Chapter 48

1.1K 29 0
                                    

Nagising ako na nasa bahay na ako...unti unti kong binuksan ang mata ko at nasilaw ako sa liwanag ng araw galing sa bintana..medyo masakit ang ulo ko..

Ang natandaan ko na nangyari nanalo kami dahil kay Jessica tapos yon lang..
At di ko na alam kung bakit ako nakarating sa bahay at kung sino ang nagdala sakin dito...
Tinawag ko si manang, yong mayordoma namin para kumain na ng breakfast at nakita kong 10 na ng umaga..

Bumaba ako para magbreakfast habang kumakain tinatanong ko kay manang ang nangyari lahat lahat at ito lang ang sinabi nya..

"Iha.."sabi nya habang kinikilig

"nahimatay ka daw pakatapos ng laro mo at hinatid ka dito ng napakagwapong bata at ang bait pa nong kinausap ko sabi nya alagaan daw kita dahil mahalaga ka sa kanya..yyyiieee kinikilig ako kahit matanda na ako.."paliwanag nya

Sino naman naghatid sa akin..baka si Ryan or Robert

"Sino po ang naghatid sa akin..? Ano pong pangalan?"sabi ko

"hindi ko natanong basta gwapo sya at ang tangkad nya...boto ako sa kanya para sayo!"kinikilig nyang sabi

Its either Robert at Ryan imposibleng si Justin dahil wala lang...

Thursday na at wala kaming pasok ngayon for the JS prom bukas ng gabi.. At dahil dito mukhang ewan si Natasha at loka loka ng makarating sya sa bahay

"Sharlie!..ano? Okay ka lang ba? Wala bang masakit? Ano? Magsalita ka!"sabi nito

"Wag O.A ha! Medyo masakit lang ulo ko, siguro stressed lang this past few days at hindi na nakayanan ng body ko kaya nagcollapsed ako.."paliwanag ko.

"Sus!"asar nya..

"bakit?"sabi ko.

"Wala naman....."sabi nya na parang in malanding tone na kinikilig kilig pa sya

"Hoy! Ano nanaman yang iniisip mo!?"

"mmmmhhhhh...."nagisip muna sya

"Wala naman....e kasi.."pagpuputol nya

"Ano?"naiirita kong sabi.

"Robertaskmenamagingpartnerkosyasajsprombukas"mabilis nyang sabi

"Ano? di ko maintindihan ang sinabi mo!"reklamo ko

"e kasi...Robertaskmenamagingdatekosyasajsprombukas"mabilis nya ulet sabi

"Konti na lang babatukan na kita! Bagalan mo"sabi ko
huminga muna sya ng malalim bago magsalita

"E kasi...Robert..ask..me...na..maging..date...ko..sya..sa..js..prom..bukas"mabagal nyang sabi at paisa isa pang word

Natulala ako...talaga? ito na ba ang seryosong lovelife ni Natasha? Si Robert na ba ang magpapatino sa kanya?

"Okay.."balewala kong sabi kahit sa loob loob ko masaya ako kasi natupad na ang hiling ni Natasha

"Di ka masaya para sakin?!"

"Okay lang.."

"mmhh..daya! e kayo nga ni- I mean..wala!"inis nyang sabi sabay talikod marunong pala ito magtampo

Ni? Sino nanaman?

"Sino?"

"Wala!"sabay tampo nya ulet

"Bahala ka nga..!"sabi ko

Bahala sya kung ayaw nya sabihin..

"By the way..lets go! kukunin ko na yong gown na pinatahi ko para sa js bukas samahan mo ako!"at hinila nya na ako

Ng makarating na kami sa tahian sinukat nya ito at napawow ako kasi ang ganda...

After non binayaran na nya ang paratahi at binigyan pa ng tip.
Ng makaalis na kami iniisip ko na hindi pa pala ako nakakabili ng damit at wala nang time ngayon aish! Ang tanga ko talaga! wala naman kasi akong plano bukas na magJS e pero naisip ko na last year naman namin kaya bigyan ko ng romantic naman ang buhay ko sa highschool and I make this more memorable

"Uy! Anong iniisip mo dyan? Kanina ka pa tulala dyan ah!"sabi ni natasha

"Wala..iniisip ko lang kung ano ang isusuot ko na damit bukas sa prom"sabi ko

Tumawa sya ng napakalakas..

"Ahahahhah!!!! Wag kang magalala..all you need to do is magpaganda ka and you need a beauty rest"sabay wink nya sakin

Mukhang masama ang kutob ko dito ah!

"Hoy! Parang di ko gusto ang binabalak mo ah!"sabi ko

"Lets see.."sabay evil smile nya

Bahala na mangyari bukas ng gabi sana maganda at memorable ito..

------
A/N: last 2 chapters and epilogue na.. Pov ni Justin at prom next chapter;)

BasketballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon