Simula

11.6K 159 0
                                    

Mahal ko ang trabaho ko at lahat gagawin ko para matupad lang ang pangarap kong mapabilang sa mga top models sa buong mundo. Wala akong pakialam sa anumang sasabihin ng iba sa akin basta matupad lang ang pangarap kong yon.

Bata pa lang ako ay hilig ko na ang pagmomodelo at kahit ayaw ng parents ko noon ay pinagpatuloy ko parin. Pero hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko at kung tutuusin naman ay top student din naman ako lagi sa batch namin.

College na ako ng minsang may nag-offer sa aking imodel ang isang sikat na brand ng lingeré at syempre pumayag ako kaagad. One time opportunity lang yon kaya kinuha ko na agad pero..hindi ko naman aakalain na sa pagtupad ng pangarap ko ay mawawala ang mga magulang ko. They're just on a business trip to Baguio before pero dahil sa balitang nalaman tungkol sa pagmomodel ko ay agad silang umuwi. Maulan pa noong time na yon kaya sa pagmamadali nila ay naaksidente sila. So ayun hindi natuloy ang sanang pagmomodel ko dahil sa kanila.

Sinisisi ko parin ang sarili ko hanggang ngayon dahil sa nangyari sa kanila pero kailangan kong ipagpatuloy ang buhay at ang pangarap ko kaya pinagpatuloy ko parin ang pagmomodelo. Hindi man sikat sa buong mundo ang mga damit na minomodel ko, atleast unti unti narin akong nakikilala.

Aside from modeling ay isa rin akong professional pastry chef at kasalukuyan kong minamanage ang naiwang business ng parents ko. We owned a cafe dahil pareho ding pastry chef ang mga magulang ko noon. Right now kung meron akong mga shoots or mga modeling shows na sinasalihan ay ang assistant ko ang pinapamanage ko. Mapagkakatiwalaan naman siya kaya hindi ako nababahala doon.

Nag-iisang anak lang naman kasi ako tsaka wala naman akong mapagkakatiwalaang kamag-anak dahil lahat sila ay mga gahaman sa pera. I have no family and only a few friends left on me. Hiniwalayan din kasi ako ng boyfriend ko kahapon lang dahil daw sa nagsasawa na siya sa akin.

Ang sabihin niya hindi niya lang ako magawang galawin kaya siguro napagod kakahintay. Like duh!! As if namang papayagan ko siyang galawin ako eh hindi ko pa naman siya asawa. Tsaka mas mabuti ngang hiwalay na kami ngayon kasi sobrang babaero niya. Tsk.

"Hello girl! Mukhang busy tayo ngayon ah? Need help?" my bestfriend asked me na kakapasok lamang sa opisina ko.

"No thanks Kay, naparito ka?" I asked her

"Oorder lang sana ako ng cake para sa birthday ng pinsan ko. Birthday niya kasi next week at ang sabi ni Tita eh dito daw yon magcecelebrate ng birthday niya hindi sa Cebu."

"Sinong pinsan besh?"

"Si Rozian."

"Oh! Birthday pala ni sungit! Nakalimutan ko. Tsk. Anong cake ba ang gusto niya?"

"Ako pa ang tinanong mo eh may alam ka naman don. Tsaka hindi naman kasi mahilig sa cakes or desserts yon except for mocha cupcakes and donuts."

"I know. Kailan nga yung birthday niya para maiprepare agad ng staff ko."

"Next Wednesday besh pero pwedeng favor? Ikaw nalang ang gumawa ah, alam mo namang maselan ang doktor na yon. Daig pa tayong mga babae sa kinakain."
Sambit ulit nito kaya naparolyo naman ako ng mata.

"Fine fine, kung hindi ko lang yon mahal hindi ko yun gagawin." Sambit ko.

I love her cousin matagal na kahit sobrang sungit non sakin. Ewan ko ba pero kaya siguro hindi ko magawang mahalin yung ex ko dahil sa pinsan ni Kay na playboy at masungit.

"Ayiiee! Si besh oh lumalandi. Sana talaga maging kayo ng pinsan ko. Pero thanks beshie! Pauwi ka na ba? Lets hang-out kasama ang iba tutal friday naman na ngayon. Please??" Pagpapacute niya kaya napapailing nalang ako.

Taken by Mr Coldy (A Doctor's Touch) [Completed]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon