Mari's POV
"Tila'y napagod ka na ngayong araw Mari. Mabuti pa dalhin na kita sa silid na ipina-ayos ko para sa iyo."
"Naghanda ka pa ng silid para sa akin?"
"Aba oo naman. Ang lahat ng dadalaw sa balai nami'y dapat pinagsi-silbihan nang maigi."
"Ngunit hindi ba kayo nangangamba sa tuwing may hindi kayo kakilala sa tahanan niyo?" Nagtataka ako to be honest. Hindi niya pa ako masyadong kilala. Ang alam niya lang tungkol sa'kin is yung pangalan ko, edad ko, pati yung bansang pinanggalingan ko.
Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin. Nagulat ako nang ilapit niya yung mukha niya.
"Kung mayroon man akong kakayahang pinaka-ipagmamalaki, ito'y ang kilatisin ang isang tao kung mapagkakatiwalaan ba siya o hindi. At nakatitiyak naman akong hindi ka masamang tao." Huminga siya at lumayo na nang konti.
"Kaya Mari, huwag ka nang mangamba. Magiging ligtas tayong lahat dito." Sabay tapik sa balikat ko.
"Halika na."
Time Skip
"Ito ang iyong higaan at may nakahanda nang mga kasuotan. Naroon ang refrigerator maraming mga pagkain at inumin diyan. Naroon lamang ang palikuran. Kapag may nangyari ay tumawag ka lamang sa hatinig doon." Tinuro niya sakin lahat ng mga kakailanganin ko rito. Grabe ah parang room ng 5-star hotel.
"Sinag nais kong malaman kung bakit ikaw ang gumagawa ng mga ito. Hindi ba't ikaw ang anak ng Lakan?" Huminto siya saglit at napatingin sakin. Hinarap niya ang buong katawan niya at sumandal sa pader.
"Hindi ako kagaya ng inaakala ninyo. Maaaring ako ang magiging susunod na lakambini ngunit dapat marunong akong makisama sa aking kapwa."
"Ahhh hindi ka naman kinukulong dito?" Kasi nga ang mga impression sa princesses mga naka-stay lang sa bahay ganun.
"Hindi naman. Iba ang patakaran sa Makarlika. Maging lalaki ka man o babae ay may tungkulin kang dapat gampanan para sa bayan. Lalo na kung ika'y bahagi ng angkan ng hari." Sa nakikita ko sa kanya mukhang may mabigat din siyang pinagdadaanan as the king's daughter.
"Matanong ko lang, ikaw ba ang susunod sa kapangyarihan ng iyong ama? O mayroon kang mga kuya o ate?" Ang daldal ko ba? Kasi eh curious ako sa mga pangyayari sa royalty ng Maharlika which could have happened in The Philippines kung nag-iba lang ihip ng hangin.
"Ako lang ang nag-iisang anak." Woah. Kaya pala. Pero.. how could I cheer you up baby? Ay baby tuloy amp. Speed mo naman Mariz.
"Oh never mind. Nasanay na rin naman ako sa ganito. Matulog ka na Mari upang makapagpahinga ka pa." Sabi niya at umalis na ng kwarto.
Napahiga ako sa kama at biglang inisip lahat nang pangyayari. Parang kanina lang nasa Timberland pa ako. Kanina kasama ko pa sila Dian, Amy, lahat ng kaibigan ko. Sa isang iglap, napadpad ako sa lugar na hindi ko alam, na wala sa mundo namin. But it's just the same place with a different fate. Ibang-iba sa nakasanayan kong lugar.
Pero hindi ba dapat natatakot ako? Dapat nagp-panic na ako kasi naliligaw na ako? Kaso iba roon ang nararamdaman ko. Instead of feeling anxious parang ang safe ko pa rito. Kung tutuusin dapat nae-alienate na ako kasi technically dayo lang ako rito sa bansa nila... sa universe nila actually.
But I felt haven in a place I've never been.
Kahit sa taong isang beses ko palang na-meet.
Sinag, gusto kita........ng makilala pa nang lubusan. Narito nalang din naman ako kilalanin ko na ang lahat ng dapat kilalanin.
__________________
Shortest chapter I think.
BINABASA MO ANG
My Love From Another Universe [MarIan]
FanfictionWhere Mari found love from another dimension, and keeps up with the struggles of it.