"Papa, nasaan si mama?" tanong ko kay papa dahil nakakapagtaka lang na hindi ako sinalubong ni mama ngayon. Pagkahalik ko sa kanya, kasunod ko naman si Derick na nagmano sa kanya
"Nasa kwarto, anak. Sabi niya puntahan mo siya pagdating mo" tumango lang ako at dumiretso paakyat sa second floor. Hindi naman ako kinakabahan pero hindi pa din ako mapalagay sa kung ano yung sasabihin sakin ni mama
Kumatok muna ako ng tatlong beses
"Anak, ikaw na ba yan? Pumasok ka!" pinihit ko yung doorknob at tumuloy sa loob. Kasalukayang nakahiga si mama sa kama. Babatiin ko na sana siya nang mapansin ko ang mga malalaking bag sa paanan niya
"Mama, anong meron?" naiintrigang tanong ko. I lowered myself at humalik sa pisngi niya. Pinaupo niya ako sa gilid niya
Matamlay lang siya na ngumiti sakin habang hawak hawak ang kamay ko. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng sobrang pagkainis sa sarili ko habang tinitignan ko siya ngayon. Sa sobrang kaabalahan ko sa kung ano anong bagay, hindi ko na siya gaanong napagtutuunan ng pansin. Hindi pa naman siya sobrang mahina pero kung ikukumpara ko siya sa kalagayan niya dati, mas payat siya ngayon at maputla. May mga linya na din sa labi niya.
"Ang ganda ganda ng anak ko.." sabi niya sakin habang inabot naman ang dulo ng buhok ko. I inched closer to her at niyakap siya ng mahigpit
Mawala na ang lahat sakin wag lang ang mama ko. I will do everything for her basta wag lang siyang mawawala. Hindi ko alam ang gagawin kapag iniwan niya ako - kami ni papa. Hindi ko ma imagine yung buhay namin na wala siya.
"I love you, mama" bulong ko sa kanya habang nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya
"Mas mahal kita, Erica. Ikaw ang pinaka mahal ko sa lahat" pagkasabi nun ni mama pakiramdam ko may malalim siyang pakahulugan.
"Ma, may problema ba?" alanganing tanong ko dahil may kakaiba talaga sa tono niya eh
"Wala naman. Bakit mo natanong?"
Tinignan ko lang siya at naghahanap ng emosyon sa mukha niya dahil baka hindi siya nagsasabi ng totoo. Nakangiti si mama at bakas sa mukha niya na nagtataka siya sa tinanong ko.
O baka naman nagpapanggap lang siya? I cannot tell
"Anak, may hihilingin ako sayo" biglang sabi niya at inabot ang kamay ko
"Anything, ma" nakangiting sabi ko. Kahit ano pang gusto niya ibibigay ko sa kanya dahil mahal na mahal ko siya
"Uuwi ako sa probinsya natin. Doon na muna ako mags stay"
Kumunot ang noo ko at natigilan "Pero mama, gaano katagal?"
"Hindi ko alam" she shrugged her shoulders.
Si mama uuwi sa probinsya? Ibig sabihin hindi ko siya makikita? Mga damit niya na ba ang naka empake sa mga bag na to? "Ma.. Ayoko po" mabilis akong umiling. Ayoko nun.
"Bakit naman ayaw mong pagbigyan ang mama?"
"Hindi ko kaya na hindi ka makita. Ma, bakit gusto mo doon? Inaalagaan ka naman namin dito ni papa di ba?" nararamdaman ko na malapit na akong umiyak pero pinipigilan ko
"Anak, hindi naman yun ang ibig kong sabihin.." para akong batang inaalo at inuuto pero hindi talaga ako papayag
"Pero, ma. Ayoko po talaga"
"Erica, anak"
"Hilingin mo na sakin ang kahit ano, wag lang yan" mariin kong sabi at sunod sunod na umiling
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]
ChickLit[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and heart breaks, Derick and Erica managed to get their happy ending - nope, beginning. At inumpisahan nila ang relasyon that both changed them...