililibing ba nya ako ng buhay?!..waaahhh!!!!!

Ayoko!!!!!

bigla akong kumapit sa damit ni Justin

"Oh anong nangyari sayo? Bakit ka jan nakakabit sa damit ko?" natatawang sabi nya

"Ju-justin..anong ginagawa natin sa sementeryo?" natatakot na tanong ko

"wag kang magalala andito lang ako sa tabi mo.. halika na bumaba ka na dyan..hawakan mo na lang ang kamay ko" nagnod na lang ako at binigay ang kamay ko sa kanya

naglakad kami papasok habang magkahawak ang kamay mas hinigpitan ko pa ang hawak ng kamay ko sa kanya dahil natatakot na talaga ako at medyo mag gagabi na rin.. ma 6 pm na rin...
habang tumatagal kami maglakad sa loob ng sementeryo nafefeel ko na parang familiar ata at nakapunta na ako dito. di lang ako sure kung kailan.
.
.
.
hangang sa natuwa ako ng makita ko ang puntod ni lola.. napaluha ako...sa totoo lang matagal ko ng gusto pumunta sa puntod ni lola, close kasi kami ni lola at halos lumaki ako sa kanya sa pilipinas dahil nga nagtratrabaho sila mama dito sa america at sa ibang bansa pero one time nong 12 years old ako umuwi si lola sa america at naiwan ako sa pilipinas hangang sa after 1 week nalaman ko na namatay na sya iyak ako ng iyak dito sa pilipinas gusto ko pumunta sa america pero hindi ko pa alam kung pano.. Hangang sa may pinakita sakin sila mama nong nagbisita sila sa pilipinas picture nong burol ni lola iyak ako ng iyak at lagi kong tinatandaan ang sementeryong iyon

And now... sa wakas nakita ko na ang puntod ni lola ng dahil.. Kay Justin.... All thanks to him.. Halos nakalimutan ko na pero pinaalala nya ulet sakin..

"You like it?" He asked Nagnod lang ako at nagsmile "pano mo nalaman?" tanong ko

"Of course ako pa...nakakalimutan mo atang isa akong Lopez kaya ko gawin ang lahat" 

"Tnx" niyakap ko sya at ganon na rin sya pakatapos non humarap ako sa puntod ni lola

"La...kamusta na kayo? Alam ko pong masaya ka na kung asan ka.. sorry la kung ngayon lang ako nakadalaw sayo, alam nyo naman na gustong gusto kong makapunta dito pero hindi ako pinapayagan ni mama ...La miss ko na kayo.." sabay tulo ng luha ko "la...wala ng makikipaglaro sakin..." sabay punas ko ng luha "wala na..."sabi ko habang pinupunasan pa rin ang luha ko

"Pero la kahit asan ka ngayon..kung masaya ka na ngayon...masaya na rin ako.." Sabay tayo ko sa may damuhan ng puntod ni lola biglang humihip ang hangin nasa likod ko lang si Justin habang tinitingan lang ako

"La..si Justin pala.."

"Hello po.."simpleng sabi ni Justin..

Nagstay lang kami ng ilang minutes tapos umalis na ng papasok na ako sa loob ng kotse saan na kaya kami pupunta?

Halos 30 minutes kami nagbiyahe hangang sa makarating kami sa isang restaurant.. kumain kami at nagkwentuhan... Nong una kahit ano na lang hangang sa gusto ko malaman ang tungkol sa buhay nya.

"Umm..Justin saan ka nagaaral?" tanong ko nabigla sya sa tanong ko at nagpipigil tumawa

"Anong nakakatawa?"

"Hindi mo pa rin ba alam kung saan ako pimapasok?..pumapasok ako sa *insert school here* sa pilipinas.."

"Pero bakit halos pumupunta punta ka dito sa america?"

"Exchange student ako kaya pabalik balik ako sa america pero babalik na rin ako sa pilipinas after new year baka kasama kita umuwi..tsaka I think magiging busy na rin ako ngayong darring na january dahil sa labanan na ng championship game ngayong darating na february kalaban namin ibang school"

"So do you mean...hindi kayo magkaschool ng mga kapatid mo?"

"Definitely no.. Kaya malaking possibility na makalaban ko sila Ryan at Robert with their own team sa illimination hangang sa makarating kami sa championship game" ah..ganon pala...

"Then..good luck sa game nyo!"

"Tnx! Basta promise mo every laro namin andoon ka magcheer ah?"

"Yeah of course!"

after namin kumain hindi ko na talaga alam kung saan na kami pupunta.. Hangang sa makarating kami sa isang lugar.. Na ang ganda talaga.. Kita mo yong stars na parang abot mo yong langit at masarap na hangin...

"Do you like it?"

"Yeah..ganda ng mga stars..." Sabi ko its almost 9 pm na ng gabi

"Nakita mo yan?" sabay turo nya sa langit at nabigla ako sa nakita ko fireworks sya pero nagshape sya ng heart at nakalagay na 'I love you Sharlie...always and forever' nasurprise ako...pinaghandaan nya talaga...naiiyak na ako... Bigla nyang pinaharap ako sa kanya at bigla nyang pinunasan ang luha ko ng kamay nya... Pero hindi sya nagsasalita nakasmile lang sya at bigla nya ako niyakap, niyakap ko rin sya pabalik...

habang sa ganon pa rin kami na posisyon na bigla kami ng may dumating..

"Wow naman! ang ganda naman ng buhay mo Justin Lopez..." bigla ako binitawan ni Justin at kinuha ang kamay ko at hinawakan ng sobrang higpit... "Wag mong pati sya idadamay katulad ng ginawa mo sa pinsan ko" madiin na may halong galit na sinabi nya ito kaya nabalutan ako ng takot..

tiningnan lang ako nong lalake at ngumiti ng parang may binabalak na masama..

"Pwede ko syang idamay lalo na't kung gusto ko... Lalo ng maganda sya"

Lalong lumalim at parang mangangain ng tiningnan ni Justin yong lalake

"Your just lucky today..but next time hindi na.." sabi ni Justin at mabilis na hinila ako palayo doon sa lalake..

hangang sa makarating kami sa kotae nya at mabilis nya ito pinatakbo hangang sa makarating kami sa bahay ng buhay sa sobrang bilis nya ng patakbo di ko na alam kung makakahinga pa ako...

bumaba na ako at ganun na din sya hinatid nya ako hangang sa may gate ng bahay namin ng bigla syang napabuntong hininga at tumingin sakin

"Bakit Justin?"

"Magiingat ka...delikado ka na at malaking posibilidad na madamay ka dahil sa akin ayokong mangyari yon kaya please lang..kapag may nangyaring masama tawagan mo ako agad..parati.."

nagnod na lang ako sa kanya

"Justin... Bakit hindi mo man lang nilabanan yong lalake?"

"I just can't dahil andoon ka..at baka madamay ka..ayokong mangyari yon..at may promise ako sayo diba na lalaban lang ako kung may permission sayo.."

natouch naman ako sa sinabi nya at bigla syang niyakap

"Thank you.." Bulong ko

"basta para sayo..pero magiingat ka ah? ako na bahala sa sarili ko at sa lalakeng yon ang importante safe ka..sige na bye!" at bigla nya akong hinalikan sa pisngi ko at mabilis na pumasok sa sasakyan at mabilis na pinaharurot ito..

Habang tinitingnan ko palayo ang sasakyan isa lang ang nasa isip ko..

Tama nga ang sinabi sakin ni Jeric na delikado nga si Justin at posibleng madamay ako ng dahil sa kanya at halatang ang lalakeng yon na kausap ni Justin kanina ay ang pumatay sa pinsan ni Justin na bestfriend ni Jeric...

Tama nga si Jeric...
.
.
.
Pero kahit anong mangyari..hinding hindi ko iiwasan si Justin kahit buhay ko pa ang kapalit..

BasketballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon