Mari's POV"At narito na tayo sa aming pamantasan. Hindi marami ang tao ngayon pagkat panahon ng pamamahinga ngayon." Marami na kaming nalibot sa Maynilad at ito yung last destination namin. Teka parang MNL University lang ah. Kuhang-kuha sa labas. Posible bang may magkaparehas na lugar sa amin saka sa kanila?
"Ah Sinag. Tanong lang. Maaari kayang may kahawig na pook dito at sa amin? Yung halos ganun din dito at sa sansinukob namin?" Ayaw ko munang sabihing ganito rin yung itsura ng school namin baka ma-freak out siya.
"Ayun ang hindi ko ba mahinuha. Ngunit kung ako ang tatanungin maaari naman." Tumango ako bago magpatuloy.
"Ang masasabi ko, hindi nga lang yun coincidence." Ano ibig niyang sabihin?
"O tara na at baka maabutan ka pa ng gabi." Pumasok na kami kaagad sa gate. Na-recognize naman siya ng guard pero parang iba ang tingin sa akin? Saka parang kilala ko 'to ah. Nakalimutan ko kung saan ko siya nakita.
Naglakad-lakad kami sa campus. Hindi naman ako naligaw kasi parang ganito talaga sa MNL U. Pero paano kaya?
"Oh Sinag napadalaw ka? At may kasama ka pa." Nagulat ako sa boses na yun? Omg hindi 'to pwede.
"Abian!" Si Gelo? Ano ba naman yan! Niyakap pa talaga. Anak ng, pati ba naman dito?
Teka nga Mariz naga-assume ka bang bet ka talaga nitong ni Sinag? Saka hindi porket parallel universe 'to mababa ang chance na maging sila noh.
"Ipakilala mo naman sakin 'tong kasintahan mo Sinag." Uhmm what?
"Ahahaha hindi ko pa siya kasintahan. Kaibigan ko siya mula sa lalawigan. Mari ito nga pala si Abian, pinsan ko sa malayo." Nanlaki mga mata ko sa narinig ko. Mag-pinsan? So ibig sabihin...
"Ikinagagalak kong makilala ka Mari." Sabi niya. Yung inis ko kanina nawala bigla. Ewan pero nakaramdam ako ng saya. Ayun lang, hindi ko alam kung anong dahilan.
Na-relieve ba ako na baka mag-pinsan din sila Dian at Gelo, or dahil available pa 'tong si Sinag? Calm down nga Mariz. Akala ko ba hindi ka pwede ma-fall sa kanya. Mas masasaktan ka if ever, sa ibang universe siya nakatira eh.
"Aba't kailangan ko nang umalis. May gagawin pa kami ng mga tagapamahala sa pamantasan." Tinapik niya ito sa balikat at umalis na.
"Akala ko jowa mo..." Pabulong kong sinabi pero narinig niya ata.
"Huh? Jowa?"
"Ahh wala. Oo nga pala tungo tayong akinan nagugutom na ako eh."
"Sige tara." Dumiritso ako papuntang canteen. Hindi kaya naw-weirdohan si Sinag kasi mukhang alam na alam ko yung mga pasikot-sikot ng university?
Time Skip
Naghihintay ako kay Sinag na bumibili ng pagkain sa may counter. Naa-amaze lang ako kasi kahit na prinsesa siya marunong siyang makitungo. At nakita ko naman yung pera na inaabot na. Mukhang tapos na yata. Umikot siya at papatungo na sa table namin.
Napatigil ako sa nakita ko. Yeah it's a simple movement pero halos parehas na parehas sa nakita ko kay Dian noon. Ganito rin yung first time ko siyang nakita. I feel goosebumps sa katawan ko. Tapos itong puso ko ang bilis ng tibok. Almost the same feeling noon pero ngayon, parang iba. Ewan ang hirap i-explain.
"Baka matunaw ako diyan. Ang lalim mo pala tumitig ah ahahahaha." Oh fudge nahuli akong nakatingin sa kanya. Ayan napag-tripan na naman ako.
"Kain na tayo bago mo pa ako laliman pa lalo ng tingin." Sabay kindat sa'kin. Amp talaga.
Time Skip
"Maaari ba tayong magpuntang palikuran. Naiihi na ako. Saka ikaw rin Mari baka naiihi ka na rin." Tumango nalang ako at nagpunta kaming CR.
Nang makapasok kami agad siyang pumasok sa isang cubicle... same place kung saan ako naglabas ng kilig kasi nga binigyan ako ng napkin diaper ni Dian. Bigla kong na-realize na dito rin yung unang interaction namin. August 10, 2020. Nakalagay pa talaga sa diary ko eh. Ayun yung araw na nakilala ko siya at nagustuhan, that was also the time na nalaman kong wala akong chance sa kanya. Saklap noh.
Pero August 10, 2020 ko rin nakilala si Sinag. Dito nga lang sa universe nila.
Teka.. isang araw na ang nakalipas. Kung August 10 dito at sa amin August 18 na...
isang linggo na akong nawawala sa amin??!
"Oh akala ko iihi ka."
"Ahhmm Sinag.. maaari mo na ba akong ibalik sa kagubatan? Mga ilang araw na rin yata akong nawawala sa amin."
"Ahhh ganun ba? Sige tara." Hindi ko gets pero mukhang naghesitate siya nang konti. Pero di na mahalaga yun ang inportante babalik na ako. Mukhang naga-alala na nang sobra sila ate. Nakakahiya rin sa kanila dapat bakasyon 'to eh hindi search and rescue.
Time Skip
Dahil nga maayos yung daloy ng mga kotse rito nakarating kami kaagad sa kagubatan. Sa totoo lang kung walang mga naghihintay sa akin gusto ko nang mag-stay dito eh...
I'll miss you Maharlika.
"Aalis ka na kaaagd Mari... mag-iingat ka ah." Nalulungkot na siya. Sabi ko pa man din sa sarili ko hindi ko siya paiiyakin. Mukhang napalapit na siya sa akin sa maikling oras.
"Pangako Sinag. Magkikita ulit tayo." Sabi ko at niyakap siya nang mahigpit. Tumagal ito nang ilang segundo bago kami kumalas sa isa't isa.
Mga ganitong oras ako nagpunta sa forest sa amin. Siguro anytime magsisimula nang umihip nang malakas yung hangin. At unti-unti na akong nakaramdam ng paggalaw ng mga dahon. Tumingin muli ako kay Sinag na nasa loob na ng kotse at ningitian siya. Ngumiti rin siya pabalik. Mami-miss ko siya. Kinawayan ko ito at doon na lumakas ang movement ng winds. Tinakpan ko ang mga mata ko....
Inalala ko yung first time na nagkita kami rito. Sa isang iglap, babalik na rin ako sa amin. Si Dian na ang makikita ko.
Tumigil na ang ihip ng hangin. Ayun na, narito na ako sa amin.
"Mari!" May narinig akong sigaw at nilingon ko ito. Si Sinag... ay Dian pala. Nakaramdam ako ng hilo at muntik nang bumagsak. Buti nasalo ako nito.
"Si... Sinag." Weird. Alam ko namang si Dian 'tong kasama ko ngayon. Pero bakit siya yung bukambibig ko.
Everything went black after that.
———————————
And Mari's back in their universe:((
BINABASA MO ANG
My Love From Another Universe [MarIan]
FanfictionWhere Mari found love from another dimension, and keeps up with the struggles of it.