Chapter 35: You Again

41.2K 662 39
                                    

Narinig kong binuksan ni Derick yung pintuan sa baba and his muffled voice. I glanced on the clock at ten am pa lang naman. Sino naman kaya ang magpupunta dito ng ganito kaaga?

Umiling na lang ako and for the last time tinignan ang sarili ko sa salamin at tumayo na para lumabas. Nung nasa hagdan na ako malinaw ko nang naririnig ang boses ni Derick na kausap yung dumating

"Hindi ko po alam kung magandang idea na pumunta kayo dito" naabutan kong sinasabi niya.

Pagpunta ko sa sala para makita kung sino ang dumating, I stepped back a bit at para bang nalunok ko ang dila ko. Ang taong nakatayo sa harapan ko ngayon is the last person I want to meet lalo na ngayon.

"Anak" he acknowledged at akmang yayakap sakin pero hinarang ko kaagad ang kamay ko at tinignan ko siya ng masama

"I don't remember having a dad. Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" I said tonelessly. Nagbababala akong tinignan ni Derick pero hindi ko siya pinansin

Huminga ng malalim si papa at nanghihina na tumingin sakin. As I am looking at him right now napansin ko na may mga pagbabago sa kanya lalo na sa hitsura niya. It's been just couple of months since nung huli kaming magkita pero parang taon na ang tinanda niya. Malalim na ang mga kunot sa noo niya at mas dumami yung puting buhok niya. "Anak naman hanggang kailan ka magiging ganyan sakin?"

"After what happened ikaw pa ang may ganang gumanyan sakin ngayon? You're in no position to demand" sagot ko sa hindi pa din nagbabagong tono. I clenched my fist at pilit pinapakalma ang sarili ko cause I can feel myself shaking. Hindi ko alam kung dahil ba sa nami miss ko siya o sa galit dahil sa lakas ng loob niya na pumunta dito.

"Nagpunta ako dito dahil nag aalala ako sayo" kung hindi niya pinepeke ang tingin niya nakikita kong concern nga siya sakin dahil sa malambot na expression niya.

"I see no reason para mag alala ka when I am perfectly fine"

"Nakita ko kasi sa news yung tungkol kay Derick at doon sa Cathy. Naisip ko na naaapektuhan ka nun"

Derick lowered his head at parang nahiya sa sinabi ni papa. Uncomfortable siyang napapabuntong hininga at umiiling.

"Nakapag usap na kami ni Derick tungkol dun" I said and this time pinagkrus na ang mga braso ko cause the talk is getting me bored. Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ng usapan na to but I see no way para mapaalis na siya.

Walang nagsasalita for a while. Nakakabingi ang katahimikan na medyo kinaiinisan ko na nga. Hanggang si papa din ang unang bumasag nun "Anak.. Pwede bang umuwi ka na?" unsure na tanong niya at nakatingin ng diretso sakin

Tinignan ko lang din siya and asked in a bitchy tone "What for?"

"Hindi pwedeng ganito na lang tayo habambuhay"

Napangisi ako to the point na parang gusto ko ngang tumawa ng malakas dahil sa sinabi niyang yun "Sana bago ka gumawa ng kalokohan naisip mo yan. But then as I can see ni wala ngang trace ng pagsisisi dyan sa mukha mo" I spit

"Babe please-"

"Shut up, Derick! Wag kang mangailam hangga't hindi ko sinasabi" natahimik na lang si Derick at dumistansya ng kaunti. Ilang minuto muna ang pinalipas ko hanggang sa nagtanong na ako

"Alam mo ba na lumalala na ang kondisyon ni mama?"

"Oo, alam ko"

Sa totoo lang hindi ko inaasahan ang sagot niya na yan. I was thinking na gaya ko wala siyang alam but as I can see, mukhang sakin nga lang talaga ipinagkait ang katotohanan na yun. Nadagdagan na naman tuloy ang dahilan para kamuhian ko si papa.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon