AVA'S POV
"Uy ghorl! Tulala ka na namerns jan?"
Napalingon naman ako sa katabi at ngumiti ng malungkot. "Sorry.. may iniisip lang bakla.."
Napataas na kilay na suminangot naman to, "Sino? Si Mr. Perfect boy na naman yan no? Kuuuu! Kung ako sayo titigilan ko na yon noh!"
Bumuntong hininga ako. "Di ko alam! Basta.. namimiss ko na kasi sya.."
"Makamiss ka ghorl aahh!"
"Masama ba mamiss?" Depensa ko.
Ngumuso ito. "Ayy iba ka talaga! Alam mo, kesa ganyan ka.. inom nalang tayo mamaya.. ano?"
Napatango ako ng wala sa sarili.
'Kahit alam nyang bawal dahil high school pa lang kami. Ni wala pa nga sa edad namin ang 18 tapos ang gusto nya, inom??'
Hindi naman namin first time mag inom dahil madalas magyaya si brenda mag inom sa bahay nila. Palibhasa ay lumaki sa ibang bansa. Pinapagayan naman sya ng mga magulang nya, open minded naman kasi ang mga ito.
Basta sa loob ng bahay.
Pasaway lang talaga siguro at hindi sya nahuhuli ng magulang nito na nag iinom sa labas o bar.
"Tigilan mo ko bakla! Wala ka pang 18. Managinik ka dyan. Oh eto!" Sabay abot ng inumin. "Mag yakult tayo!"
"Tang ina naman be! Ano to? Anong gagawin ko dito?"
"Gaga edi iinumin!"
"Tanga! Halika may kilala akong may ari ng bar! Tara don tayo mag inom! Dali! May banda-banda don! Para senti na din tayo! O kaya para makahanap ka naman ng ibang lalaki bukod dyan sa crush mo!" Mabilis na sabi nya at kinaladkad ako palabas ng bahay nila.
Bahala na. Makalimot lang ako ngayong gabi.
"SHOTGUN BAR"
Nang makapasok ay agad kaming naghanap ng ma-uupuan malapit sa veranda.. na kahit papano ay tanaw pa din namin ang nasa stage.
"Oh, brent. Baka may dumaang police dyan at tanungin kayo. Sabihin nyo ay 20 na kayo ahh. At baka malagot ako nyan.." sabi ng may ari na kaibigan ni brenda.
"Oo naman bakla! Para namang hindi ako nag iinom dito. Ako na bahala dito, dadamayan ko lang tong kaibigan kong basag na basag na daig pa nang speaker mong kasing edad mo na ata!" Biro nito sa kausap na inilingan ko lang.
"Ay si gaga! Makiki-inom ka na nga lang. Mang ookray ka pang hayup ka! Osya! Aalis na ako at baka masapak kita! Enjoy! Sana wala kang mahanap na lalaki!" Mataray na sabi nito at umalis.
YOU ARE READING
EVERYONE'S RAINBOW (On Going)
Teen FictionMakulit at masayahin na bata si Ava, matalino din ito lalo na pagdating sa agham, magpamahal ito lalo na sa kanyang ina at lola... Pero sa edad na katorse ay maaga namulat ang pagkagusto nito sa batang si Marcus na mas matanda sa kanya ng isang tao...