Chapter 14

10 3 0
                                    

Charity's P.O.V

Iniwan ko muna si Chad sa may puno. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon pero pinasawalang bahala ko muna ang nararamdaman ko dahil may kailangan pa akong gawin.

--2 days ago--

"A-Akala ko mali ang akala ko."

"Tama po ang hinala ninyo maam."

Iniangat ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. He is my private investigator kinuha ko sya dahil may gusto akong malaman.

"Alam ba ng parents nya?"

"Opo pero base sa mga nakalap kong impormasyon naghiwalay na ang parents nya at may kanya kanyang pamilya na. Binibigyan na lang sya ng pera every month."

"So,it means mag-isa na lang sya sa buhay?"

Tumango-tango naman sya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil naiiyak na ako. Bakit sya umabot sa puntong 'to? May mga kaibigan naman s'yang handa syang tulungan. Kaya bakit?

"Sige salamat."

Nagbow naman sa harap ko ang private investigator ko at umalis na. Hindi pa rin ako makapaniwala.

---Present day--

"KRIZEL!"

Napahinto sa paglalakad si Krizel at ilang saglit pa bago sya lumingun sa akin.

Isa lang ang napansin ko namamaga ang mga mata nya. Unti-unti akong naglakad papalapit sa kanya.

"B-Bakit?"

"Umiiyak ka ba?"

"H-Huh?"

Hinawakan nya ang kanang pisngi nya sabay yuko.

"H-Hindi ako umiiyak. Napuwing lang."

"Ah! talaga ba?"

Iniangat nya ma ulit ang tingin nya sa akin. This time handa na ako na iconfront sya, dahil may evidence na ako.

"May tanong ako, Krizel."

"A-Ano 'yun?"

"Bakit lagi mong sinusundan si Chad?"

Nanlaki naman ang kanyang mga mata.

"Nung pumunta kami ni Chad sa may police station alam kong sadya mo kaming sinundan."

"P-Paano mo nasabi?"

"Nakita kita sa labas ng police station nakatingin ka sa amin,I mean kay Chad ka lang nakatingin. Nakatayo ka sa may poste ng ilaw at nung mga time na yun may dala ka ng supot. Hindi siguro napansin ni Chad pero bago ako pumasok sa police car nakita kitang nakatayo katabi ni Andrew at may dalang supot at kamukhang kamukha yun ng dala mong supot na sinabi mong binili mo sa may 7/11"

"Hindi ba pwedeng magkamukha lang talaga. Madaming magkakaparehas na cellophane, Charity."

Tinaasan ko naman sya ng kilay. Nagulat naman sya dahil sa biglang pagbago ng aura ko. Yes! I admit it, nagbabago ang aura ko depende sa sitwasyon pero hindi ibig sabihin nun ay may disorder ako. Sadyang binabagay ko lang ang ugali ko sa sitwasyon na kinalalagyan ko.

"Oo, nga nuh? Maraming magkakaparehas na cellophane pero bumalik ako sa police station in the next day dahil pinatawag ako ulit ng mga police at dahil sa nagutom ako naghanap ako ng pwedeng mabilhan ng pagkain at naalala ko ang sinabi mo na bumili ka ng pagkain sa may 7/11 kaso nga lang, wala namang 7/11 na malapit dun sa may police station eh!"

Just Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon