Hindi kami nagtagal sa pagbisita kay mama dahil halos itaboy niya kami. Kapag naaalala ko nga yung reaksyon niya pagkakita samin dalawa ni Derick kanina hindi ko mapigilan na matawa. Inis na inis siya kay Derick because of the helicopter thing. Masyado daw yun magastos. Kinailangan pa siyang yakapin ni Derick para lang manahimik na.
Kahit paano nabawasan naman na yung pag aalala ko. May pinagkakaabalahan siya doon gawin na nakikita kong nagpapasaya sa kanya. Nag chocolate business yung tita ko at tumutulong siya sa paggawa nun.
"You know what, gusto mo ba mag business tayong dalawa?" Derick asked. Malapit na kaming makabalik doon sa building nila kung saan din kami nanggaling kanina. Gusto ko sana matulog kaso hindi ko naman magawa. Sa umaga, puro dumi ang makikita mo sa Manila pero kapag ganito na gabi maganda din pala lalo't napaka liwanag.
Tinignan ko siya na nagtataka. Business? "Para saan naman?"
"Sa future natin"
Tinakpan ko ang mukha ko dahil pakiramdam ko sobrang pula ko sa sinabi niyang yun. Alam ko naman na normal lang sa relasyon yung mangarap na kayong dalawa na talaga hanggang huli. Pero ang sara sarap pa din pakinggan lalo na yung term niya na "natin" ibig sabihin, we as one.
"You're cute when you blush" nang aasar na sabi niya at tinanggal yung mga kamay ko sa mukha ko "Don't be shy"
"Eh kasi naman ikaw eh!"
Hindi na siya nakasagot dahil biglang nagsalita yung piloto namin na magla landing na daw kami kaya humanda na kami. Nag unat lang kaming dalawa and hold each other's hand hanggang sa maayos na kaming nakalapag.
"Napasaya ba kita?" bilang sagot I just kissed him
"Yes and thank you" kahit na alam kong napakagastos nito hindi pa din yun ang na appreciate ko. Pero kasi yung effort niya para lang maging masaya ako? Walang katumbas na pera yun.
"Narinig mo si tita kanina di ba? Dont worry about her too much. Nakita din naman natin na nage enjoy siya sa ginagawa niya"
Ngumiti na lang ako hanggang sa pinatay na nung pilot yung engine. Derick remove my earplugs ganun din ang seatbelt ko.
"Derick, apo" napatingin kami doon sa nagsalita na nasa labas. Pakiramdam ko nalunok ko ang dila ko nung magtagpo ang mga mata namin.
Si Don Manuel. Nakatayo hawak ang baston niya at may kasamang dalawang lalaki. Na recognize ko yung isa dahil siya yung nagtakip sa bibig ko nung unang beses na magpunta ako kayla Derick. Nakilala din niya ata ako dahil natawa siya.
"Babe, labas na tayo" bulong ko kay Derick dahil ayoko naman na paghintayin si Don Manuel. Nauna siyang lumabas sakin at inilahad yung kamay niya para naman alalayan ako pagbaba.
Hindi ako makatingin kay Don Manuel pero nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na tinitignan niya kami. Hindi ko lang alam kung ano ang ibinabadya ng mukha niya.
"Hi, gran" nagmano sa kanya si Derick. Hindi ko naman alam ang gagawin kaya yumuko lang ako in a respectful way. Gusto ko naman din magmano kaso kinakabahan ako na baka iwaksi niya lang ang kamay ko.
"Hmm.. Pamilyar sakin tong babaeng kasama mo. Hija, I think we've met right?" nakakunot ang noo na sabi niya habang tinitignan ako.
"Uhm.. Opo. Estudyante ako sa Phylisse Academy. Anak din po ako ng dati niyong driver at kasambahay" magalang kong sagot and smiled nervously. Nagliwanag naman ang mukha niya.
"And ikaw yung babaeng hinabol nitong si Magno nun sa mansyon kasi nagpumilit kang makita tong apo ko di ba?" dagdag niya pa sabay tingin doon kay kuya na Magno pala ang pangalan.
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]
أدب نسائي[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and heart breaks, Derick and Erica managed to get their happy ending - nope, beginning. At inumpisahan nila ang relasyon that both changed them...