Chapter 38: Beating Heart

43.7K 710 60
                                    

Hindi ko classmate si Minho sa ibang subjects which is I am thankful. Kahit na nga ba pinakiusapan siya ni Derick na bantayan ako, hindi pa din ako komportable sa idea na yun dahil nagkakaroon na siya ng excuse para dikitan ako. Kung hindi nga lang siguro alam ng mga kaklase ko na boyfriend ko si Derick they will mistake na si Minho ang boyfriend ko cause he barely stay away from me.

The whole day ended uneventful. Hinihintay ko na lang ang text ni Derick na nagsasabing nandyan na siya at sinusundo ako kaya every ten seconds ata tumitingin ako sa cellphone ko.

Then atlast it happened. Excited kong pinindot yung view button but immediately para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mabasa ko yung text niya

'Babe, sumama ka kay Minho. I've arranged something here in mall at ihahatid ka niya dito. Annabeth will also join you'

Napahigpit yung hawak ko sa phone ko at ilang beses kong binasa yung text message niya. Am I seeing this for real? Gaano ba kahalaga yung sinabi niyang in arrange niya sa mall para hindi niya ako masundo?

Para masagot yung mga tanong ko mas mabuti na lang siguro kung tatawagan ko siya. In three rings he picked up

"Babe" salubong niya sakin

"Gaano ba kahalaga yang inasikaso mo dyan para hindi mo ako masundo?" hindi ko itinago yung disappointment at pagtatampo sa boses ko

"Babe, I'm sorry. It's just madami na din kasing tao sa labas and I am afraid na makilala ako. Anyway we'll be seeing each other in a while naman"

"That's not the point! How dare you na ipagkatiwala ako sa iba? What if may gawin sakin na masama si Minho?" hindi naman ako naga assume na mangyayari yun pero nagtataka lang talaga ako dahil sa biglang tiwala niya kay Minho. Nung kailan lang ayaw niya dito tapos ngayon ganito na?!

"He wont do it. Bukod sa kasama niyo naman si Annie, babe me and Minho are trying to develop friendship. Ayaw mo ba nun? Hindi ba napagtalunan nga natin dati na masyado akong mean sa kanya? Now why is it you seem to have problems with that?" tanong niya na nagtataka. Natahimik na lang ako at huminga ng malalim dahil as usual siya naman ang tama.

"Okay fine. Masyado akong pagod para makipagtalo pa sayo. Anyway, hindi ako pupunta dyan" sabi ko at binaba na yung phone. I really mean that. Hindi ako pupunta!

Inis kong nilagay yung phone sa bag ko then started walking. Kung hindi niya ako masusundo magco commute na lang ako. Kahit na nga ba rush hour at baka makatulog ako sa jeep, okay lang. Nakakainis lang kasi eh. Maiintindihan kong hindi niya ako masusunod if he's doing something important pero sa tingin ko hindi naman dahil nagawa niya pa nga akong imbitahin dun

"Not so fast, missy" bigla na lang may sumulpot sa harapan ko. Si Minho with his cocky smile

"Get out of the way" I jerked at nilampasan siya pero naharangan na naman niya ako. Pumameywang na lang ako at inirapan siya

"I cant just let you go, Erica. Mapapatay ako ni Derick kapag hindi kita nadala sa mall. We'll meet him there"

"Wala ako sa mood!"

"Surely, mag eenjoy ka dun. For Pete's sake he prepared that for you. I mean, for us. Magsasaya tayo kasama si Anden, Nico, Penny and your bestfriend"

"Besh!" sure enough nandyan na nga si Annabeth at nagmadaling lumapit samin. She hugged me and I can say na wala siyang alam na nagtatalo kami ni Minho.

"Gosh besh there's something I need to tell you.." tinignan ko ulit si Minho na ngumiti samin ni Annie and started walking towards the parking. Nakasunod na kami sa kanya though naka distansya. Hindi nga siguro ganun kadami ang fans ni Minho unlike Derick pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi na siya kilala. Lahat nang madadaanan niya napapalingon sa kanya and he's smiling at them.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon