SPG ALERT!
PAGPASOK ng room ay umupo agad ako sa tabi ni brent. Anatomy and physiology class namin ngayon. Wala pang prof kaya naman medyo naghintay pa kami ng matagal.
"Saan ka galing sis?" Tanong ni brent ng kalabitin ako.
"Sa vollyeball team room." Baling ko sakanya at ngumiti.
"Ha?? Anong gagawin mo don? Sasali ng volleyball team??" Gulat na tanong niya pa.
"Hindi noh. Kinausap kasi ako ni rio. Kung gusto ko daw ba pumasok ng team manager ng team nila, pumayag naman ako kasi nagpaalam siya kay mama."
Nanlaki ang mata nya. "Trulala ba?? Di nga? So bukod sa glee club, may volleyball club kapa? Ang sipag mo teh!"
Napalabi lang ako. "Hehe wala naman siguro masama itry. Pwede ko naman bitawan ang glee club. Lalo na mas interesado ako sa volleyball club ngayon." I shrugged, totoo naman. Mas nakita ko ata yung purpose ko kesa sa glee club. Wala naman daw talagang masyadong ganap don. Hindi katulad ng ibang club na sobrang active.
"Sabagay teh. Ikaw bahala."
Napalingon ako sa paligid. "Nasan si lala?"
"Hindi ko din alam. Nagmessage naman ako sakanya." Kibit balikat niya.
'baka absent lang siguro, hindi lang nakapagsabi samin'
This time nangangati na talaga ang dila ko, gusto ko na kasi talaga ikwento sa baklang to ang nangyari kagabi.
'di pa naman ako sanay ng may tinatago!'
Past forward, pagkatapos ng class ay dumiretso kami ng canteen para kumain.
(Ha? Nasan kaba? Gaga ka tapos na ang first class! Andito kami ni ava sa canteen! Dito kana dumiretso! May 2hrs tayong vacant!)
Napalingon ako kay brent ng may kausap to sa phone nya.
"Sino yan?"
"Si lala. Na-late daw siya ng gising! Nakooo! Kakanood niya siguro ng porno, hahaha!"
Bintukan ko nga. "Gaga ka! Manahimik ka!"
"Aba'y totoo naman!"
"Guys!" Malamyang bati ni lala ng makita kami sa pila. "Sorry. Si ate kasi hindi man lang ako ginising! Absent tuloy ako sa isang subject!"
'ha? eh may sariling maids ang babaeng to ahh!?'
"Wag kami lala! Kakanood mo ng porn yan!" Ulit nya ulit sa biro nya kanina.
"Hala! Wag kang maingay brenda! Baka may makarinig sayo!" Namumulang saway ni lala sakanya.
"Totoo noh??" Nakapamewang na panghuhuli nya rito.
"A-ano kasi.. hindi naman. A-ano lang, may nangyari kasi kay ate kanina. Nagwala sya kaya ako napagbuntungan nya ng g-galit niya." Kwentonya at don ko napansin ang malilit na sugat sa mukha at braso nya.
YOU ARE READING
EVERYONE'S RAINBOW (On Going)
Teen FictionMakulit at masayahin na bata si Ava, matalino din ito lalo na pagdating sa agham, magpamahal ito lalo na sa kanyang ina at lola... Pero sa edad na katorse ay maaga namulat ang pagkagusto nito sa batang si Marcus na mas matanda sa kanya ng isang tao...