IKATLONG YUGTO

22 7 1
                                    


AVA's POV

PABALIK na ako pauwi samin dahil marami akong gagawin, inabutan din ako ng dilim dahil hapon na ako bumiyahe paalis kala lola.

Bugnot na bugnot ako sa dami ng gagawin ko.

1st year at 1st sem palang ay toxic na para sakin, paano pa kaya pag 4th yr na ako, baka madrained ang utak ko sa dami ng ginagawa at gagawin ko pa.

Mabuti pa nung highschool ay natututukan pa ko ni mama. Hindi katulad ngayon. Kailangan kong harapin mag-isa.

Sandamakmak na reports ang dumating samin ngayong week.

Pero isa din yon sa dahilan kung bakit nakaya kong hindi makita si marcus.

Sa totoo lang ay miss na miss ko na sya. Lalo na yung ngiti nya na labas ang dimples, at ang mga puti at pantay na ngipin nya, lalo na ang mata nya na isa sa mga nagustuhan ko sakanya, pero hindi lang yon.

Ang iba ay sinasabi sakin na kaya ko sya nagustuhan ay dahil sa itsura at estado nya sa buhay, pero hindi totoo yon, nang makilala ko pa sya ay mas lubos kong napatunayan na isa syang mabuting kuya, kaibigan, kapatid, at anak.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit sya biglang nagkaganun?

Baka iniisip nyang hindi ko maiintindihan?

O baka, dahil lang siguro lasing sya?

Pero bakit nya nagawang saktan ako?

Hindi ko talaga maintindihan ang sitwasyon.

Pero dahil yun naman ang gusto nya ay wala akong magagawa. Pero kung may gusto ako ngayon, ay maging ok kami dahil ako lang naman talaga ang nagpalala dahil ako lang naman ang may gusto sakanya, nanghihinayang pa din ako lalo na sa nabuo naming pagkakaibigan, nakakalungkot lang dahil hindi ko alam kung tinuring ba talaga nya akong kaibigan o pinakisahan lang dahil naawa sila sakin.

Maraming beses ko na din na inisip na tumigil dahil nga madaming beses nya na akong nasaktan, emotionally.

Pero marami ding beses na pinigilan ko ang sarili ko dahil, kahit anong desisyon ang gawin ko.. siya pa din ang pinipili ko kahit alam kong hindi naman ako ang pipiliin niya.

Dahil wala pa si mama ay tumambay muna ako sa playground.

Naupo ako sa bench kung saan una kong nakita si marcus, don din ako madalas umupo para panoorin siya habang nagbabasa ng libro kung saan madalas syang umupo naka-pandekwatro na katabi lang ng puno.

Pagkaupo ay bumuntong-hininga ako at tumingin sa mga butuin.

Dumukot ako ng barya sa bulsa, madalas kong gawin ang mag toss-coin na inaayon ko sa sagot na mula sa taas, kapag lumabas ang ulo ay oo at kapag ibon ay hindi..

Dahil nga minsan tumatama ang sagot, pero mas madalas ay palpak, pero dahil nakasanayan ko nang ginagawa yon ay hindi na yon natigil sa sistema ko na kada may tanong ako na gusto ko lang masagot dahil minsan ay wala naman akong nakakausap.

"Namimiss kaya ako ni marcus?" Tanong ko habang hawak ang barya sa parehas na kamay at nakatingin sa butuin.

Pinaikot ko ito sa ere at saka sinalo sa kaliwang kamay. Kinakabahan man ay bahagya kong tinaas ang kaliwang kamay at pinikit ang kanang mata at saka unti-unting binuksan ang palad ko.

Bahagya pa akong natawa sa naging sagot at saka binalik yon sa bulsa. Napailing ako sa sariling kalokohan.

"Ha?! Sino bang hindi makakatiis na hindi makakita ng gantong kacute na mukha? Baliw nalang hindi nakakaapreciate ng cuteness ko noh.. bwahahahahaha!" Mahinang bulong ko pa habang pinapaikot ang kamay at sinesenyas ang kabuuan ng mukha ko..

EVERYONE'S RAINBOW (On Going)Where stories live. Discover now