Chapter 8

112 20 0
                                    


Mari's POV 

"Tila ika'y natutulala sa nakikita mo sa paligid binibini." Sabi sa akin ni Dian/Sinag. Paano naman ako hindi matutulala? Ang ganda pala ng lugar na 'to eh! Parang wala ka sa Pilipinas eh. Pero nasaan nga ba ako? Nakikita ko yung maayos na daloy ng trapiko. Ang bilis nga namin eh. Parang kanina lang nasa parang expressway lang kami tapos wala pang isang oras nasa city na raw kami. Well according sa GPS niya rito. 

Ibang-iba ito sa Maynila na nakilala ko. Wala talagang masyadong traffic as in. Wala rin yung mga pasaway na nagm-motorsiklo, nagj-jaywalking, mga kaskasero, basta lahat ng pasaway wala rito. Tapos lahat talaga ng nasa billboard at building naka-baybayin. Nakita ko naman yung train station dito, well mahaba pa rin yung pila... kanina pero biglang umabante kasi dumating na yung mga bagon ng tren. Saka pansin ko sa mga itsura nila parang hindi naiinis. Although nasanay  na tayo sa mabagal na usad ng pila halata parin yung inis eh. Comapre mo rito na satisfied sa public transportation nila. Hayz sana all. 

Isa pa, sa kabilang lane sila nagmamaneho. Napakalayo mga sis. Pero imbis na matakot ewan ko parang naa-amaze pa ako. Kung panaginip man ito ayaw ko nang magising. Dalhin ko pa pamilya ko rito eh. Isama ko na rin mga kaibigan ko pati siya...

"Malapit na tayo, sana'y hindi ka naiinip. Maaari kang pumili ng mga awitin dito." Paano naman ako maiinip kung ang bilis namin. Nilipat naman niya ang screen ng tv sa bluetooth. Nilabas niya ang cellphone niya. 

"Ito ang isa kong hatinig. Pumili ka na lang ng mga tugtog diyaan sa Spotify." Naks may Spotify parin dito. Parang ang dali niyang magtiwala ah. Anyways in-open ko na yung app dito and ang last na pinatugtog niya is... 

"May MNL48 din dito?" I exclaimed at napatingin siya sa akin. 

"Kilala mo sila?"

"May MNL48 din sa amin. Wow you have taste in music pala."

"Uhmm. thanks? Hehe." Ang cute ng British accent niya. Nagpatuloy naman siya. 

"Dahil sa kanilang pagpapakilala sa awiting Maharlika ay binansagan silang Pambansang Pangkat ng MPOP. Napakasikat nila rito at kahit sinong tanungin mo ay kilala sila." Wow sana all. Sa amin ang hirap silang ipakilala eh. Andaming bashers tapos yung management parang ewan. 

Teka tama ba narinig ko? Maharlika? MPOP? Wala na nga ba talaga ako sa Pinas? Ano 'to alternate universe? 

Btw ngayon ko lang nakita 'tong brand ng phone na 'to. 

Time Skip

"Binibining Sinag mabuti at nakarating kayo nang maaga." Bati sa amin ng isang matandang lalaki... teka guard namin sa school 'to ah. He continued. 

"Nagdala ka pala ng kaibigan. O kasintahan mo yata ito?" Nanlaki mga mata ko. 

"Ah kaibigan ko lamang po siya. Dadalhin ko na po siya sa aking silid." Sabi ni Sinag at tumango nalang si manong. Inaya na niya akong maglakad at nilibot na namin ang napakalaking mansion na 'to. Andami pa nilang katulong ah. Malaki siguro business pamilya niya o baka naman royalty sila..which is not impossible kasi nga alternate universe 'to. 

Maya-maya pa nakarating na rin kami sa room niya na aakalain mong normal na bahay. May dalawang floors eh. May sala, mini-kitchen, at library sa ibaba at paniguradong nasa itaas yung kama niya at CR. 

"Ano ang nais mong inumin? Tsaa, tubig, hot chocolate, ano?" Tanong niya at nanghingi nalang ako ng tubig kasi nakakahiya naman. Habang hinihintay siya hindi ko maiwasang tumingin sa library. Halos lahat ng libro nakasulat sa baybayin. Nag-try akong maghanap ng mababasa ko nang maayos. Marunong ako sa baybayin pero syempre hindi naman ako sanay. Buti nalang nakahanap ako ng English book. Nagkataong nakasulat dito "Maharlika From The Beginning". For sure history nila ito. Nandito na rin lang naman ako kikilalanin ko na ang lugar na 'to kung saan ako naligaw. Agad kong kinuha ito at binuklat ito. 

Una kong nabasa yung general info about sa Kingdom of Maharlika. 

-Capital: Maynilad (Selurong)

-They have a constitutional monarchy system. 

-Main language is Tagalog. 

-Comprised of one big island... so Luzon lang ang Maharlika? No Visayas and Mindanao? 

-Population: 30 Million. Mas mababa compared sa amin. 

-GDP: $4.10 Trillion. Wow ang laki edi ibig sabihin malakas ang ekonomiya ng bansa nila. Mapapa-sana all ka nalang talaga. 

-Currency: Maharlikan Dollar 

"Nahuhumaling ka yata sa iyong binabasa." Ayun nakarating na rin siya. Huwag mong kalimutang mag Old Tagalog. 

"Nais ko lamang makilala ang lugar na ito. Sa katunayan napakalayo ang pagitan ng bansa niyo sa bansa ko. Kahit na nasa iisang lugar lamang ay mistulang hindi." Sana hindi siya naguluhan hehez.

"Tungkol doon ang nais kong tanungin. Halika rito at maupo. Mapapagod ka sa kakatayo." Pinat niya yung sofa sa tabi niya habang may ngiti sa mukha niya. Shet marupok ka pa naman din Mariz. As I said kamukha niya lang si Dian pero si Sinag daw siya. Ok tama na punta ka nalang doon sa sofa. 

"Bago kita batuhin ng mga katanungan, ano nga pala muna ang pangalan mo at ilang taon ka na?" 

"Mariz Iyog, Mari nalang itawag mo sa akin. 19 ye.. Labing-siyam taong gulang na ako."

"Oh magkatulad pala tayo. Labing-siyam na taong gulang din ako." And here she goes again with that smile of hers. Kapag ako talaga nahulog dito ewan ko nalang. Huminga siya nang malalim at nagpatuloy. 

"Alam kong mababagabag ang iyong isipan ngunit, 


ikaw ba'y galing sa kabilang sansinukob?"

__________________

Just to make it clear, ginamit ko po yung "Maharlika" just for the sake of this fanfic. Tbh I'm not in favor of changing our current country's name to that kasi:

1) It's too Luzon-centric. Iba ang meaning ng Maharlika sa Visayas as far as I know. 

2) It's useless. Maraming problemang dapat asikasuhin sa Pilipinas huwag munang pakialaman 'to. 




My Love From Another Universe [MarIan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon