Chapter 13

6 3 0
                                    


Chad's P.O.V

Dumaan ang mga oras, araw at buwan at masasabi kong mas naging magaan ang pakiramdam ko.Unti-unti ko nang nakakalimutan ang sakit ng pagkawala ng girlfriend ko.Mas naging matibay ang pagkakaibigan namin ni Andrew. Mas naging close kami ni Krizel at higit sa lahat,

"Chad!"

Napalingun ako sa likod ko at nakita ang babaeng may dalang gitara. Si Charity. Simula nung natapos ang camp ay sinabihan ko na sya na huwag na huwag na nya akong tatawaging kuya at salamat naman dahil sumunod sya pero ngayon, bakit may dala syang gitara?

"This song is for you, Chad."

Naghiyawan ang mga student na nasa paligid. Wait, ano raw? Itinaas ko ang isa kong kilay sabay nagcrossed arm.

"Ano na namang trip mo, Charity?"

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay nginitian nya lang ako sabay strum sa gitara nya.

"~Come and lay here beside me. I'll tell you how I feel. There's a secret beside me. I'm ready to reveal.To have you close,embrace your heart with my love over and over. These are things that I promise, My promise to you..~~"

"ITIGIL MO NA YAN, CHARITY!"

Naestatwa naman si Charity sa kinatatayuan nya. Natahimik din ang buong paligid dahil sa biglaang pagsigaw ko. Naglakad ako papalapit kay Charity at habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Hindi ko naman sila masisisi nung nasa harap na nya ako ay kinuha ko ang gitara mula sa kanya. Mali, mali 'to Hindi naman dapat umabot sa punto na ganito eh. Ayaw ko na mangyari pa 'to ulit!

"Ano ba ang iniisip mo, Charity?"

"S-Sorry."

"Mali na kasi ang ginagawa mo!"

Hindi na nakasagot pa si Charity. Napayuko ma lang sya, alam kong naiiyak na sya. Hinawakan ko ang kanang pisngi nya at iniangat ang mukha nya paharap sa akin.

"Mali, kasi dapat ako ang gumagawa nito sayo. Ako dapat ang humaharana sa'yo."

Nanlaki ang mga mata nya at tuluyan nang hindi nakapagsalita. Naghiyawan naman ang mga estudyante sa paligid namin.

Dahil sa naestatwa na si Charity, hinila ko na lang sya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta hinila ko lang sya at hinayaan ang mga paa ko na gumalaw.

"S-Saan tayo pupunta?"

Tumigil na ako sa paglalakad at hinarap sya.

"Simula ngayon huwag na huwag mo na ulit gagawin 'yun."

"Ang alin?"

"Ang panliligaw sa akin. Dahil ako dapat ang gumagawa nyan."

Yumuko naman sya at pinaglaruan ang mga daliri nya sa kamay.

"Hindi mo naman ako gusto, paano 'yun?"

"At sinong may sabing hindi kita gusto?"

Napaangat sya ng tingin sa akin. Nanlalaki Nlna naman ang mga mata nya. Bahagya naman akong napatawa dahil sa naging reaction nya.

"G-Gusto mo ako? Kailan pa?"

"Hindi ko alam. Basta isang araw nagising na lang ako ma ikaw na yung laging iniisip ko."

Dahil mas mataas ako sa kanya, ipinatong ko ang isang kamay ko sa ulo nya sabay gulo ng buhok nya.

"Simula ngayon ako na ang manliligaw sa'yo."

Nginitian ko sya at sa di ko malamang dahilan ay hindi sya ngumingiti pabalik sa akin.

"May problema ba?"

"Huwag ka nang manligaw."

"H-Huh?"

Wait, naguguluhan ako. Akala ko, for fun lang ba ang panliligaw nya sa akin?

"Huwag ka nang manligaw kasi SINASAGOT NA KITA!"

Tumalon talon naman sya sabay palakpak. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nya.Hindi ko rin kasi alam kung saan magsisimula.

"Pasalamat ka, marupok ako! BWAHAHAHAHA"

Yinakap nya naman ako kaya niyakap ko rin sya pabalik.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Chad. Worth it lahat ng pinagdaan ko para lang mapansin mo."

Bahagya naman akong napangiti kahit na pakiramdam ko ay may iba pang ibig sabihin ang mga sinasabi nya ngayon.Nagulat ako nung bigla syang bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin.

"Wait lang ha. May pupuntahan lang ako!"

"Okay?"

At dali dali na syang tumakbo. Nagstay pa muna ako rito sa may ilalim ng puno ng mga ilang minuto pero may kakaiba kasi akong nararamdaman yung tipong parang may tumutulak sa akin para sumunod kay Charity.

"Hayss!"

Napasabunot ako sa buhok ko sabay lakad papunta sa direksyon kung saan pumunta si Charity.

"Saan na kaya sya?"

Naglalakad ako nang may bigla akong narinig na nag-uusap. No, nagsisigawan.Sinundan ko ang boses ma naririnig ko hanggang sa dinala ako nito sa may likod ng building kung saan wala masyadong pumupunta.Nagtago ako sa gilid sabay silip kung sino ang nagsisigawan. Tsismoso na kung tsismoso pero may pakiramdam ako na kailangan kung malaman kung ano ang pinaguusapan nila. Weird.

"LIAR!"

"HINDI KO NGA ALAM ANG SINASABI MO!"

"ANG AYOKO SA LAHAT AY YUNG MGA SINUNGALING! LAGI KITANG TINITIGNAN AT INOOBSERBAHAN AT NAG HIRE DIN AKO NG PRIVATE INVESTIGATOR PARA LANG MAKUMPIRMA KO KUNG TAMA BA ANG HINALA KO KAYA WAG KA NANG TUMANGGI PA!"

Laking gulat ko nung makita ko kung sino ang dalawang nagsisigawan. Si Charity at Krizel. Bakit?

"Please,Charity. May bangkay na nakita at tinest din yun at positive na sya si Krizel."

Bakit napasok sa usapan ang girlfriend ko na si Krizel?.

"Siguro nga positive ang lumabas pero uso naman ngayon ang pagpapalit ng result sa DNA diba? Hindi mo ako maluluko dahil nga sabi ko sayo kanina nag hire ako ng mga private investigator. You are Kriesha Zelle Andrajo for short Krizel. Chad's 'supposed to be' dead girlfriend."

W-what?

What is happening?

Pero nakita ko kung paano  inilibing si Krizel. Ako rin ang unang nakakita sa bangkay nya kaya alam kung sya talaga 'yun pero anong ibig sabihin ng sinasabi ni Charity?.

"Krianna Aizel Andrajo ang ginagamit mong pangalan diba? She is your twin sister right? Dumating sya dito sa pilipinas from korea 3 years ago. Naaksidente ang sinasakyan nyang taxi nung papunta na sya sa bahay na tinitirahan mo. So bakit, bakit mo ginagamit ang kambal mo para manloko ng tao?"

I-I don't understand.

Just Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon