Science Garden .
Sofie's POV,
"What now , Luigi?" Pagtataray ko sa lalaking naka pamulsa at kaharap ko ngayon.
I heard him sigh. Bago nag angat ng tingin sakin.
Agad naman akong pumiling sa kaliwang direksyon. Hanggat maari iiwasan kong mag tama ang mga mata namin.
Mahirap na.
I'm not ready to feel another pain again.
Masyado pang sariwa ang sugat sa puso ko, caused by him. Tama na muna ang sakit.
We're here now at the Science Garden.Yup, pumayag ako na makipagusap sakanya.Dito ko siya inaya sa dating meeting place namin.Nung kami pa.
Uulitin ko, nung kami pa!
Ang kulit kasi sa Canteen kanina parang tanga lang! Kalabit ng kalabit sa likuran ko akala mo batang gus-gusin na nanghihingi ng barya sayo. Ayaw akong tigilan nung sinabi kong wala akong panahon makipagusap sa unggoy na kagaya niya! Kahit gwapo siya! Buti sana kung si Peter Parker siya eh.
Baka na gawa ko pang mag lumpasay sa harap niya. Eh, hindi naman! Tsura ng singkit na gwapong 'to!
Kung hindi lang talaga ako na kulitan sakanya at nahiya sa mga taong pinagtitinginan na kami sa canteen.Panibagong issue na naman kc yun. Dipa nga ako move on sa gagong 'to!Naku pasalamat ka Luigi mahal pa kita. Dahil kung hindi na. Malamang lalabas ka ng cateen bit-bit ang kahihiyang ginawa mo sakin! Buti nalang talaga hindi pa ako ganun kasama para mamahiya ng taong alam ko namang walang laban sakin.Si Luigi kasi ang tipo ng taong sobrang caring at na paka gentleman.Wala sa ugali nito ang pumatol sa kagaya kong ubod ng sumpungin sa katarayan.
Ni misan hindi niya ako nagawang sigawan at awayin nung mga panahong matibay pa ang salitang Mahal kita sa pagitan naming dalawa.
'But he left you.' Bulong ng isip ko. Oo nga pala iniwan ako ni Luigi. Bumalik na naman yung alaala ng pait nahatid ni Luig.Yung sakit na dulot niya ngayon sa puso ko...
Bakit ba kasi ako pumayag na kausapin 'tong unggoy nato?
"I heard about what happened to you. Na Confine ka daw? Totoo ba?" Seryoso niyang tanong sakin. Pansin ko sa tono ng pananalita niya, that he's worried . So, meron parin pala siyang pake sakin kahit papano?
"Chismoso lang ganun? Iba talaga pag may pak-pak ang balita. Mabilis ang sagap." Iling ko pang sagot.
" Sofie..."
"What??" Asik na tanong ko, while crossing my arms and lifting my brows.
Kainis! Kalalaking tao chismoso!
"Chismoso ba ang maitatawag mo sa lalaking nag tatanong sayo?Kasi , sobrang nagalala siya ng malaman niyang na hospital ka?Ganun ba ang ibig sabhin sayo ng Chismoso?" Kunot noo niyang sagot.
Seriously?? Hindi ko alam kung anong ibibigay kong reaksyon sa sinabi niyang 'yon. Kasi imbis na seryosohin ko ang sagot niya. Natawa nalang ako. Sakyan ba naman yung biro ko?
Sinong di matatawa dun? Ganda pa naman ng hugot niya, saktong-sakto sa mukha niyang kamukha ni majinboo! Sobrang singkit kasi ng mata.
"Now your laughing at me? Tss." Inis niya pang sabi and rolled his eyes. Saka ibinaling nalang ang tingin kung saan.
So, pikon parin talaga si singkit? Nothing changed to him. Except the fact that we're not together now. Sandali akong natahimik sa kaisipang 'yon. Ang tanggaping hindi na kami mag kasama ngayon... Nasasaktan ako sa katotohanang iyon.
"Sofia..Please, just take care of yourself." He said in a worried look.
Bigla akong na pa angat ng tingin kay Luigi, to see if its true ...
Kung tama ba ang narinig ko sakanya? That the sincerity to his voice , suddenly make my heart pouding so fast. Siya lang ang may kayang gawin ito sakin. Ang pa bilisin ang takbo ng puso ko. Nakakabinge , nakakasofocate feeling ko hinihigop nito ang buong lakas ng katawan ko.Nanghihina ako.
Why Luigi? Why?! Why I can't let go this kind of feeling when your near?
"Why? Wh-what did you do to me?" Ang namamaos ko pang sambit.
" So-sofie, okey kalang ba?" Luigi said at maagap niyang hinawakan ang braso ko. Namayani ang katahimikan saming dalawa. Kapwa kami nagkatitigan muli sa isat-isa. Yung mga titig niya ngayon , is the same the way he looked at me noon.
Yung time na ipinaramdam niya sakin na mahal niya ako.
Pero bakit? Luigi bakit ka ganyan?
Bakit pakiramdam ko nauulit yung dating tayo noon? Anong nais mong ipahiwatig sa mga titig mo nayan? Ano??! Sumagot ka! My head scream , but my mouth never say it. Gusto kong isigaw ang mga katanungan ng isip ko sayo Luigi. Pero hinihila ako ng sarili kong pag-iisip na huwag nang ituloy at baka masaktan lang ako sa isasagot mo. Baka hindi ko kayanin. Alam mo 'yun?
Nakakainis ka!
"Do i look okey? Pagkatapos mong ipamukha sakin wala na tayo! Sa tingin mo okey ako?! Pangasar ka din eh, noh?" Tulak ko pa sakanya.
At tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.
"Sofie..Sofie"
"Ano?! Sofie, ka ng , Sofie! Pulit-ulit! Wala ka nang bukangbibig kundi ang pangalang ko! Nakakasawa!" Sigaw ko sakanya.
Nagyuko siya ng ulo after what I said. Marahil ay nahihiya ito sa mga sinabi ko. Totoo naman kasi, kanina pa kami dito pero pangalan ko nalang ang naririnig ko sakanya. Ni wala manlang siyang ibang maidugtong na sasabihin pagkatapos niyang banggitin ang pangalan ko? Ganun ba talaga kaganda ang pangalan ko para ulit-ulitin?
Nakakauta ehh.
"I'm sorry.. Sorry if i hurt you.." Natigilan ako ng marinig ko sakanya ang hindi ko inaasahang sasabihin niya.
"L-luigi?"
"Sorry for being stupid, a jerk, and for making you cry. I'm so, sorry for leaving you like this. I know it's my fault. It's my fault.." And I heard him sobbed.
Wait, is he crying?
BINABASA MO ANG
Letters to Whom ?
عاطفية" Because of that letter you keep sending to me, my whole life change... Who are you??.."