Chapter 5

7 3 0
                                    

Dumaan ang mga araw at mas naging close kami ni Krizel. This time unti-unti ko nang natatanggap na hindi nga talaga sya si Krizel na girlfriend ko.

"Hoy Andrew! Bigyan mo naman ng kahit isang slice ng pizza si Chad. Ang takaw mo."

"Ayaw ko."

Bahagya naman akong natawa dahil sa kanilang dalawa. Makikita mo talaga na masaya sila sa isa't-isa.

About naman kay Andrew ang sabi nya sa akin hindi nya raw sinabi na ang girlfriend nya ay kamukhang kamukha ni Krizel ay dahil baka magkaproblema kaming dalawa.

Which is true. Kung una kong nakilala si Krizel ay aakalain kong sya ang girlfriend ko. Hindi lang magkapangalan, magkamukha pa.

"Okay lang, Krizel. Alam ko naman na matakaw si Andrew pagdating sa pizza."

"Sobrang takaw."

"Sino ba talaga ang boyfriend mo?"

"Peace!"

Sabay kaming natawa ni Krizel. Mukhang papatay ng tao si Andrew. Nagpatuloy kami sa pagkain habang nilalasap ang hangin. Nandito kasi kami ngayon sa may tabing dagat dito namin napiling kumain ng meryenda.

"Hoy! Ibalik mo ang bag ko!"

Sabay kaming napalingun sa babaeng biglang sumigaw. May hinahabol syang lalaki na may dalang bag. Don't tell me!

"Tulong! Hoy! Ang bag ko!"

Dali dali akong tumayo at hinabol ang lalaking kumuha ng bag.

"H-Hoy! Chad!"

Mabilis s'yang tumakbo pero runner ako kaya mas kawawa sya. Naabutan ko ang snatcher ng bag at agad hinablot ang bag na hawak nya kaso nga lang mukhang wala s'yang planong bitawan Ito.

"Pakialamero!"

Iniangat nya ang kanang kamay nya, mukhang susuntukin nya ako, iilag na sana ako kaso bigla syang natumba nung iniangat ko ang tingin ko at doon ko na nakita ang isang babae na may hawak na kahoy. Mukhang 'yun ang pinanghampas nya sa snatcher.

"S-sa iyo ba itong bag?"

Agad n'yang binitawan ang kahoy at laking gulat ko nung nagsimula s'yang tumalon talon.

"AYYY KUYA! THANK YOU TALAGA!"

"Chad!"

Oh boses yun ni Andrew? Lilingunin ko na sana sina Andrew kaso bigla akong niyakap nung babae.

"Kuya, isa kang malaking blessing."

"G-Ganoon ba?"

"Oy, Chad. Tumawag na kami ng police siguradong papunta na sila rito at sino yang babaeng nakayakap sa'yo?"

"Ahh h-hin--"

Bumitaw na sya sa pagkakayakap sa akin at bigla syang lumapit Kay Andrew.

"Hi! I'm Charity De Guzman! 18 years old! My favorite color is pink! My favorite number is 1! And I believe in the saying that 'I AM THE CUTEST GIRL IN THE WORLD!"

"S-saying ba 'yun?"

Bahagya naman akong natawa sa mga kilos nung babae. Ano nga ulit pangalan nya? Cha? Cha? Cha? Charity!

"Charity--"

Lahat kami ay napatigil nung marinig namin ang sasakyan ng mga pulis. Mabilis ang pangyayari, ipinasok nila sa sasakyan ang snatcher at inimbetahan din kami nung mga pulis na sumama sa kanila. Kahit na naguguluhan ay pumayag pa rin ako. Bago pa man ako tuluyang pumasok sa sasakyan ay tinignan ko muna sila Andrew. Kumaway ako kay Andrew at kumaway din sya pabalik pero si Krizel ay nakayuko hindi sya tumitingin sa akin. Pinasawalang bahala ko na lang ito dahil baka pagod na sya.

Tuluyan na akong pumasok sa sasakyan.




"Salamat sa inyong dalawa. Matagal na talaga itong syang wanted kaso napakailap. Kaya Salamat."

"You're welcome!"

Napatingin naman ako kay Charity simula kanina hanggang ngayon ay napaka energetic nya pa rin. Umiinom siguro ito ng energy drinks. Sabay na kaming naglakad palabas. Actually ako lang 'yung naglalakad kasi si Charity ay tumatalon. Tumalon talon sya hanggang sa tuluyan na kaming makalabas.

"Kuya, Thank you ulit!"

"Huwag mo na akong tawaging kuya!"

"Eh ano na lang?"

"Cha--"

"Chad!"

Sabay kaming napalingun ni Charity sa babaeng sumigaw. Wait, si Krizel? Anong ginagawa nya rito? At bakit mag-isa sya? Nasaan si Andrew.

"Woop! Woop! Girlfriend MO, Kuya?

Just Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon