Kieth POV,
Kanina pa ako pabalik-balik sa kakalakad.Bakit ang tagal naman nung Doctor sa loob? Halos mag iisang oras na ah?Baka kung na pano na 'yun? Hindi ako mapakali buhat ng isugod ko yung babaeng bigla nalang nag collapsed sa harap ko.
Andito kami ngayon sa St. Josep Hospital.Kasalukuyan siyang chene-check-up nung Doctor.Habang ako eto daig ko pa guwardiya sa labas ng kwarto n'ya na paroon at parito.
Hindi ko maintindihan pero my hands are trembling.Kinakabahan ako.What does this mean?
"Keith!" Nilingon ko yung boses na tumawag sa akin.It's her.
"Cuz!" Sa lubong ko sa kanya agad ko siyang niyakap.Pakiramdam ko sa pag yakap n'ya medyo na bawasan yung kaba at pag-aalala ko.Pero wala lang samin ang yakapang 'yon. Sadyang malapit na mag pinsan lang talaga kami.
Buti nalang na isipan ko siyang tawagan.Good thing she's back.Kababalik niya lang kasi galing U.S after two year's of staying there.Siya lang kasi ang matatakbuhan ko sa ganitong sitwasyon.And its weird now I have this misconceive feeling.
Hindi ko mapigilang di mag-alala ng sobra sa babaeng nasa loob ng kwarto.Ewan ko, this feelings of mine is really stranged and at this moment i actually felt nervous.Mabilis namang kumawala sa yakapan namin ang pinsan ko.
"How is Sof-- i-i mean the girl that you brought here?How is she? Is she ok?" Ang weird ni Cuz. Kung makapagtanong siya parang kilalang-kilala na n'ya yung babae.
Bakas sa mukha n'ya ang pag alala.Eh, ako nga tatanungin ko palang yung pangalan nung girl hinimatay na.
I sigh, before i answer her question. "The Doctor is still inside. I haven't----"
Na tigilan kaming pareho ni Cuz ng bahagyang mag bukas ang pinto.Kasabay nun ang biglang pag sulpot ng taong kanina ko pa hihintay na lumabas.
"Doc.! Kumusta po siya?" Pagtatanong ko. Hindi kona hinintay pang makalapit siya sa kinakatuyaan namin at ako na mismo ang lumapit sakanya.
"Keith.." Naramdaman ko ang pag pisil ng mga kamay ni Cuz. sa braso ko.Nag papahiwatig na huminahon ako sa pagtatanong.Bakit, may mali basa pagtatanong ko?Maayos naman ako mag tanong ahh?
"Don't act as if your the Boyfriend."She mumbled.Tinapunan niya lang ako ng makahulugang tingin.And what's with that gaze? Ako, umaaktong Boyfriend? Hindi naman ahh? Nagaalala lang.
"Are you the relatives of the patient?"Tanong ng doctor at nag palipat-lipat siya ng tingin saming dalawa.
"No, were her friends." Si Cuz. ang kampanteng sumagot.Nginitian niya nalang ako ng makabuluhan.Aba, kanina pa 'to ahh?
Habang ako heto't hindi maka pagsalita sa mga nangyayare.
Pakiramdam ko umurong yung dila ko ng magtanong na yung Doctor.Wala kasi akong maisip na ida-dahilan o sabihin eh.Biglang na stuck yung bibig ko.Paano ko ba kasi ipapaliwanag sa Doktor ang nangyare?Gayong sinundan ko lang naman yung hinimatay na babae.
+++++++++++++++++
(FlashBack)
Kalalabas ko lang kasi ng seven eleven store nun.Bumili kasi ako ng energy drink para sana maibsan yung antok ko.Hindi pa kasi ako naka uwi sa unit ko buhat ng mang galing ako sa bar.(Boys night out.)
Grabe kasi kung mag inuman yung mga classmates ko hayok sa alak.Puyatan ba naman? Tuloy inumaga na ako sa sasakyan ko.Hindi ko namalayan dun na pala ako nakatulog.Natawa na nga lang ako pag gising ko.Unang beses ko palang kasing ginawa 'yon.
BINABASA MO ANG
Letters to Whom ?
Romance" Because of that letter you keep sending to me, my whole life change... Who are you??.."