IKA-ANIM NA YUGTO

26 7 6
                                    

AVA'S POV

ALAS-onse pa lang ay nandito na ko sa isang kilalang coffee shop na malapit daw sa bahay nila lala.

Dito kasi ang usapang meet up place namin ni baklang brenda, dahil para daw sabay na kami.

Habang naghihintay ay naisip ko na naman ang nangyaring pagkikita namin ni marcus kanina, matapos yung nangyaring away namin sa mall.

FLASHBACKZXC

Pagkagaling kala lala ay nagpahatid lang ako sa may kanto ng village dahil hindi naman ganon kalayo ay kaya ko namang lakarin.

"So paano ghorl, sure ka bang dito ka nalang? Pwede naman kitang ihatid hanggang sainyo eh.." sabi pa ni brent, pero dahil ayoko nang makaabala ay umiling agad ako.

"Hindi na, keri lang naman.. basta ingat ka.. safe naman dito ehh.. walang mangrarape sakin dito noh, hehehe..." Biro ko pa.

Umismid pa ang bakla sa sinabi ko, "Ay teh! Wag kang assuming.. lumabas kana nga at ang aga aga pinapasakit mo bunbunan ko. Isa kapang kosumisyon ehh! Shooo! Alis na!" Pangtataboy nya kaya talagang natawa ako.

"Hahahhaa grabe sya! Sige na! Ingat ahh! See you! Labyu Brent brandon! Hehehehe!" Hahampasin nya na sana ako nang marinig nya ang tawag ko sakanya.

Ayaw na ayaw nya kasing tinatawag sa pangalan na brandon, malakas daw makalalaki at hindi bagay sa beauty nya.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan habang tumatawa.

"Punyatera ka talagang babae ka!" Sigaw nya ng makalabas ako ng sasakyan.

Kinawayan ko pa muna to at nagflying kiss pa ako bilang pang aasar, pero dahil si brenda yon ay nakatanggap ako ng isang "fuck you" sign galing dito..

'siraulo talaga hahahaha!' napailing nalang akong nagpatuloy papasok ng village.

Habang naglalakad ay naaninag ko na may nakahintong sasakyan sa tapat ng bahay nila marcus, na sa pagkakatanda ko ay sasakyan yun ni rio dahil sa sticker ng cartoon character ata na nakadikit don.

Pero hindi lang yon ang kinagulat ko, magkayakap kasi si marcus at lulu.

'ang aga namang mambadtrip ng mga to!'

Unti-unting bumagal ang paglakad ko, miski ang paghinga ko ay ramdam kong bumagal.

Mabilis ding nag init ang bawat sulok ng mga mata ko at nag aalinlangan kung tutuloy pa ba ako o hihintayin ko muna silang matapos.

Pagkakataon nga naman, so ganyanan tayo lord? kung kelan medyo nagiging ok pakiramdam ko, isasampal mo talaga sakin???

Napayuko ako ng bahagya, napahinto pa muna ako ng ilang segundo bago magpatuloy sa paglalakad, pero this time nakayuko pa din.

'so sila???' Ano bang pakialam mo ava? Hindi ka naman nya girlfriend!

'oh edi sila na! sana man lang konting paggalang! nakakasira ng umaga yung mga ganyang yakapan!'

EVERYONE'S RAINBOW (On Going)Where stories live. Discover now