Chapter 43: Always

42.5K 784 73
                                    

***

Author's Note:

Second chapter na wala gaanong Dericka moments. Syempre, may problema si Erica na kailangan niya muna i solve alone. But after this I promise na meron na so brace yourselves, people.. If you think you already know it all, better think again..

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa wala nang lumabas na luha. My phone keeps ringing kanina pa pero hindi ko sinasagot. What I've found out is just too much to bear. Kung nagagalit ako kay papa kanina ngayon naman every inch of me is feeling shy for what I did. I've been so wrong with many things. Ipinahiya ko pa si Ma'am Veluz kanina sa harapan ng maraming tao. Kaya ngayon paano na ako haharap sa kanila? Paano ko din haharapin yung mga taong nakarinig ng pag eeskandalo ko at sabihin sa kanila na nagkamali ako?

Kung sana pwede na lang akong nandito na lang but then I can't stay like this forever. Ibinalik ko na sa box yung notebook pero napansin kong may laman pa pala yun sa ilalim bukod dito na natatakpan ng card board. Dahan dahan kong tinanggal yun at tumumbad sakin ang ilang bundles ng pera na tig isang libo. May note pa sa ibabaw na sulat kamay na naman ni mama. 'Pamana ko sayo to anak. Hindi ganun kalaki pero sana gamitin mo sa mabuti'

Sa ibang pagkakataon siguro magiging emosyonal na naman ako. But now upon seeing this I cant bring myself to tears. Pagtapos ng mga nalaman ko parang naging matigas na ako.

Dala yun sa isang kamay ko tumayo na ako at naglakad palabas para harapin na si papa. No matter how hard it will be eventually kailangan ko pa din naman tong gawin. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya at may mga bagay akong kailangan tanungin dahil may hindi pa din malinaw sakin.

"Papa" naabutan ko siya na nakaharap sa kawalan. Nung marinig niya ang boses ko dahan dahan siyang lumingon at hinarap ako with a blank expression. Napatingin din siya sa kahon na hawak ko.

"Erica, anak" he said at bahagyang ngumiti. Umupo siya sa dining and gesture me na gayahin siya kaya dahan dahan akong naglakad at umupo sa harapan niya. The scene is almost perfect kung sana nandito lang si mama. But I know no matter how I wish for it, hindi na mangyayari yun.

Ipinatong ko sa mesa yung box at namayapa samin ang katahimikan. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko naman alam kung paano uumpisahan. Pinapangunahan pa din ako ng hiya.

"Alam mo na ang lahat" hindi yun tanong

"Opo" sagot ko at katahimikan na naman. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko sa ibabaw nung box at huminga ng malalim

"Papa.." simula ko sa malumanay na boses

"Hmm?" sagot niya at nag abang sa sasabihin ko

Nagbilang muna ako ng hanggang tatlo at nagsalita muli "Paano nangyari yung mga nakasulat sa diary ni mama? Paano ka ba na inlove kay Ma'am Veluz gayong teacher mo siya? Hindi mo ba naisip na sooner or later may makakatuklas ng relasyon niyo?" tanong ko

Lumiwanag ang mukha ni papa at hindi ko naman magawang mainis. Sa reaksyon niya ngayon alam kong tama ang nakasulat sa diary ni mama. Mahal talaga ni papa si ma'am

"Hindi naman mahirap mahalin si Jules.. Noong una naguguluhan din ako sa sarili ko nun kung bakit sa dami ng babaeng nagkakandarapa sakin nun, siya pa ang nagustuhan ko. Nung panahon bago yun alam kong may gusto na sakin ang mama mo pero hindi ko naman magawang ibaling sa kanya ang atensyon ko. Mabait si Jules. Nung hiniwalayan ako nung girlfriend ko nun sumama ang loob ko. Siya ang dumamay sakin at nakinig sa lahat ng sama ng loob ko. Tumagal ng ilang buwan yun kaya siguro hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya. Teacher pa din naman ang tingin ko sa kanya nun pero isang araw nagising na lang ako na iba na ang lahat" madamdamin niyang sabi

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon