Chapter 13

85 12 3
                                    


Mari's POV

"Sinag.." Pagdilat ko ng mata nakita ko siyang nakatalikod sa kusina. Mukhang naramdaman niya yatang nagising na ako kasi medyo matunog 'tong kama. Nilapitan niya ako agad at inalalayan. 

"Sinag, anong nangyari sa akin?"

"Uhmmm.. Sinag? Ayan na ba bago kong nickname Mari ko?" Huh.. nickname? So ibig sabihin si Dian pala ito. Nakaramdam ako ng panghihina. Alam kong gusto ko si Dian pero iba epekto sa akin ni Sinag. Hindi ko alam kung bakit. Isang araw ko palang naman siya nakasama. 

"Btw saan ka ba nanggaling? Mga ilang oras kang nawala eh." Ilang oras... Oras!? Pero 'di ba one day akong nasa Maharlika? Edi dapat one week na akong nawala. Unless... 

Panaginip lang ang lahat?! Hindi pwede. Everything seemed real to me. Yung titigan namin, yung road trip namin, saka mga kuwentuhan namin. 

"Buti nahanap ka namin kaagad. Nako in just a few days babalik na tayong Manila." 

"Huh hindi ba 2 weeks tayo rito?" Nakita ko ang pagtataka mula sa itsura niya. Kagaya ng una kong nakita si Sinag......

"Kaya nga patapos na yung 2nd week natin." Pero.. nawala ako rito around August 18 ah. 

"Dian.. anong araw na ngayon?" 

"Hanla pati date nakalimutan. Okay ka lang ba talaga?" Hindi eh. 

"Pero sige. August 27 na ngayon." Wait anlayo na pala? Kaso sabi niya ilang oras lang ako nawala instead of one week. Paano kaya yun?

So ibig sabihn, totoo lahat ng iyon. 

Time Skip 

"Uy bal anyare sa'yo? Ilang oras kang nawala kahapon. Hindi ka manlang nag-iwan ng text or letter." Nag-iwan ako ng letter ah. 

"Noong last week nakapag-iwan ka pa ng letter na magpapahangin ka lang saglit. Nakabalik ka naman. Buti naisip ni Dian na puntahan ka roon kahapon."I'm not getting things. Bumalik ako nun? Eh nasa kabilang universe na ako that time ah. Saka sinabi ba nilang kahapon lang ako nawala? 

O baka hindi talaga ako yung nakasama nila.... Oh shoot! Kung si Dian may Sinag, si Coleen may Mahalina, si Gelo may Abian... hindi malayong may doppelganger din ako. Pero bakit siya andito? 

Time Skip 

Andito na kami sa bus pauwi na ng Manila. Kasalukuyang natutulog si Dian sa balikat ko. Aaminin kong sa tuwing lalapit siya sa akin, there still something that makes me flutter inside. Pero maya-maya maaalala ko na naman si Sinag. Hay bakit. 

Nakarating na rin kami sa border pa-Metro. Nakita ko na naman kung gaano ka-traffic dito. Noong umiikot naman kami ni Sinag maayos naman. I mean not too perfect but not too bad kagaya rito. Kapag siguro napadalaw si Sinag dito maiinis yun. Hindi ko nga alam kung bakit niya gustong dumalaw eh. Alam niyo matutulog muna ako. 

Time Skip

"Mari gising na." Naoadilat naman ako dahil sa pag-alos sa akin ng katabi ko. 

"Oh Sinag andito na tayo?"

"Oo. Saka cinareer mo na talaga yung Sinag ah. Sige Tala bumaba na tayo." Wow may pa-tala siya ah.

"Mahilig ka raw sa stars eh. Kaya tala nalang." I just hummed sa paliwanag niya. 

"Saka ako yung sunshine na magbibigay liwanag sa'yo." Sabay kindat. Wow ang smooth niya roon in fairness. Kung bumanat siya bago ako mawala baka kinilig pa ako nang todo at saka hinanap ko kaagad sila Amy. Ang kaso hindi. I fluttered kahit paano pero not the same as before na. 


Sinag, sabik na akong makita ka ulit. 

_______________

Any theories? Tho medyo obvious yung hint may something pa behind that.. abangan :)  

My Love From Another Universe [MarIan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon