Chapter 8

6 3 0
                                    

Chad's P.O.V

"Krizel?"

"Oh nandito ka na pala"

"Buti naman at nandito ka na Chad"

"May nasabi ba ako'ng mali nung nagreport ako? May nasabi ba ako'ng di mo nagustuhan, Ma'am?"

Kinakabahan talaga ako ngayon. Nagtext kasi si maam sa akin bago lang. Ang sabi nya pumunta raw ako ngayon sa office nya. Hindi ko rin inaasahan na makikita ko si Krizel dito.

"Wala namang mali sa nireport mo, Chad. Ang totoo nga n'yan ay nagustuhan ko ang report mo nagustuhan ko rin ang report ni Krizel kaya tinawag ko kayo ngayon dito dahil may sasabihin ako sa inyo."

"Ano po 'yun?"

May inabot naman sa amin na papel si maam. Nagtataka man ay kinuha ko pa rin ang papel na iniabot ni maam.

"Para saan po ito?"

"Gusto ko na kayong dalawa ang maglead sa mga school mate nyo sa darating na camp. Actually dapat Grade 12 students ang maglelead but as I can see mas magaling kayong dalawa kaya kayo na lang ang pinili ko."

"Kailan po ba ang camp?"

"Next week. I want the two of you to handle everything."

Sabay kaming napasinghap ni Krizel. So, it means we only have one week to prepare everything? Kaya ba namin 'yun.

"Ma'am, parang hindi ata namin kaya na kaming dalawa lang."

"Alam ko kaya ipinatawag ko rin silang dalawa. Pumasok na kayong dalawa."

Bumukas na ang pinto at laking gulat ko nung makita ko si Andrew at Charity.

"HI MAAM!"

"Charity, Andew. "

"Una ko silang kinausap kaninang first period kaya alam na nila ang gagawin."

Wait.

"So it means kaming apat ang magplaplano para sa darating na camp?"

"Yes!"

Tumalon talon naman papunta sa akin si Charity.

"Sabi ko sayo, kuya Chad, destiny tayo eh. Pinagtapo ng tadhana. Match made in heaven!"

Hindi ako naniniwala sa mga destiny destiny na 'yan pero base sa mga nangyayari ngayon mukhang tama nga si Charity.

"Amh maam. Hindi naman po sa wala akong tiwala kay Charity pero kakatransfer nya palang po diba? Hindi kaya sya manibago or kung ano man?"

Napatingin naman kaming lahat Kay Andrew. Well, may point sya.

"Krizel is also a new student."

Napatahimik kaming dalawa ni Andrew. Okay, tama rin si maam kakatransfer lang din ni Krizel.

"But I am here to guide her ma'am. I am her boyfriend"

"Nandyan din naman si Chad para kay Charity."

At tuluyan na kaming hindi nakapagsalita. Ano ba ang sasabihin ko?

"Charity's school record is really good. Kaya alam ko'ng kaya n'yang makipagsabayan sa inyo."

Tumango-tango naman kaming apat.

"That's all pwede na kayong bumalik sa mga klase nyo. Huwag nyo kalimutan na next week na ang camp so it means this coming Saturday ay dapat ready na ang lahat. Okay?"

"May choice ba kami?"

"May sinasabi ka, Andrew?"

"Wala po ma'am."

At nagsilabasan na kami sa office ni maam.

"Guys?"

"Yes?"

"Punta tayo sa bahay mamaya."

Napahinto naman kaming lahat at napatingin kay Charity.

"Anong gagawin natin doon?"

"Doon tayo magplaplano."

"San ka ba nakatira?"

"Sa may Whindston Village."

"ANO?"

Whindston Village? Sa pagkakaalam ko ay isa 'yun sa mga pinakamagandang Village rito sa lugar namin. Mayayaman din ang mga nakatira doon.

Don't tell me.

"Rich kid ka nuh?"

"Rich kid?"

Nagtataka namang tumingin si Charity kay Andrew.

"Ano  rich kid 'yun ang tawag sa mga taong mayayaman."

"Pero hindi na ako kid so dapat rich teen!"

Saglit kaming napatahimik pero makalipas ang ilang segundo ay sabay sabay kaming napatawa. Well, may point sya

"Bakit? May mali ba sa sinabi ko?"

"Huh?! HA HA HA Wala naman pero sige pupunta tayo mamaya sa bahay nyo."

"It's a deal?"

"Deal"

Napangiti naman akong tumingin Kay Charity. Hindi ko na maalala kung kailan ako tumawa ng ganoon.

I'm happy that Charity is with us, with me.

Just Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon