11

5.5K 114 0
                                    

It's a good thing na wala na siyang kasunod na pasyente dahil hindi na niya ako pinakawalan. Hindi ko narin siya napigilang icheck ang kalagayan ko and when he confirmed to himself na buntis nga ako ay mas lalo siyang sumaya ng husto.

Pero..ano kaya yung magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang anak ako ng tinitingala niyang doktor?

"Cleigh." Tawag pansin ko sa kanya na kanina pa hindi mawala wala ang ngiti ss mga labi niya.

"Yes baby?"

"Hindi ka ba nanghihinayang sa offer sayo? Pangarap mo yon diba?" I asked him at napahinga naman siya ng malalim.

"It's maybe my dream but if you can't reach yours because of me, hindi ko rin yon tatanggapin kasi ayokong maging madaya sayo. I want us to be fair kaya hinding hindi ko yon tatanggapin."

Si Cleigh ba talaga to? Bakit parang sobrang ibang iba na siya? Asan na yung masungit at walang pakialam na Cleigh noon? But..either of that, siya parin ang nag-iisang Cleigh na mahal na mahal ko.

Kaya lang..gusto kong makasiguro. Gusto kong makasigurong mahal na nga niya talaga ako tsaka gustong kong pahirapan siya ng kaunti dahil sa ginawa niya.

"Cleigh..I'm sorry but we can't be together."

"What?? Bakit hindi ngayong magkakaanak na tayo?"

"I know that but..I am..I am arranged to marry someone too kaya hindi tayo pwede." Sambit ko saka iniwas ang tingin sa kanya.

"No.. you're just kidding right?"

"I'm not and I'm telling the truth." I told him at magsasalita na sana siya ng biglang dumating ang secretary niya.

"Doc, pinapatawag daw kayo ni Doc Mauro sa office niya. Ngayon na daw po sana."

Nice timing ka talaga Dad.

"Tell him that I'm coming."

"Yes Doc."

Paagkaalis ng assistant niya ay hinila niya ako patayo papapunta sa office ni Dad. Bakit naman kaya pinapatawag niya si Cleigh? Tsaka bakit naman ako isasama ng isang to?

"Bakit mo pa ako sinama dito?"

"You need to hear our conversation."

"But--" protesta ko pero hinila niya lang ako papasok sa marahil ay office ni Dad dito. I haven't been in his office so hindi ko talaga alam.

Pagpasok namin ay nakita kong may mga hawak na mga papel ang daddy ko.

"Tito, pinatawag niyo daw ako?" Tawag pansin ni Cleigh kay dad dahilan para mapalingon naman ito.

He saw me and Cleigh holding each others hands na agad niyang ikinailing.

"Yeah and I want to talk to you alone." Dad said saka napatingin ulit sa akin.

"Sorry Tito but if you want to talk to me ay gusto kong kasama ko ang girlfriend ko." Sagot naman nito na ikinailing nalang ulit ni Dad.

"If thats what you want. Have a seat and lets talk." Maotoridad na sambit ni Dad kaya sumunod naman si Cleigh at syempre pati ako.

"What are we going to talk Tito?"

"It's the thing that I've said to you last time and I want you to answer me now." Seryosong sambit ni Dad.

"I'm sorry Tito but I will decline your offer. I maybe love to accept that position but I love my girlfriend more than anything else." Sagot nito kay Dad at nagharumentado naman ang puso ko dahil sa mga naririnig mismo sa kanya.

Taken by Mr Coldy (A Doctor's Touch) [Completed]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon