IKA-WALONG YUGTO

2 0 0
                                    


AVA'S POV

Maaga ako nagising. Tinatantya kung totoong nangyari yung ginawa ni marcus sakin kagabi.

Grabe! Kung pwede lang lamunin na ako ng lupa sa sobrang hiya, syempre kahit naman ialay ko na ang sarili ko sakanya, may dignidad pa naman ako, mga 1% nga lang hehe..

Choss lang, pero anak din naman ako ni Lord.

May karapatan din naman akong magkatanggap ng biyaya noh!

Dahil sa gulat ay hindi ako nakapagsalita. Naalala ko pa yung mga sinabi nya bago kami pumasok sa kanya-kanya naming bahay.

'Don't tell anyone about our kiss, ava.'

'Meet me tomorrow after school. Itetext na lang kita.'

'We need to talk.'

Infairness, nakatikim na nga talaga ako ng biyaya galing sa langit.

Maganda pa ang pagkakangiti nya ng isarado ang pinto ng gate namin at iniwan ako.

Jusko ha!

Naguguluhan ako sa totoo lang. Pero dahil gusto ko yung nangyayari mas ok na siguro yung ganto, kesa wala atleast may posibilidad na baka magkaroon kami ng label.

Napangiti ulit ako at mahinang nagtiti-tili, umaasang mas hihigit pa don ang mga mangyayari.

Kahapon lang ay para akong taong walang buhay pero ngayon ay parang kahit maglinis ng bahay ng kapitbahay ay kaya kong gawin.

As much as possible ay kinakalma ko ang sarili ko, dahil madali lang ako mabasa.

Magtanong pa sila mama at mabuking pa ako.

Oo nga naman self, hindi lang ang kaibigan kong si brenda ang makakaalam mas dapat din akong matakot kay mama. Mas mabuti na muna sigurong sarilihin to kesa ipagsabi ko pa. Although, gusto kong ipagsigawan, pero pag kami na siguro.

'okay nang assuming, nasa step 1 naman na ako'

Yung idea pa lang na magiging kami ay sobra na para sakin, yung mahalikan pa kaya? Dream come true self!

Napatayo ako ng maalala ko na ngayon yung sinasabi ni Rio!

"Shit! Paano na yon?" Ngumiwi ako.

'bahala na nga!'

Napatingin ako ulit sa kisame ng kwarto ko na kasa-kasama ko na simula ng magkagusto ako kay marcus, kung makakapagsalita nga ang to eh baka pagsabihan niya na din ako katulad ng ginagawa ni mama sakin.

Napangiti pa muna ako ulit bago tuluyang tumayo at maglakad papasok ng banyo.

Nang matapos ay inayos at pinalantsa kong mabuti ang susuoting uniporme, walang lukot at pino ang pagkaka-plantsa.

Maging ang mahaba kong buhok, ay blinower at sinuklay ko ng maayos. Nagspray din ako ng isa sa pinaka-iingatan kong pabango dahil bukod sa mahal ay kokonti lang ang laman non, pero umaabot ng ilang araw bago mawala ang amoy.

Liptint at cream lang din ang nilagay ko sa mukha para simple lang tingnan. Dinala ko na lang ang mga yon para pwede akong mag retouch mamaya.

Lahat kasi ng paalala ni brenda ay tinandaan ko, dahil sya ang nagtuturo sakin mag ayos kahit papano.

Litanya nga lagi ng bakla na kung hindi ako magaayos ay paano daw ako magugustuhan ni marcus ko. Sa dinami dami ba naman ng magaganda ngayon sa campus, kaya kailangan ko talagang ayusin sarili ko.

EVERYONE'S RAINBOW (On Going)Where stories live. Discover now