Chapter 4

131 19 3
                                    


Mari's POV

Today is the last day of school week, which means ngayon na rin kami mag-aayos ng gamit para sa 2-week outing namin. Nandito ako sa gate ngayon para hintayin si ate Sela at sabay nang umuwi.

"Oh bal una na ako ah! See yah!" Kinawayan ko na lang si Amy. Maya-maya pa dumating na si ate Sela at ate Faith.

"Oh Mari tara na hatid ko na kayo ni Sela." Pag-aya sa amin ni ate Faith. Nagulat din si ate Sela at first pero dahil cute jowa niya, sumabay na lang kami. Ang ganda ng kotse ah. Umupo ako sa may likuran habang si ate sa may shotgun seat. Nilagay ko yung earphones ko at nagmuni-muni habang nakatingin sa labas. Which is I kinda regret.

I saw Dian and Gelo outside walking together. Nasaktuhan pa ng "Bakit Ba Ikaw" ni Michael Pangilinan. Bakit ganito? Halos kakakilala lang namin pero iba na nararamdaman ko. Medyo chill pa ako nung una kasi akala ko crush lang naman. Kasi naman Mariz ang rupok mo eh. Okay back to them, nakita ko naman si Dian pumasok sa kotse niya pero bago yan, hinalikan muna niya si Gelo. He kissed back. Inalis ko nalang tingin ko sa kanila at nag-phone nalang.

Time Skip

Nag-aayos ako ngayon ng damit good for two weeks. Hindi naman ako matagal kumilos kaya natapos din ako kaagad at naisipang mag-meryenda. I checked the refrigerator at may nakita akong donuts na agad kong kinuha. Umupo ako sa may dining table at kumain while scrolling through my feed. So far puro memes mula sa mga loka-loka kong kaibigan nakikita ko. Hindi ko naman namalayang may kamay na kumuha ng donut.

"Oh ate Sela tapos ka na pala." She hummed as a response. Tumabi naman siya sa tabi ko.

"Alam ko yang mga tingin mo."

"Huh? Anong tingin?"

"Kay Dian. Noong nagkasabay tayong lahat mag-lunch." Wait nahalata ba niya?

"Obvious ba ate?"

"For me and Faith yes. I mean ganyan din tinginan namin noon eh. Kaya noong nakita ka namin we knew you like her."

"Well like lang naman. Isa pa may jowa siya."

"Kaya nga kita kinakausap ngayon. Hindi naman kita pipigilang makipag-kaibigan sa kanya. Basta you know your limits. Lalo na't may outing tayo ng two weeks. It's either mas mahulog ka or mas maging okay kayo as friends." Napaisip naman ako. Siguro tamang timing na rin 'to. Nalilito lang siguro ako. I probably just admire her. Hindi ko naman siya mamahalin nang basta basta halos kakakilala lang namin eh.

Bakit yung sa Meet Me at St. Gallen may feelings kaagad? Pero may pinagsamahan na sila the first day palang eh. Saka naging malalim connection nila dahil nakilala nila isa't isa. Buti sana kung ganun din kami, kaso hindi eh.

"O siya ikaw na bahala sa puso mo, akyat na ako baka na-miss na ako ni Feito." Baka ikaw miss mo rin namna ahahaha.

D-day

This is it pansit! Kakasakay lang namin sa malaking bus na provided ng mama ni Jamie. By partner kami nakaupo at hulaan niyo sino katabi ko? Si Dian Mercado hayz. Hindi ko alam kung kikiligin o ano eh.

"Andito na ako sa bus by."

"Okay by. Enjoy kayo diyan ah! Stay safe din. Focus on the outing ah. Love you!"

"Love you too by!"

Bakit naririnig ko pa hayz. Iba ka talaga. Hayaan na nga lang natin. Mahaba-haba pa ang byahe.

Time Skip

"Oh wala nang naiihi guys ah! Aalis na ulit tayo!" Nang wala nang sumagot saka tumuloy na kami sa byahe. Nag-stopover kami sa gas station para mag-CR o bumili ng snacks at inumin.

"Mari penge ng chips hehe." Nanghingi naman si Dian habang naka-pout. Naku naman mayayri ulit tayo mga mamser.

"Okie eto oh." Binigyan ko siya at saka nag thank you bago kumain. Bigla naman ako napatingin sa gawi nila ate Sela na medyo sumisilip sa akin. Umiling nalang ako at nagfocus sa phone..

"Baka mahilo ka niyan ah, hindi mo mae-enjoy yung bakasyon sige ka." May point siya kaya tinigil ko muna. Tutal inaantok na rin ako naisipan ko na ring matulog.

"Inaantok ka na? Ito oh neck pillow para maayos ka makatulog." Pinanganak ba siya para maging pa-fall? Kasi parang ganun na nga po ang nangyayari.

Pero isipin mo, she has everything na gusto ng isang tao. Swerte yung magkaka-jowa ng kagaya niya. And that person is Gelo. Subukan niya lang saktan si Dian nako. Ang ganda ng ugali sasayangin pa ba niya?

Time Skip

At sa wakas nakarating na kami! Ang ganda ng resthouse nila parang Kimi Wa Melody ang datingan. Wala namang nakakatakot dito eh sila Yssa talaga oh. Nagkataon lang siguro na kokonti sila noon kaya mukhang creepy. Dahil marami kami mukhang pyesta pa magaganap ngayon.

"Okay guys we have around 50 rooms. Tig-dalawang tao kada kwarto so yung katabi niyo nalang roommates okay?" Sabi ni Alice at nag-agree naman kami... wait so ka-room ko si Dian?? Hanla?!

"Mari tara na!" Aya niya sa akin at saka nagtungo na kami sa naka-assign na room sa amin. Pagpasok namin ay agad na kaming dumiritso sa mga kama namin. Buti nalang 2 beds wala na akong ibang alalahanin.

"Hayz ang comfy!" Sabi niya at ningitian ko nalang siya. Maya-maya pa ay tumayo siya at kinuha phone niya. Mukhang nahihirapan siya. Wala sigurong signal.

"Uy wait lang hanap ako signal ah." Siguro magm-message siya ng "Nakarating na ako" sa jowa niya. Ilang sandali pa pumasok siya habang nakangiti sa cellphone niya. Mukhang ayun na nga nangyari.

"Tara ayos na tayo gamit para makapagpahinga na." Aya niya at ginawa naman namin 'to.

May schedule na kasing ginawa ang mga ate with collaboration with Jamie kasi sila may-ari nito. Arrival day namin, magpapahinga lang daw muna kami, lounging around the rest house. Bale bukas pa magsisimula ang kasiyahan.

——————————
Get ready for the next chapter ;)

My Love From Another Universe [MarIan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon