Chapter 12

7 3 0
                                    

Chad's P.O.V

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko ngayon. Bakit bakit ko nakalimutan? Biglang nagvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko kaya dahan dahan ko 'tong kinuha. Dahil gaya ni Andrew nanginginig din ang mga kamay ko.

Pag open ko sa phone ko ay mas lalo akong nanlumo. Naalala kong nag set pala ako ng reminder sa phone ko na ngayon ay death anniversary ni Krizel. Sa sobrang panghihina ay napaupo ako sa may lupa. Ipinatong ko ang siko ko sa mga tuhod ko at tinakpan ko gamit ang isang kamay ang buong mukha ko. Bakit sa dami ng dapat kalimutan ay ito pa? Halo halo ang nararamdaman ko ngayon.to the point na jindi ko alam kung saan at ano ang ba ang totoo.

"Andrew! Chad!"

Narinig ko ang boses ni Krizel pero wala ako sa mood ngayon para makipag usap kahit kanino.

"Kuya Chad? Okay ka lang?"

Sumilip ako at nakita kong hahawakan ako ni Charity pero bago la man dumampi ang kamay nya sa akin ay pinigilan na agad sya ni Andrew.

"Andrew, ba't ang lamig mo?"

"H-Huh? A-Alis muna tayo kasi medyo hindi maayos ang pakiramdam ni Chad k-kaya tayo muna ang mag asikaso sa mga gawain."

"Huh?! Hindi maganda ang pakiramdam mo kuya Chad? Halika punta tayo sa may tent may first aid du---"

"Okay lang."

Saglit silang natahimik. Siguro dahil sa gulat. Napakacold ng pagkakasabi ko. Oo alam ko 'yun. Medyo cold ako minsan pero alam kong nararamdaman nilang iba ang pagiging cold ko ngayon.

"S-Sige mauna na kami."

Tumango na lang ako bilang sagot. Wala na akong lakas pa para magsalita pero hindi naman pwede na dito lang ako kaya kahit nanghihina ay sinikap ko pa ring maglakad papunta sa tent namin ni Andrew. Pagpasok ko sa tent ay binuksan ko ka agad ang phone ko. Hanggang ngayon sya pa rin ang wallpaper ko. Pumunta ako sa gallery at tinignan ang mga lumang picture namin ni Krizel. Hindi ko na napigilan pa na lumuha.

"Pasensya ka na ah. Hindi ako nakapunta sa puntod mo ngayon. Pasensya ka na kasi sa sobrang dami kong iniisip nakalimutan kita. Pasenya ka na----"

"Sa tingin mo pag humingi ka ng pasensya magiging okay na ang lahat?"

Napalingun ako kay Charity na nasa harap ng tent. Binuksan nya pala ang zipper ng tent ni hindi ko man lang napansin. Pumasok sya sa loob at sinirado ulit ang zipper. Umupo naman agad sya sa tabi ko.

"Bakit ka pumasok dito? Baka may isipin na iba ang mga schoolmate natin."

Hindi nya sinagot ang tanong ko at bigla bigla na lang hinablot ang phone ko na nasa kamay ko.

"So, She is Krizel?"

"Yeah"

"Death anniversary nya ngayon?"

"Yes."

Iniangat nya ang tingin nya sa akin at dun ko lang narealize na kakaiba na naman ang aura nya.

"Sa tingin mo naririnig at nakikita ka ngayon ni Krizel?"

"Bakit mo naman naitanong?"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko."

Napayuko naman ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Weird pero pakiramdam ko ay naririnig at nakikita nya ako.

"Oo"

"Kung OO, ano ang gusto mong sabihin sa kanya?"

"Ano ba dapat? Sa sobrang dami kung gustong sabihin hindi ko na alam kung saan magsisimula."

"Edi magsimula ka sa pinakasimula."

Iniangat ko ulit ang tingin ko kay Charity. Ngumiti sya sa akin at pakiramdam ko ay medyo nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.

"Siguro, Ang pinakauna kong sasabihin sa kanya ay bakit, bakit sya biglang nawala? Bakit nya ako iniwan? Bakit hindi man lang sya nagpaalam?"

Nananakit na ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng luha. Ayaw kong umiyak ulit,Hindi sa harap ni Charity.

"Mahal na mahal ko sya. Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi ko pa rin kayang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Sana, sana hindi sya umalis at iniwan akong mag-isa. Ngayon pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako---"

*pak*

Nanlaki ang mga mata ko nung bigla akong sinampal ni Charity. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya at nagulat ako dahil kitang kita ko ang galit sa mga mata nya.

"NAG-IISA?"

"..."

"So, ano ang tawag mo kay Andrew, sa mga kaibigan mo ,kay Krizel, sa akin?!"

"S-Sorry"

"Hindi mo alam,wala kang alam."

"Anong hindi ko alam?"

"Hindi mo alam kung anong hirap ang dinanas ko makasama ka lang, para maibsan ang kalungkutan na nararamdaman mo."

"Anong pinagsasabi mo, Charity?"

"Malalaman mo rin pero hindi pa ngayon."

Tumayo na sya at lumabas na ng yent sinubukan ko syang pigilan pero hindi sya nagpatinag.

"Ano ba ang tinatago mo,Charity?"

Lumipas ang mga araw at hindi parin ako pinapansin ni Charity. Nung nasa camping pa kami sinubukan ko syang lapitan at kausapin pero sa tuwing lalapitan ko sya ay lumalayo naman sya. Kahit si Andrew ay nagtaka rin.

Nung natapos ang camp namin hindi kami pinapasok for 2 days para makapagpahinga raw kami, sinubukan ko naman syang tawagan sa phone pero hindi nya ako sinasagot. Nagdadalawang isip din ako kung pupuntahan ko ba sya sa bahay nila. Aaminin ko, pakiramdam ko ay may malaki akong kasalan sa kanya kahit na hindi ko alam kung ano.

Lunes na at klase na ulit. Pinagprapray ko talaga na sana ngayon ay pansinin na nya ako,medyo malungkot kasi kapag hindi nya ako pinapansin. Pumasok na ako sa classroom at naglakad papunta sa upuan ko. Laking gulat ko nung may nakita akong bulaklak. Don't tell me

"GOOD MORNING KUYA CHAD!"

Napalingun ako sa likod ko at dun ko nakita si Charity na abot tenga ang ngiti.

"C-Charity."

"HUH! AKALA MO TITIGILAN KO NA ANG PANLILIGAW SA'YO?! NO WAY!! ANG LAYO NA NG NARATING KO TAPOS NGAYON PA AKO SUSUKO----"

Hindi ko na sya pinatapos pa dahil yinakap ko na agad sya. Hindi ko 'yun inisip kusa ko iyong ginawa.

Natatakot ako,natatakot ako na baka pati sya ay iwan din ako. Ayaw ko na.

Just Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon