Mari's POV
"Sa susunod huwag ka nang mawawala nang ganun ganun na lang ah. Magsabi ka kaagad. Nako muntik ko nang tawagan sila tita niyan." Pane-nermon sa akin ni ate Sela habang nagpapatakbo siya ng sasakyan.
"Saan ka nga ba nagpunta?" Sabihin ko bang sa kabilang universe? Pero syempre hindi maniniwala 'to.
"Sa medyo malayong kagubatan. Na-curious ako kung anong meron dun eh." Hindi naman halatang palusot lang 'to 'di ba?
"Ano bang gusto mong makita? Engkanto? Hay nako Mari yang kuryosidad mo talaga. O siya andito na tayo sa bahay." Agad akong nag-ayos ng gamit para dire-diritso na pagpasok namin.
Time Skip
"Oh ija napadalaw ka ulit? Na-solo mo na 'tong pamangkin namin nang dalawang linggo ah." Dumating si ate Faith sa bahay na may dala-dalang mga pagkain.
"Hayaan niyo na ma. Ganyan talaga pag-ibig hindi mo matiis na hindi makita mahal mo." Sagot ni kuya.
"Sus nagka-love life ka lang eh. Oh ikaw Mariz wala pa bang nanliligaw sa'yo? O nililigawan?" Tanong ni papa sa akin.
"Meron nang type yan." Hala paano nalaman ni kuya?
"Hello iniwan mo yung messenger mong nakabukas sa pc. Malay ko bang bubungad sa akin mga message ni Amanda sa'yo. Pati nung.. Dian?" Nakita kong natatawa na sila ate sa may gilid ng hapag kainan. Pati na rin mga magulang ko hayz.
Go with the flow nalang ako. Hindi ko rin naman pwedeng banggitin si Sinag sa kanila.
"Kaso may boyfriend na yun eh. Better luck next time sis." Wala... si Abian pinsan niya yun. Ay si Dian pala pinag-uusapan namin.
"Oo nga maganda ka naman anak marami pang iba diyan." Sabi ni mama.
Kaso si Sinag lang yata gusto ko.... oi gusto palang ah. Hindi naman masamang magka-crush sa kanya.
Kumusta na kaya siya?
Time Skip
Tapos na yung dalawang linggong pahinga namin. May nagbago nang konti sa school namin. Mas kumintab kulay ng mga pintura, at mas umaliwalas yung paligid.
"Bal may ichi-chika ako sa'yo mamaya." Sabi ni Amy. Naglalakad lang kami sa may corridor nang makasalubong namin sila Dian at Gelo. Holding hands while walking pa sila. Buti nalang sa kabila mag-pinsan sila... Pero paano kung dito ganun din?
"Hi Amanda! Hi Tala!" Bati niya sa amin with her matching smile. Ang cute niya parin naman hindi ko naman matatanggi yun. Kaso parang iba na nararamdaman ko. I mean I still like her kasi sino namang hindi. Maganda, mabait, matalino. Pero unlike before, hindi na ako gay-panicked around her.
"Hi Sinag! Hi din Gelo!" Bati ko na medyo ikinagulat ni Amy.
"Mukhang may ichi-chika ka rin sa akin mamaya ah."
Time Skip
"What was that? May pa-Sinag at Tala pa kayo diyan ah. Ano mag-jowa lang ang peg?"
"Baliw ka. Wala lang yun noh. Saka normal lang namang may tawagan sa magkakaibigan ah. Tayo nga bal eh." Hindi ko alam kung masasabi ko yung totoong reason sa pagtawag ko kay Dian ng Sinag. I mean kahit anong kabaliwan ko naman tinatanggap niya. Pero syempre ibang level naman yung naranasan ko. Maharlika? Si Sinag? Mahalina? Omg talaga.
"So... tanggap mo nang hanggang friends lang kayo?"
"Aba oo matagal na. As I said before, hindi ko maninira ng relasyon. Saka ano nga pala iku-kwento mo?"
"Galing mo mag-change topic ah. Pero sige ito na nga.......
Kami na ni Yssa!!!" What?? Mapapa-sana all ka nalang talaga. Kaso hindi ba 2 weeks ago palang sila like nag-kumpirmahan ng feelings? Baka naman wala ako nun noong nagka-developan sila.
"Hala kailan pa bal?"
"Hindi ba noong pagbalik natin umuwi na kayo? Ako inaya niyang mag-milktea. So ayun we bonded and she asked kung pwedeng maging kami. Sino ba ako para tumanggi 'di ba?"
"Wow yung nanligaw pa talaga tinanong ah."
"Well syempre iba talaga lakas ng charms ko eh." Kunwari nag-cringe ako sa sinabi niya ahahaha.
"Okay dahil nakwento ko na nang buong-buo akin, ipagpatuloy mo naman yung sa'yo." At akala ko nakatakas na ako.
"Alam mo bal... parang iba na nararamdaman ko kay Dian eh.... kaya siguro okay na okay lang sa aking magkaibigan lang kami. Crush ko parin naman. Pero hindi na kagaya ng dating kinakabahan ako pag andyan siya."
"O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta~~" Napakanta yung kausap ko.
"Pero weh?? I mean paano?" Mariz isip ka ng palusot. Alangan namang sabihin mong si Sinag, yung legit dahilan.
______________
May una na ba siyang mapagsasabihan sa wakas ng adventure niya sa kabilang universe?
O makakaisip ng palusot si Mari?
BINABASA MO ANG
My Love From Another Universe [MarIan]
FanfictionWhere Mari found love from another dimension, and keeps up with the struggles of it.