Prologue

66 4 2
                                    

My girlfriend died 3 years ago. Kahit na wala na sya ay mahal ko pa rin sya. Nobody said it was easy but no one ever said that it would be so hard.

Moving on is not an easy task. Hindi mo basta basta makakalimutan ang taong minahal mo at minahal ka ng buong puso. Maybe someday makakahanap rin ako ng babaeng kagaya nya.

"Denki! Ano ready ka Na ba?"

"Oh?! Ngayon pala tayo aalis?"

"Don't tell me!"

"Just kidding! Ready na ang mga gamit ko tara na sa airport."

Aalis kami ng mga tropa ko at pupunta kami sa Baguio.

Habang bumibiyahe kami hanggang sa nakarating na kami sa airport ay lutang ako. Lagi ko kasing naririnig ang boses ng Girlfriend ko na nagsasabing. ' You'll be fine, fighting'

"You'll be fine,Fighting!"

Agad akong napahinto sa paglalakad at mabilis na hinanap ang boses na narinig ko. Hindi ako nagkakamali boses 'yun ng Girlfriend ko!.

"Masyado ka kasing nanonood ng mga movie na may airplane crash eh!"

'Yan din yung laging sinasabi ng girlfriend ko sa tuwing bumibiyahe kami! Nagpalinga-linga ako at makalipas ang ilang segundo ay nahanap ko na rin kung sino ang nagsasalita nakatalikod sya sa akin at unti-unti na syang naglalakad papalayo.

"SANDALI!!"

Akmang hahabulin ko na sya ng bigla akong hinawakan sa balikat ng isa kong kaibigan.

"Dude, okay ka lang?"

"Narinig ko ang boses ni, Krizel!"

"Dude, matagal ng patay si Krizel."

Biglang nanigas ang buong katawan ko. Tama,tatlong taon na s'yang patay,pero Hindi ako pwedeng magkamali boses nya talaga ang narinig ko at sigurado akong Hindi ako naghahallucinate.

"Dude, kailangan mo na talagang magbakasyon."

Hinila na nila ako papalayo. Sigurado ako hindi ako pwedeng magkamali.

Just Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon