Chapter 6

6 3 0
                                    


Chad's P.O.V

"Krizel? Anong ginagawa mo rito?"

Naglakad sya papalapit sa akin.

Baka may pinuntahan sya na malapit dito at nakita nya ako kaya naisipan n'yang huminto muna?

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Saan kaya sya galing?

"Ah! may binili kasi ako na pagkain sa may 7/11 malapit dito kaya naisipan ko na dumaan dahil baka nandito ka pa."

Itinaas nya naman ang kanyang isang kamay at doon ko nakita ang isang cellophane na may mga pagkain.

Tama nga ako may pinuntahan nga sya.

"Ano naman ang pinagusapan nyo sa loob?"

"Ahh may tinanong lang ang mga pulis sa amin ni Charity."

"Charity?"

Tumalon talon na naman ulit si Charity. Bilib talaga ako sa kanya, hindi nawawalan ng energy.

"Hi! I'm Charity De Guzman! 18 years old! My favorite color is pink! My favorite number is 1! And I believe in the saying that 'I AM THE CUTEST GIRL IN THE WORLD!"

"O-Okay?"

She don't act like her age but I must admit na she really look cute. Lumapit naman si Charity kay Krizel sabay hawak sa dalawang kamay nito.

"Are you Kuya's Girlfriend?"

"Don't call me Kuya, Chad na lang at hindi ko rin sya girlfriend."


Bigla namang napatingin sa akin si Charity . Nagulat naman ako dahil sa biglaang pagbago ng aura nya, from being childish to being scary. May dual personality disorder ata itong babaeng ito.

"A-Ano hindi nya ako girlfriend. May boyfriend ako."

"Awts sayang."

"Gabi na kailangan na nating umuwi."

Sumang ayon naman silang dalawa sa akin at isa pa may klase pa kami bukas.Unang umalis si Charity, actually may dumating na kotse na sumundo sa kanya. Mayaman pala itong babaeng ito. Naiwan kaming dalawa ni Krizel.

"So,bakit mo naisipang bumili ng mga pagkain?"

"Hiihihi, nanood kasi ako ng drama kahapon tapos nakita ko na sarap na sarap sila sa pagkain na kinakain nila kaya naisipan kong bumili nagutom ako eh!"

"Curious ka?"

"Ah-huh! Ay sya nga pala, matagal mo na bang kilala si Charity? Yung babae kanina?"

"Hindi, kanina ko lang din sya nakilala. Bakit?"

"Ahhh, napakajolly nya nuh? I like her gusto ko syang maging kaibigan."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya.

Krizel, my girlfriend doesn't want to have a lot of friend.

She is the total opposite of my girlfriend.

Kaya ngayon tanggap ko na na impossible talaga na sya si Krizel, but still, I am happy na she's my friend.

Kinabukasan....

"Good morning class. Before we start our discussion. I want you all to meet your new classmate. You can now come in."

Lahat kami ay naghihintay sa bago naming kaklase. Binuksan na niya ang pintuan.

"Please welcome your new classmate, De Guzman."

"De Guzman?"

Halos lumuwa ang mata ko nung makita ko kung sino ang bago naming kaklase.

Ch-Charity?

"Hi! I'm Charity De Guzman! 18 years old! My favorite color is pink! My favorite number is 1! And I believe in the saying that 'I AM THE CUTEST GIRL IN THE---- Oh MAH GASHHH KUYA CLASSMATE KITA?"

Lahat ng kaklase ko ay napalingun sa akin. Si Charity naman ay naglakad wait no, tumalon talon sya papalapit sa akin.

"Is this Destiny?"

"Destiny?"

"Kilala mo sya, Chad?"

"Ang cute nya. Pakilala mo naman ako Chad."

Maraming tanong ang mga kaklase ko to the point na hindi ko na alam kung sino ang una kong sasagutin.

"Chad."

Iniangat ko ang tingin ko kay Charity na kasalukuyang nasa harap ko ngayon at tumalon talon na ulit sya gaya kagabi.

"Oh MAH GASH KUYA CHAD! This is destiny! So, Let's start dating"

"WHAT??"

Just Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon