Chapter 1

20 3 1
                                    

Minsan iniisip ko kung may mali ba akong nagawa at pinaparusahan ako ngayon? Sa pagkakaalam ko ay naging mabuting tao naman ako.

"Chad, maganda ang view doon punta tayo?'

"Dito lang muna ako."

"Chad, pumunta tayo dito para kahit papaano ay maging masaya ka pero paano ka magiging masaya kung nakasimangot ka dyan at nakaupo lang?"

"Medyo pagod pa ako, pupunta rin ako doon mamaya."

"Okay, maghihintay kami sa iyo."

Tinanguan ko lang sila. Sa aming magkakaibigan ako talaga yung happy go lucky pero simula nung nawala si Krizel nawalan na ako ng gana sa buhay. Ang gusto ko na lang ay umupo at hintayin ang araw na mawawala na ako sa mundong ito para makasama ko na si Krizel.

"Ang ganda talaga ng mga lugar dito, Kitty!"

Napatayo ako ng wala sa oras at pinasadahan ko agad ng tingin ang buong paligid. Narinig ko na naman ang boses ni Krizel. Nagsimula na akong maglakad para mahanap ko kung kaninong boses 'yun at bakit kaboses na kaboses nya ang girlfriend ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko lang ay kailanagn kong mahanap ang boses na 'yun.

"Kitty, doon tayo. Mukhang maganda doon."

Nanginginig na ang mga tuhod ko. Boses nga 'yun ni Kitty. Hindi ako nagkakamali. Dali dali akong tumakbo kung saan ko narinig ang boses pero napakaraming tao. Hindi ko alam kung saan sya banda.

"Kitty, wait!"

Napalingun ako sa may kanan ko dahil doon ko ulit narinig ang boses.

"Excuse me, padaan po,"

Madami na akong nakakabanggang tao kaya panay rin ang sorry ko. Pasensya na talaga gusto ko lang talaga makita ang babaeng kaboses ng girlfriend.

"Kitty!"

Ayun sya. Gaya nung nasa airport kami ay nakatalikod din sya sa akin. Dali dali akong naglakad papunta sa kanya pero papalayo na ulit sya kaya mas binilisan ko.

"Wait!"

Malapit na ako sa kanya. Pilit kong inaabot ang mga kamay nya, malapit ko ng maabot.

"Aray! Maghinay-hinay ka naman."

"Sorry po."

Tinulungan kong tumayo ang babaeng nakabangga ko at nung nakatayo na sya ay ibinalik ko ang tingin ko sa babae pero wala na sya.

"Nawala ulit sya."

Naglakad na lang ulit ako na nakayuko. Malapit ko na sana sya maabot pero sayang.Dahil nakayuko ako ay hindi ko na napapasin kung may nakakabangga na ba ako.Nung may nakita akong upuan ay umupo agad ako. Napagod ako sa kakatakbo. Kahit na nakaupo ako ay nakayuko pa rin ako.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay may biglang umupo sa tabi ko. Hindi ko na tinignan kung sino. Nawalan ulit ako ng gana sa mga bagay bagay.

"Alam mo, kahit na malungkot ka dapat ngumiti ka pa rin."

Iniangat ko ang tingin ko sa babae na katabi ko.

W-wait, sya 'yung babaeng hinahabol ko kanina. K-kaboses nya ang girlfriend ko.

"Tissue?"

Iniabot nya sa akin ang tissue na hawak nya. Kinuha ko naman ito.

"Krizel! andyan ka lang pala. Halika na inaantay na nila tayo."

"Aww okay, Sige na aalis na ako, see you."

Tumayo na sya at nagsimula nang maglakad. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi nya lang kaboses at kapangalan, kamukhang kamukha nya rin ang girlfriend ko but my girlfriend died 3 years ago. So, paano nangyari 'yun?.

Just Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon