AVA'S POVPAUWI na ako nang matapos ang klase ko dahil hindi ko naman kaklase sa last minor subject ko si brenda ay hindi ko sya kasabay, nakakahiya din naman maging feeling close lalo na kakikilala palang namin..
Madami ding pinapadala samin na kung ano-ano kaya balak kong dumiretso sa bookstore.
Nang makalabas sa gate ng university ay naglakad lang ako ng konti para makasasakay sa dumadaan na jeep.
Pagkasakay naman ay naupo lang ako, nahagilap nang mata ko si marcus na may kasamang babae, pero nang ibalik ko ang paningin ko don ay nawala naman sila. Kaya, nagkibit-balikat ako, baka guni-guni ko lang?
Nang makarating sa bluewave mall, ay agad akong tumungo sa bookstore para bumili nang mga kailangan ko, nang matapos mamili ay dumiretso ako sa isang fastfood at nag order ng pagkain, nang maghahanap na ko ng upuan ay nanlaki ang mata ko dahil nakita ko s marcus pero hindi sya nag iisa.
May kasama siyang tatlong lalaki at dalawang babae, kasama din nya si edjay, ang isa ay nasa pinakacenter ng upuan ang isa naman ay katabi ni edjay sa upuan at yung dalawang babae ay pinagigitnaan si marcus na nakatalikod sa gawi ko.
Nanlaki ang mata ni edjay nang magsalubong ang mata namin, napaawang pa ang labi nito at napatingin kay marcus na kumain, may sinabi sya dito kaya nagsilingunan ang lahat sa gawi ko.
Awtomatiko akong nahiya, muntik ko na ding maibagsak ang dala kong tray.
Tatalikod na sana ako nang tinawag ako ni Edjay.
Napapikit ako bago humarap sakanila at ngumiti.
"A-ava!" Nauutal na sabi ni Edjay, kaya naglakad ako papalapit sakanila kahit nahihiya.
"Akala ko ba may klase kayo?" Nakangiting tanong ko nalang.
"W-walang prof hehe.." kinakabahang sagot nya.
"Ganon ba? Hi marcus!" Masayang bati ko pa pero si marcus ay tiningnan lang ako ng seryoso.
"H-hahaha kala ko ba uuwi kana ava?" Sabat na naman ni Edjay kaya napaunta sa kanya ang tingin ko.
"Oo, pero marami kasing kailangan sa school, kaya pumunta ako ng bookstore ehh.." sagot naman niya.
"Ano ka ba pre! Paupuin mo, para kang di naman gentleman nyan! Kilala nyo pala eh!" Sabat naman ng lalaking kasama nila, napatingin ako sakanya, kalbo ito at sa tantsa ko ay maliit na lalaki, medyo mataba din sya, na syang katabi ni edjay.
"Hindi ok lang, nakakahiya sainyo.. aalis din naman ako." Nahihiyang sabi ko, kaya aalis na dapat ako ng magsalita nanaman si marcus.
"Umupo kana don.." Kaya nagmamadaling, tumayo si edjay at kinuha ang pagkain ko at dinala sa bakanteng upuan kung nasan katabi nya lang.
Pagakaupo ay nakasalubong ko ang tingin ni marcus. "Hi!!" Bati ko ulit, pero si sungit ay inirapan lang ako.
Pero dahil sanay na, ay binalewala ko yon.
"Hi! What's your name?" Bati sakin ng kalbong kasama nila nang isusubo ko na sana ang kanin ko.
"Ava po.." naiilang na sabi ko, pero susubo na sana ulit ako ng magsalita na naman sya.
"Ahh.. ako naman si Makoy! Nice to meet you, kaklase ako ni Marcus! Ilang taon lang naman pagitan natin, wag mo na ako i-po!"Naiilang ngumiti lang ako.
YOU ARE READING
EVERYONE'S RAINBOW (On Going)
Novela JuvenilMakulit at masayahin na bata si Ava, matalino din ito lalo na pagdating sa agham, magpamahal ito lalo na sa kanyang ina at lola... Pero sa edad na katorse ay maaga namulat ang pagkagusto nito sa batang si Marcus na mas matanda sa kanya ng isang tao...