"Hi! Good morning!" Bati ko kay Andy
He smiled at me "Good Morning Sunshine!" bati nito
Pumasok ako sakanyang sasakyan at napanguso. Hindi na Shaiko ang tawag niya sakin, Sunshine na ulit. Oh well!
Ipinakita ko sakanya ang paperbag na laman ang Tupperware na may banana bread "Para kay Tita!" excited kong sabi
"Ako wala?" nguso niya
Tumawa ako "syempre meron. May dala pa ko, Kainin natin mamaya kasama sila Jan" ngiti ko
Tumango ito "Idaan muna natin sa bahay. Para makain na nila mommy. Maaga pa naman" Sabi niya at tumingin sakanyang relo
Sumangayon ako at nagdrive na siya papunta sa bahay nila, hindi na ko bumaba sa kotse, siya nalang ang bumama, bumalik din naman kaagad siya
Nagdrive na siya papuntang school
"Tuawang tuwa saiyo si mommy" Sabi nito
"Bakit?" tawa ko
"Ang bait mo daw na bata! Appreciative, thoughtful at sweet. Sabi ko sakanya na parang hindi naman" Tawa nito
"What?! Mabait naman ako ah?" Angal ko ah
"Joke lang" tawa niya "Pero sinabi niya talaga yun kagabi at kanina. Inabot ko sakanya mismo yung banana bread na gawa mo, tuwang tuwa siya"
Napangiti naman ako at natuwa dahil nasiyahan si tita sa gawa ko
"Sabi niya nga saakin na ligawan daw kita" tawa nito
Nanlaki ang mga mata ko at nasamid ako sa sarili kong laway
"Sabi ko sakanya na hindi niya na kailangan sabihin yon dahil balak ko naman talaga"
Wala akong nasabi kaya awkward akong tumawa, nagpapasalamat nalang talaga ako dahil nasa parking na kami sa school. Bumaba agad ako nang makapag park na siya
"Ihahatid na kita sa room niyo." Sabi nito
"Hindi na! Malapit na mag seven, baka malate ka sa class mo" hilaw na ngisi ko sakanya. Bago pa siya magsalita ay nagpaalam na ko at naglakad na palayo
Nanghihina ang tuhod ko, tama ba narinig ko? ipit akong tumili habang naglalakad papuntang classroom.
"Heidi!" gigil kong yakap sa best friend ko
Buong araw kong hinintay na mag lunch time na pero kabadong kabado na ko nung papunta na kaming canteen. Nanghihina ang tuhod ko sa kaba habang dala dala ang banana bread. Halos mahimatay ako nang Makita ko si Jan, Neo at Andy na nakaupo na. Kumaway saamin si Jan kaya hinila na ako ni Heidi papunta sa table nila
"Wow! Banana bread!" Sabi ni Neo
"Matitikman ko na ang paboritong banana bread ni boss Brylle" Sabi ni Jan
Kumain muna kami ng kanin at pinaghatian na naming yung banana bread
"Sarap! Bat ngayon mo lang ako pinatikim nito?!" Madramang sinabi ni Heidi
"Akala ko OA si Miguel, masarap pala talaga" Tawa ni Jan "Banana bread mo ang bukang bibig non eh"
"Very soft and moist! Ang sarap!" sabi ni Andy
Nagpasalamat ako at tumawa
Nang dismissal na ay nagmadali akong umuwi. Dali dali akong pumara ng taxi at sumakay para maka uwi na dahil nasa bahay na sila mommy.Habang nasa taxi ay tumawag si Andromache sakin
"Hi!" sabi ko habang tinatanaw ang palapit naming condo
"Hello, bat umuwi ka ng maaga? Nag taxi ka?"
YOU ARE READING
My Soldier boy
Teen FictionBata palang sila ay sinasabihan niya na ang kanyang bestfriend na si Miguel na magpapakasal sila paglaki. Pero matutupad kaya iyon ngayong magsusundalo si Miguel? Marami siyang nakilalang lalaki, pero may makakatapat kaya kay Miguel? May marerealiz...