13

4.9K 112 0
                                    

Everything became so fast and now, I am finally Caella Maureen Coleman- Grienzon. Parang hindi pa nga ako makapaniwala pero yung singsing na suot ko ang patunay nang lahat. Gosh! I am finally Mrs Grienzon at asawa ko na ang coldy doctor na si Rozian Cleigh Grienzon!

"Wife.." Tawag pansin ni Cleigh sa akin.

Ayee!! Wife daw oh! Kilig naman si ako! Haha!

"Hmm?"

"I love you." Anito saka hinalikan ang kamay ko.

Parang may sarili kaming mundo dito at inienjoy lang namin ang isa't isa.

Marami ang dumalo sa kasal namin ni Cleigh pero iilan don ay hindi ko kilala especially some of our family acquaintances. Kilala ko na kasi yung mga kamag-anak namin dahil isang beses na akong naisama nina mommy sa isang family event and even Cleigh's family ay kilala ko narin.

"I love you too hubby." Nakangiti kong sambit saka niyakap siya.

"Ang sweet sweet naman! Parang noong nakaraan lang magkaaway kayo tapos ngayon mag-asawa na." Sambit ng kaibigan naming si Faye na girlfriend din ni Harris.

"Naniniwala na talaga ako sa kasabihang the more you hate the more you love. Diba Kay?" Sambit ni Zandrix na kaibigan din namin at pinsan ko rin pala.

Actually ako lang ang nag-iisang babae sa aming magpipinsan both sa mother and fathers side. Nakakainis nga eh lalo na kapag may gatherings at wala akong kausap na ibang babae kundi ang mga Tita ko lang tsaka si mommy.

"Ano namang kinalaman ko jan ha?" Masungit namang sambit ng bestfriend ko. Kawawa naman si Drix mukhang basted agad kahit hindi pa nagtatapat sa kaibigan ko.

"Tsk. Wala! Manhid na nga slow pa." Bulong ni Drix na hindi naman narinig ni Kay kasi sa iba nakatuon ang pansin niya at parang may hinahanap.

"Poor Zandrix, hanap ka nalang daw ng iba." Si Faye ulit.

"Ayun bro oh, kanina pa nakatingin sayo. Mukhang type ka yata." Harris sabay tinuro ang isa sa mga pinsan ni Cleigh sa mothers side. I forgot her name pero mabait ang babaeng yon at medyo may pagkamahinhin ng kaunti.

"Si Eloira yan yung dating nerd na pinsan ni Rozian." Drix said

"Talaga? Siya pala yan? Ang ganda niya pala kapag naayusan." Faye said at hindi naiwasang purihin si Eloira.

"Mas maganda parin si Kay." Ani Drix na ikinalingon naman ni Kay sa kanya.

"Narinig ko na naman ang pangalan ko tsaka sinong maganda?" Kay asked

"Ang ganda mo daw sabi ni Zandrix." Harris

"Thanks! Matagal ko ng alam yon." Kay saka lumingon na naman sa kung saan at balak pa yatang umalis.

"Saan ka pupunta besh?" I asked her kaya ngumiti naman siya.

"Pupuntahan ko lang yung boyfriend ko. Ipapakilala ko sa inyo." Sambit nito saka umalis.

What?? Boyfriend? May boyfriend na ulit ang babaeng yon ng  hindi ko nalalaman?

"Uh-oh! Mukhang may uuwing sawi ngayong gabi." Ani Faye saka napatingin kay Drix na nakakakuyom na ang kamao ngayon.

Walang salita salitang umalis naman ito at sinundan si Kay na lumabas ng hall. Dito nga pala sa bahay namin ang reception. May sarili kasing malaking hall ang mansion namin at dito madalas ginaganap ang mga party instead na sa hotel.

Hindi na namin alam ang sumunod na nangyari don kasi nang matapos ang buong reception ay hindi na sila nakabalik pang dalawa.

And instead of worrying ay hinayaan nalang namin sila. It's their story at ayaw na naming makisali pa doon.

Taken by Mr Coldy (A Doctor's Touch) [Completed]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon