Chapter 47: Provoked

45.6K 744 76
                                    

***
Ang hard niyo kay Cathy sa previous chapter eh wala naman siyang ginagawang masama! :( bad niyo guys! T.T

Two weeks pa lang naman simula nung lumipad si Derick at ang parents niya going Italy but it seems like forever. Sobrang miss na miss ko na siya na mabuti na nga lang hindi siya pumapalya sa pagtawag sa Skype or sa phone kung hindi mababaliw na ako sa sobrang pagka miss sa kanya.

"Erica anak gising ka na ba?" dinig kong tanong ni papa mula sa labas at sinundan pa ng katok sa pintuan

"Opo pa, babangon na!" I shouted back at tumayo na nga. Pero umupo din ako sa kama nung maramdaman kong parang nahihilo ako. And it didn't took me a moment para makaramdam naman ako na parang masusuka. Immediately, nagtatakbo ako palabas sa pagtataka ni papa at dumiretso sa banyo para ilabas kung ano man yun sa toilet bowl pero wala naman.

Nung isang araw pa to eh. Tuwing umaga na lang ganito ako. Magigising na masama ang pakiramdam tapos nasusuka ako pero wala namang lumalabas. Natutop ko na lang noo ko at pumunta sa sink para maghimalos. Bunga lang to ng sobrang pagka miss ko siguro kay Derick.

"Anak okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tawag na naman ni papa

"Opo pa, medyo masakit lang ang ulo ko" sagot ko sa nanghihinang boses at tinukod yung dalawang braso ko sa sink para ikulong sa kamay ko yung ulo ko. Mariin akong pumikit at sunod sunod na paghinga ang ginawa.

"Gusto mo ba ng gamot?" bakas sa tono niya ang pag aalala

"Opo sana" sabi ko dahil sa tingin ko kailangan ko talaga nun.

"Oh sige, bibili lang ako. Pagtapos mo dyan lumabas ka na. Nakapagluto na ako. Baka gutom lang yan" then I hear his footsteps na papalayo. Tumingin ako sa salamin para sipatin ang sarili ko dahil parang namumutla pa ako.

Hindi na ako nagtagal sa CR dahil baka mag alala si papa. Since wala si Derick, he told me na dito na muna ako mag stay kay papa para hindi siya mag aalala sakin na ako lang ang mag isa dun sa apartment. Okay lang naman sakin dahil feeling ko hindi ko din naman kakayanin kung mag isa lang ako dun at walang kausap. Baka mabaliw lang ako kakaisip tungkol sa kung ano nang ginagawa niya doon sa Italy. Marami pa naman magaganda dun at baka pag uwi niya dito makipagbreak na sakin!

Umupo na ako sa dining at tinignan yung sinasabi ni papa na niluto niya na. Tapsilog. Kumuha na ako ng plato at kukuha na sana ng sinangag pero nakaramdam na naman ako ng hilo nung maamoy ko yung bawang. This is weird. Hindi naman ako nahihilo sa amoy ng bawang pero ngayon parang gustong bumaliktad ng sikmura ko.

Binitawan ko na yung plato at sumandal sa inuupuan ko. Plano ko pa naman sana yayain si papa na lumabas ngayon pero bad timing naman ata tong pagkakasakit ko.

"Anak, namumutla ka. Mukha talagang masama ang pakiramdam mo. Eto gamot uminom ka. Okay lang naman daw yan kahit wala ka pang kinakain" dumating na si papa at inabot sakin yung gamot kasabay ng isang basong tubig. Diniretso ko ng inom yun at pilit na dumilat para tignan siya

"Pa pwede tulog na lang muna ako ulit? Sorry masama talaga ang pakiramdam ko" sabi ko na humihingi ng pang unawa

He snorted and ruffled my hair "Nagpaalam ka pa.. Oo na sige na, halata naman na masama ang pakiramdam mo. Gusto mo ba na dalhin kita sa doktor?"

Ngumiti ako at umiling "Wag na po, pagod lang siguro to and sa pagka miss kay Derick"

"Hays, oo nga. Napapansin ko nga din na nitong mga nakaraang araw hindi ka magana kumain. Alagaan mo ang sarili mo anak. Wag mo na pag alalahin si Derick" bilin pa niya

"Opo, pa.." tumayo na ako and slowly made my way pabalik sa kwarto ko. The moment na lumapat ang katawan ko sa kama hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko cause in that instant nakatulog na ako.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon