Chapter 22

51 7 0
                                    


Third Person POV 


"Hala ngayong nandito na si Mari si Dian naman wala." Aligagang sabi ni Faith habang lakad nang lakad. 

"Babe nakakahilo ka maupo ka nga muna rito." Utos ni Sela at sinunod naman ito kaagad. 

"Gising na si Mari!" Narinig nilang lahat galing kay Amy na nakatakdang magbantay sa dalaga. Dali-dali silang nagpunta sa kwarto para makita si "Mari" na kakagising lang. 

"Mari okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" Hindi muna nakaimik si Mari at nanatiling tulala. 

"I swear that forest is cursed. Teka lang, Jamie may mga nababalitaan ba kayong mga kababalaghan diyan sa gubat na 'yan?" Tanong ni Belle na inilingan naman ni Jamie. 

"Pero guys I know y'all find it weird, pero hindi ba biglang humangin nang malakas noong nahanap natin si Mari? Tapos nawala si Dian? Hindi kaya may ibig sabihin yung hangin na 'yun?" Pagsingit ni Coleen. 

"Uhhmm guys if you're gonna talk about conspiracy theories huwag muna rito baka natataranta na si Mari oh." Sita ni Faith sa mga nagk-kwentuhan. 

"Ganito nalang. Yung mga tutulong sa paghahanap kay Dian sumama kay Kay. Tas yung mga magbabantay dito mag-stay. Yung mga gagawa ng theories na pwedeng makatulong sa kabilang lugar." Sabi ni Alice at nagsi-kilos naman silang lahat. 


Mari's POV 


"Ang ganda dito!! Pwedeng dito nalang ako tumira?" 

"Baliw hindi babalik din tayo sa atin."

"Paano kung maging queen consort ka ni ano..." Tinakip ko kaagad ang bibig ng makulit na 'to. Buti kaibigan nalang turing ko rito. 

"Binibining Mari pinapatawag po kayo ni Binibining Sinag."

"Yiieehh binibini." Sinamaan ko lang ito ng tingin at umalis na para puntahan si mahal. Ay Sinag pala. 

Nakarating na ako sa silid niya at nakita siyang nagbabasa ng libro. 

"Ayun nakarating ka na rin." Bakit parang kabado siya ngayon. Kamahalan ano nangyayari sa inyo?

"Maaari ba tayong mag-usap nang masinsinan. Tayo lang dalawa." 

"Ayos lang naman sa akin. Saan ba tayo pupunta?"


Time Skip 

"Ang ganda ng lugar na 'to dito ah." Nasa smokey mountains kami kung tatawagin sa Pilipinas. Pero dito para siyang dating spot. Medyo kita mo pa yung Manila Bay sa malayo. Pero bakit nga ba niya ako dinala rito. 

"Mari. Maaari kang magulantang sa sasabihin kong ito. Ngunit may karapatan kang magulat. Ganito kasi..." 


Third Person POV 

Bumuntong hininga muna si Sinag at inayos ang pustura nito sa harap ni Mari. 

"Mari, sa mga nakaraang araw iba na ang nararamdaman ko sa'yo. Hindi ko alam kung ano bang ginawa mo sa akin at bigla nalang kita naiisip araw-araw. Kahit kailan hindi ko ito naramdaman kahit kanino." Napahinto muna siya panandalian at yumuko sa kadahilanang ayaw niyang makita ang itsura ng taong gusto niya. Ilang sandali at naglakas-loob ulit siyang iangat ang mukha at titigan si Mari. Nakita naman niya ang namumulang pisngi ng babaeng nasa harapan niya. 

"Mari, I'll go to the point. Mahal kita. Hindi ko batid kung ganoon din nararamdaman mo sa akin ngunit tanggap ko kung..." Napatigil sa pagsasalita si Sinag nang makaramdam siya ng halik sa pisngi. Maya-maya niyakap siya ni Mari at sinandal ang ulo sa balikat. 

"Lasapin natin ang mga sandaling ito, kamahalan."

Meanwhile 

"Sandali nasaan ako? Bakit ako andito?" Sigaw ng isang babaeng nakagapos. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Ang pagkakatanda niya kahapon kasama niya lang si -----------, ang taong mahal niya. At pakiramdam niya matagal siyang nakatulog. 

"Gising ka na -----------." Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. At nagulat siya sa nakita niya. 




Kamukha niya ito. 

__________________

Sino kaya siya? Any theories? 

Sorry for the late update guys! Sembreak namin ngayon so nakapag-update na ako. 

My Love From Another Universe [MarIan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon