The next day ay si Markaus mismo ang sumundo sa akin. Good thing na maagang umalis si Cleigh so hindi sila nagpang-abot na dalawa. Siguradong magagalit na naman yon kapag nakita kaming magkasama.
We went to a private hospital and then we did the testing. I was hesitant at first but then naisip ko na para din ito sa akin kaya pinagpatuloy ko nalang.
"Are you hungry? Lets eat first bago kita ihatid sa café."
"Ahm..yeah." Sagot ko agad dahil kanina pa nagugutom ang baby ko.
"Where do you want to eat? It's my treat."
"Ikaw nalang ang bahala."
"Okay." Nakangiti nitong sambit.
Habang kumakain naman kami ay panay ang kwento niya ng kung ano ano. Hindi ko nga lubos akalain na may pagkahappy go lucky siya at nalaman ko rin galing mismo sa kanya na girlfriend niya si Camille.
Akala ko kasi talaga noon si Cleigh kaya panatag na ang loob ko ngayon na hindi siya.
"So you're a cardiologist."
"Yeah, just like Dad."
"Ahmm..nasaan nga pala siya?" Hindi ko maiwasang itanong. Akala ko kasi kanina ay makakasama namin siya.
"He's currently abroad with mom for an important business meeting but they will be home after three days."
"Alam ba nila ang ginawa natin kanina?"
"Actually, I didn't tell it to them."
"Huh? Bakit hindi?"
"It will going to be a surprise lalo na kay mommy kasi wala siyang alam tungkol dito." Sagot naman nito
"Do you really think na kapatid mo talaga ako?" Tanong ko ulit sa kanya at agad naman siyang tumango.
"Yeah, hundred percent sure." He confidently said.
Hay..sana nga talaga.
Pagkatapos naming kumain ay inihatid na niya ako pauwi imbes na sa café sana. Medyo napagod kasi ako at kailangan kong magpahinga kaya umuwi nalang ako.
Bukas na nga pala ang check-up ko sa doktor. Muntik ko na tuloy makalimutan dahil sa mga nangyayari.
"Besh, pasensya na pero hindi kita masasamahan sa doktor ngayon." Kay said habang nagmamadali sa pag-aayos.
"Ano ka ba okay lang no, kaya ko na ang sarili ko."
"Eh kung sinabi mo nalang kaya kay Rozian ang lahat edi kasama mo sana siya sa first check up mo."
"Saka nalang besh kapag nagkalakas ng loob na ako."
"Ewan ko na nga sayo. Sige na at mauuna na akong umalis." Anito saka umalis na.
Ako naman ay nagbihis na then tumuloy na papuntang ospital na pag-aari nina Markaus. Ang yaman yaman pala nila dahil bukod sa may ari sila ng isang ospital ay mayroon din silang sariling mall tsaka mga hotels.
Maaga akong nakarating kaya maaga din akong nakapagpacheck-up pero nang makita kung sino ang doktor ko ay pareho kaming nagulat sa isa't isa.
Bakit hindi ko manlang naisip yon? Tsaka OB din pala siya?
"Maureen?? What are you doing here?"
"Mag-papacheck up?" Alanganin kong sambit.
"What? Why? Are you..pregnant?" Hindi niya makapaniwalang tanong at marahan naman akong tumango.
"Y-yeah..I'm pregnant and it's Cleigh's child."
"D*mn! Ang bilis ng gago! Alam ba niya ang tungkol dito?" Medyo galit at inis niyang sambit.
BINABASA MO ANG
Taken by Mr Coldy (A Doctor's Touch) [Completed]✔
ChickLitCaella Harieda is a not so famous model na pinapangarap na makasali o mapabilang manlang sa mga sikat na modelong madalas nakikita sa New York o kaya ay sa Paris fashion week. Malapit na sana siya sa kanyang pangarap pero nang makilala ang pinsan ng...