Chapter 16

2.1K 75 2
                                    

Sa wakas nasa America na ako dito kami ng family ko magcecelebrate ng christmas at new year sabi kasi nila para daw may bonding kami kaya nong bumaba ako ng airport sumalubong sakin si papa at hinug ako ng todo kasama ang pinsan kong gwapo at basketball player rin close kami simula bata pa dahil 1 year older lang sya sakin at solong anak rin just like me pero nakatira sya sa america kasama ang mga magulang ko dahil travel ng travel ang mga magulang nya at ito ang secret matagal na nyang gusto si Natasha, bestfriend ko kahit hindi nya sinasabi sakin nahahalata ko sa kanya kaya nga kapag nagaasaran kami pagbinabangit ko lang sa kanya si Natasha natatahimik at minsan namumula diba may isa ng proof

lumapit ako sa kanya at niyakap sya

"uy! Jeric! Gwapo mo ah! Mas guwapo ka lalo!" sabi ko

"Tss. Nagbola ka e ikaw nga gumanda ka"

"Haha bulag ka ba?!"

"Pero seryoso.."

"Bahala ka.. By the way how old are you?"

"17. First year college na ikaw?"

"of course.. your 1 year older than me.. 16...4th year highschool na haha"

"oh tama na yan may time pa kayo magusap sa bahay mamaya na yan haha" suway ni papa

"pa..si mama?"

"ayun nasa bahay nagluluto..alam mo naman yon every bumibisita ka dito sa america parating parang may handa at isang buong barangay ang darating sa bahay haha" baliw talaga si papa

ng makalabas na kami sa airport sumakay kami sa kotse namin papunta sa bahay nakaidlip ako ng konti at nagising ako na nasa harap kami ng bahay at kanina pa ako ginigising ni Jeric

"Hoy! Ano na?! Gising ka na ba? Haha" tawa nya

"Oo na!" sigaw ko na natatawa.

bumaba na kami at pumasok sa loob ng bahay at tama nga ang sinabi ni papa mukhang isang buong barangay ang pupunta sa sobrang daming pagkain na nakahanda

"Anak! Kamusta ka na?! namiss kita! Sorry kung hindi na kita natatawagan alam mo naman na busy ako at yong papa mo na lang ang tumatawag para sa akin"

"Haha okay lang ma"

"Kung bakit pa kasi ayaw mo dito tumira kasama namin edi sana magkakasama tayo at ieenroll kita dito in a good school"

"Ma.. alam nyo naman po na importante ang school na pinapasukan ko ngayon sa Pilipinas simula bata pa ako hangang ngayon"

"yeah.yeah lets go! kain na tayo!" at kumain nga kami nagkwentuhan at kung anu ano pa..

Sa mga susunod na araw wala naman masyadong nangyari hangang sa dec. 24 na at christmas eve na mamayang gabi habang inaayos ko ang mga gamit ko ng may nakita ako at lumakas ang kabog ng dibdib ko ng mahawakan ko ito.. dahan dahan kong binuksan ang kahon hangang sa ang bumungad sakin ay isang bracelet na nakalagay na J<3S at may sulat rin ito kaya binasa ko..

Sharlie,
          Nong una kitang nakita sa basketball court sa lugar kung saan kita nakilala sa totoo lang nainis talaga ako sayo non hangang sa nabigla akong nakita kita na kausap ni Ryana welcome party at hinawakan ka nya sa braso parang nagalit ako at gusto ko pumatay ng tao at simula doon, doon ko mapagtanto na ayokong may kausap kang iba, ayokong may humahawak sayo, at ayokong may humalik sayo.. Selfish diba? yeah. Thats why I love you so much Sharlie hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko dahil sa oras na mangyari yon parang nawala na rin ang buhay ko dahil ikaw ang mundo ko.


          Wala akong pakielam kung may gusto man sayo ang mga kapatid ko basta akin ka lang sapat na sakin mawala lang lahat ng kayamanan ko basta ikaw hindi, mas mahalaga ka sa kahit ano mang bagay bukod sa pamilya ko
Hindi ko man hinihingi na mahalin mo ako pero sapat lang ito na sabihin ko sayo na mahal kita ng sobra at gagawin ko lahat para sayo.

                                                                                                                         

                                                                                                                                          -Justin

halos napanganga ako at tulo ng tulo ang luha ko sa mga nabasa ko ma-mahal ako ni Justin???

tiningnan ko ng mabuti ang binigay nyang bracelet.

J<3S

unti unti ko itong sinuot at parang kasama ko na rin sya dahil sa regalo nya sakin

at hindi ko namalayan tumakbo na pala ako palabas ng bahay ng naabutan ko si Jeric sa labas

"Oh..Sharlie san ka pupunta?" tanong ni Jeric halatang galing palang sya sa pagprapractice ng basketball dahil sa tumutulong pawis sa kanyang mukha.

"Basta jan lang!" at tumakbo ako takbo ako ng takbo hangang sa makarating ako sa isang lugar kung saan kami nagkita sa basketball court sa parang village namin tumakbo ako papasok at nakita kong may naglalaro doon pero kahit isa wala akong makitang Justin ng napagdesisyon kong umupo muna at nanood sa mga nagbabasketball..

Ng...

Biglang...

"Aray!" napayuko at hinawak ang ulo kong natamaan ng bola 

"Sorry miss." napatigil ako..

Ang boses nya..

Namiss ko...

Dahan dahan akong tumingin sa kanya at halatang nabigla sya..nong unang kita namin natamaan nya ako ng bola pero hindi man lang sya nagsorry pero ngayon...

"Sharlie?" kinilabutan ako...pagbangit nya ng pangalan ko lalo na sa nabasa kong sulat na galing sa kanya.

"Ju-justin.." nauutal kong sabi

napatingin sya sa right hand ko at napasmile ng konti napatingin rin ako sa right hand ko.. J<3S 
susuot ko pala ang bigay nya???

BasketballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon